Chapter 09

128 6 0
                                    

Masama ang loob ko dahil sa ugali na pinakita sa akin ni Amber kagabi. I didn't get much sleep because of her. That was the first time she said that to me. Hanggang paggising ay wala kaming pansinan, ang childish lang. Gusto ko siyang kausapin pero paano kung magalit siya? Yung dalawang kasama namin sa kwarto ay wala namang pakialam. Sila talaga yung nakakairita dahil sa kanila ay nag-iba si Amber.

Normal ang takbo ng araw ko kinabukasan, ginawa ko ang chores na naka assign sa akin, umattend ng rosary, at umattend din sa klase. Nakakapagod ang ganung takbo ng buhay, wala kaming normal na childhood, yun ang nakakalungkot.

I was reading the old testament of bible. Wala akong ibang magawa pagkatapos ng klase nang lumapit sa akin si Amber.

"Sorry Lisa kagabi. Pagod lang ako."

Narinig kong sabi niya, sinara ko ang bible at tinabi lang muna ito sa gilid ko tapos ay mataman na tinignan siya. I sighed. "It's okay. Alam kong pagod ka. Kasalanan ko rin dahil hindi ko tinapos ang gawain ko. Sa susunod ay sisiguraduhin kong wala akong maiiwang trabaho kapag may pumunta man dito para kunin ako."

Kumunot ang noo ni Amber. "Bakit? Kukunin ka ba nila ulit?" I hinted that's she's annoyed again. But why?

I just shrugged my shoulders. "Di ko alam." Yun lang ang tangi kong sinabi.

Wala akong sagot na nakuha mula sa kanya. Tinapik niya lang ang balikat ko saka tumayo at hindi ko alam kung saan siya pupunta. I resumed reading the bible again.

Twenty minutes later Matron called me and said na sa Linggo pa daw dadating sina Mrs. Alvis para kunin ulit ako. Mas okay na yun kaysa ngayon dahil wala ako sa mood at hindi ako magiging mag eenjoy kasama sina Mrs. Alvis kung masama naman ang araw ko.

"Gusto mo bang maglaro tayo Lisa? May isang chess set pa sa taas. Gusto mo?" yaya ni Denice sa akin.

It was still early and Matron let us go outside to chill. Nakaupo lang ako sa malaking bato dito sa garden. Kasama ko si Denice. Si Amber ay may tinatahi siyang damit mula sa telang binigay ng madre. Mayroon din akong tela pero ginawa ko lang na kumot dahil malamig tuwing gabi at wala akong ibang nagagamit, sakto at makapal yun kaysa sa sapin ng kama.

"Hindi ako marunong." pag-amin ko. Hindi naman talaga ako marunong maglaro ng chess. Tumitingin lang ako sa mga naglalaro. Mas magaling pa ngang maglaro sa akin si Romina na mas bata kaysa sa akin.

"Tuturuan naman kita." desidedo niyang sagot.

Nag-isip muna ako bago ako pumayag. That's better idea than doing nothing. Wala din naman akong ginagawa kaya walang masama kung matuto ako ng bagong hobby.

Iniwan na ako ni Denice at pumasok siya sa loob. Naiwan ako sa labas, hindi ako nag-iisa dahil naglalaro ang ibang bata. Inabot ko ang damo at binunot ko ito mula sa lupa nang makita kong papalapit si Amber. May dala siyang tela at yung ibang gamit niya sa pantahi. Tumabi siya sa akin.

"May binorda ako kanina. Ito oh." May pinakita siya sa aking panyo. May nakaborda ngang roses sa panyo niya.

"Maganda." tipid kong sagot.

Malapad siyang nakangiti. "Kapag pumunta ulit dito si Giovanni ay ibibigay ko itong panyo sa kanya. Gusto ko ding umamin sa kanya na gusto ko siya." she said while looking at her handkerchief, love was written all over her face.

Parang naging dismayado ako na hindi pala sa akin ibibigay ang panyo. Akala ko sa akin ibibigay bilang peace offering. Pero hindi pala.

Speaking of Gio, I didn't tell her na nag-usap kami ni Gio at binigyan ako ni Gio ng hair clip. Lahat ay hindi ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa pagiging malapit ko kay Gio dahil may bumubulong sa isip ko na hindi ko dapat sabihin sa kanya kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa ni Gio. Gio was my secret. Lahat ng may kinalaman kay Gio ay sekreto ko. Lahat. Pati kay Gov at Matron.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now