Chapter 29

109 4 0
                                    

Napatulala ako nang makita si Wave sa harap ko. Bago na ang suot niya kaysa kanina nang magkita kami sa kalsada. I took a glance on his face. He looked bothered. Ang higpit ng hawak niya sa bottled water.

"Hi." bati niya, he sounded anxious.

Sumandal ako sa pinto. "Hi yourself. What are you doing here? Tapos na ba ang dinner sa baba?" I asked, curiously.

Huminga siya ng malalim. "Actually pumunta ako dito para... ibigay 'to sayo. I heard tita Klara says you want some water kaya ako na ang nagvolunteer na iakyat ito dito." he handed me the bottled water.

I, myself was confused because I didn't say I want some water. Si Klara mismo ang nagsabi na kung gusto ko daw ng tubig ay magsabi lang ako pero hindi ko naman kailangan ng water kasi may orange juice naman akong ininom pero ubos na nga. I cocked my head sideways. Strange.

But I erased those cloud of a thing that confused me. Malugod kong tinanggap ang bottled water na inalok niya sa akin. "Thank you." sagot ko, nakahawak ako sa seradura, I'm ready to close it again.

Wave just kept standing there, in front of me. Wala yatang balak na bumaba.

"Do you want anything else? Or may sasabihin ka pa sa akin?"

Mabigat siyang naglabas ng hangin. "Wala na."

"Okay." Then sinarado ko ang pinto. Bumalik na ako sa kama para sana magbasa ng libro nang kumatok ulit ang taong nasa labas ng kwarto ko. I rolled my eyes, I shook my head in disbelief. Hindi ba ako bibigyan ng privacy ng mga tao sa labas? Sign na ba ito na magsulat ako ng warning sa tapat ng pinto ng kwarto ko para hindi ako istorbohin?

Really?

At si Wave na naman ang nasa labas. I arched my brow at him. He grinned but it's mixed with ansty. Panay ang pagpahid ng kanyag palad sa kanyang suot na itim na pantalon.

"Waverick kapag ulitin mo na naman ang pagkatok talagang susugurin na kita diyan sa labas." Pagbabanta ko sa kanya, napatigil siya at parang nagulat pa siya nang sabihin ko yun na may diin.

"Uh, tapos ka na bang kumain? Yung tray kasi kukunin ko sana." Garalgal niyang sambit.

Nakataas pa rin ang kilay ko ng tumalikod at kunin ang tray na wala ng lamang pagkain. "Tell Klara, the foods are delicious. I liked the prawns and crabs."

"Sure. I take note of it." Tinanggap niya ang tray nang biglang sumagi ang kanyang daliri sa akin. Nagpalitan kami ng tingin ni Wave pero agad din akong bumawi.

Nang matanggap lang ni Wave ang tray ay mabilis kong sinarado ang pinto. Hindi ko na napigilan ang hiningang kanina ko pa pinigilan. Napahiga ako sa bunk bed at parang tangang inangat ang aking kamay at pinagmasdan ang daliring nahawakan ni Wave. Kanina nang magtagpo ang aming daliri ay parang may kuryenteng lumabas mula sa aking katawan kaya ang bilis kong kumilos para siraduhin ang pinto.

"This is not normal." I mumbled, still looking at my index finger. Magabal kong pinatong ang aking kamay sa harap ng aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Mas lalong bumilis ang takbo ng puso ko nang dumaan sa isip ko ang itsura ni Wave. Ang gwapo niya sa suot niya kanina. He's dashingly handsome with his wavy hair clinging on his shoulders.

Pagkalipas ng sampung minuto mula sa pagkatulala ko ay nagpasya akong maglinis ng katawan at magbihis ng pantulog. I wanted to sleep. Alas nuebe palang ay dinadalaw na ako ng antok.

Tapos na akong maglinis ng katawan at magbihis, handa na ako sa pagtulog nang may sumunod na naman na katok. I rolled my eyes for the third time tonight. Nagbuga ako ng marahas na hangin. Padabog akong naglakad sa pinto at lantutay kong binuksan ang pinto.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now