Chapter 42

85 6 0
                                    

Dalawang araw ay na nasa loob ng lang ng kwarto niya si Wave. Hindi siya makalabas dahil masakit ang kanyang likod. He had to stayed inside of his room until he's okay. Hindi na siya nagpadala pa sa hospital dahil gagaling din naman daw yun. Hinayaan ko siya kahit nag-aalala ako para sa kanya ay hinayaan ko. May chiropractor na dumating at may isang doktor din na sumuri sa lagay niya. Pero wala daw siyang bali. Ako rin pinatinggnan sa doktor and thankfully wala naman nakitang mali ang doktor sa katawan ko.

Now Wave and I were facing again the calm beach. The sky was grey and nobody's out in the beach for their outdoor activities. Kaming dalawang lang ni Wave ang nandito sa beach. There's a tall grass na tumutubo lang sa sands at doon kami pumwesto ni Wave dahil mas maayos ang pwesto doon kaysa sa niyogan at baka maaksidente pa kami doon.

"Let's swim?" Pagyaya niya sa akin.

I crinkled my nose and shook my head. "Wala ako sa mood. Wala din tayong dalang towel."

"It's okay, come on."

Tumanggi ako. Hindi namilit si Wave na maligo ako sa dagat. Naupo lang siya ulit at pareho naming tinitigan ulit ang mahinang paghampas ng dagat. I heard him sigh.

"This is peace Lisa." he mumbled under his breath.

Mahina akong tumango bilang pagsang-ayon. The calmness of the beach brought peace into our mind. I loved the beach it made my mind devoted to peace. The beach was therapeutic. Kahit saan lugar ako tumira basta may dagat at kakahuyan akong nakikita araw-araw kapag gumigising ako.

Nadala ng hangin ang hibla ng aking buhok sa harap ng aking dibdib, ngayon ay nasa likod na. Napansin ko din na sinasayaw ng hangin ang buhok ni Wave. Mas bumigay sa kanya ang gupit niya ngayon. Siguro ay hindi na siya bata kaya nababagay talaga ang kanyang gupit. Mas nakikita ang kanyang mamula-mulang tenga dahil sa lamig na dala ng hangin.

"Wave?" Tawag ko sa kanya.

Agad namang napatingin si Wave sa akin. His eyes were dancing in delight. Kung ano man ang rason ng saya sa kanyang mga mata sana ay kasama ako sa naging dahilan kung bakit siya masaya.

"What?" he whispered.

Nilapit ko ang aking mukha sa kanya. Tinukod ko ang aking baba sa kanyang balikat at diretso ko siyang tinignan. "Thank you. Sa lahat." I whispered.

Nalilito niya akong tinignan. "I don't know why you're saying thank you all of the sudden but I hope you won't leave me again without saying goodbye. Kung aalis ka pabalik ng Utah ay sasama ako okay? Isama mo ako."

I chuckled but his face soured. "Silly I'm not yet leaving. Kung aalis ay ikaw ang unang makakaalam nun pero hindi pa ngayon."

Marahas siyang nagbuga ng hangin sa harap ko. Napapikit ako. I inhaled his breath, his toothpaste wasn't bad. It was mixed with fresh mint and jasmine. His nose touched my nose. Sobrang lapit ng aming mukha, kulang nalang ang aming labi ang magdikit.

Nasa ganun ang aming posisyon nang biglang nagsipatakan ang ulan. Nagkahiwalay kami ni Wave. Wave cursed under his breath pero hindi malakas ang pagkakasabi nun. I smirked. Bad timing talaga ang nature.

"Punta tayo doon sa mga bato. Gusto kong mamulot ng shells." Tinuro ko kay Wave ang malalaking bato sa tabi ng dagat. I wanted to go there but I'm alone and it's dangerous. Minsan kasi lumalakas ang hampas ng alon kaya nakakatakot, kahit pa marunong akong lumangoy, may mga marunong lumangoy na nalulunod dahil sa lakas ng alon.

"Umuulan Lisa. Akala ko ba ayaw mong mabasa?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"Ayaw ko lang maligo dahil malamig ang tubig sa dagat. Mamumulot lang ako ng shells, may masisilungan din doon dahil malalaki ang bato. Tara!"

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now