Chapter 41

86 9 0
                                    

Ako naman ang napaawang ang labi dala ng gulat... at pagkamangha sa sinabi niya. Naghahalo ang nararamdaman ko pero nananaig ang tuwa sa isip at puso. All this time, he's still liked me... but how about my sister? At yung ibang babae na gusto niya? Pero mayroon nga bang iba?

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. Bumaba ang tingin ko sa tubig. I dipped my toes again. I couldn't feel the coldness of the water anymore. Wala na akong naramdaman, namanhid ako sa sinabi niya. Ano naman ang gagawin ko kung gusto niya pa ako? Tumalon sa saya at sumigaw dahil gusto niya pa ako? Nonsense. Hanggang may Taylor pa at isang babae na Yumi ang pangalan ay hindi ako matatahimik.

Wave catched my chin and he made me looked at him. "Please say anything. I want to hear your thoughts about it. I know mahirap paniwalaan pero... you're still the one Lisa. I'm always into you since then."

Malungkot na ngiti ang aking ginawad sa kanya. "I don't what I see Wave. I can't... I don't know. Paano si Taylor?" I blurted.

Wave gave me a puzzled look, his lips parted. Hindi siya makapagsalita agad. Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa gilid ng kanyang mukha. I knew it, he's still into my sister. Habang nakatingin ako sa side ng mukha ni Wave ay hindi ko napigilan na mapangha sa kanyang itsura. From his hair, down to his perfect pointed nose and perfect jawline, nasayang agad ako. Sayang dahil hindi siya magiging akin.

Pero tumingin siya sa akin. Tipid niya akong nginitian. Kinapa niya ang kamay ko at pinatong ang kanyang kamay. "I'm sorry hindi ako nakapagsalita agad. My brain is still processing about your speculations about me and your sister. So after all this time, you're thinking I'm in a relationship with your sister?"

"Hindi ba?" Mahina pero matapang na sagot ko.

Pagod siyang ngumiti sa akin, ang kanyang mapupungay na mga mata ay nagniningning sa saya. Kinuha na niya ang kamay ko, binuklat niya ito at tinapat sa kanyang dibdib.

"I know the heart doesn't have to do with my feelings to you, I know emotions regulate in the brain. But I believe heart is the central of emotions not the brain, because the shape of our brain doesn't fit as a symbol of love or other emotions. But you're always here... inside of my heart and the crown of my brain. My heart doesn't beat this fast if I can't think of you. Because after all this time... you're always linked to me. You made my heart race because you're in my head."

I heard his heart beating so fast. Ang lakas ng pintig ng puso niya at ang aking mga daliri ay parang may sariling isip na hinaplos ng marahan ang kanyang dibdib.

When I was young I read about the power of the brain. Emotions weren't came from the heart, they're all in the brains but the love symbolized the heart because the heart was pumping so fast when brains knocked on it.

Kung teenager pa ako maaaring cringe ang feeling ko ngayon kasi hindi ako mahilig sa mga taong umaamin ng feelings sa gusto nila. But Wave's confession wasn't cringe because he's just telling what's inside his heart— brain I mean. He's just telling me about his true feelings toward me because he wanted me to noticed his strong affection to me. And I'd always be with him.

"Kung inamin mo lang yun noon pa ay sana ay malalaman ko agad ang nararamdaman mo." sagot ko.

"Maniniwala ka ba agad kung sabihin ko sayo na gusto kita noon palang? I tried to tell you about it nine years ago. Dinala kita sa lupa na bigay ng lolo ko diba? But you got mad. At si Taylor ang dahilan. Lisa, Taylor is just my friend, we're never close before until she became closer with my cousin Hero. Palagi siyang sumasama sa akin para makita si Hero. Your sister likes Hero. At hindi ko magagawang agawin siya sa pinsan ko dahil iba ang gusto ko. Nauna ka kaysa sa kanya Lisa."

Ang pait sa pakiramdam kung inagaw niya si Taylor kay Hero. Parang hindi ako magiging masaya sa ganun. Iba ang gusto ni Taylor. Kung kaya'y nagkamali pala ako ng akala. Sa maling akala lang ang naging dahilan kung bakit nag-assume ako na hindi ako ang babae na para kay Wave.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now