Chapter 44

1.6K 79 5
                                    

"Mama, it hurts." Calyx leaned into me as he showed me his dextrose.

Niyakap ko naman siya ng marahan.

Nakarating ako dito ng bandang madaling araw. Nag-arkila ako ng trycylce at nagpahatid ako hanggang sa bahay. Nadatnan ko si Uncle doon habang nasa hospital naman si Auntie.

Nagpalit lamang ako ng komportableng jogging pants at shirt tapos ay nag suot na rin ako ng jacket.

Nag ayos rin ako ng gamit at pumunta na ng hospital pagkatapos. Tulog si Calyx na nadatnan ko at inabangan naman ako ni Tita sa may labas ng pintuan ng kwarto nila.

Kaagad kong dinaluhan si Calyx na nakahiga at may dextrose sa kamay. Halos mabasag ulit ang kalooban ko ng makita ko ang kalagayan niya. I touched his skin and he was so hot.

"Magiging maayos rin siya, anak." Yumakap sa gilid ko si Auntie at bumulong.

Kaagad kong pinunasan ang namumuong luha ko.

"Magpahinga ka na at maya-maya ay baka gigising na siya."

Kaagad naman akong tumango at umupo muna sa gilid niya.

"Mella, dito ka na sa kwarto at matulog muna. Galing ka pa ng Tagaytay." Muli niyang bulong sa akin.

Kaagad akong umiling. "Kayo na po diyan at dito na lang po ako sa may sofa."

Auntie didn't argue anymore as I made my way to the sofa. I lay down comfortably as I looked at him in his bed.

We are in a private hospital at may sarili kwarto ang magbabantay. The sofa could be used as a bed as well.

I looked at him on his bed at kahit papaano ay marahan naman ang kanyang paghinga. Hindi ako halos makatulog at mapakali sa biyahe, kaya ngayong nakita kong maayos naman ang kalagayan niya ay medyo nakahinga ako ng maluwag.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatingin lamang sa kanya hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

"Let's wait for Mama to wake up, okay?"

May mga narinig akong nag-uusap at kaagad akong napamulagat. I rubbed my eyes and my eyes went automatically on Calyx bed.

"Mama!" He tried shouting my name but he is still weak.

Tumayo ako at kaagad siyang dinaluhan. Gumilid naman si Auntie para sa akin.

Kaagad ko siyang niyakap ng marahan lamang. I kissed his forehead repeatedly, I can't help myself but feel relieved.

"Are you fine now? Anong nararamdaman mo?" I looked him in the eyes and he is almost tearing up too.

"Mama, it hurts." Calyx leaned into me as he showed me his dextrose.

I smiled at him to show him that it was fine. "I know baby, kaya dapat magpagaling tayo, okay?"

Pinunasan niya ang kanyang mga mata. "Dito lang po ba kayo Mama hanggang sa gumaling ako?"

"Yes, of course. Dito lang si Mama hanggang sa gumaling ka." Muli ko siyang niyakap ng marahan.

"Babalik na lang muna ako ng bahay para kunin ang agahan natin. May gusto ka bang ipakuha, Mella?"

Kaagad akong umiling kay Auntie. "Wala po…" Nag-isip ako kung meron pa ba akong kailangan. "Saglit lang Auntie. Yung charger ko po sana, nasa bulsa po ng travelling bag ko."

Bumitaw muna ako kay Calyx at tiningnan ang cellphone ko. Palowbat na ako kagabi.

"Mella, anak. May tumawag pala sayo kagabi." Nabaling ang tingin ko kay Auntie.

Seeking Gaston Lynx EsquivelWhere stories live. Discover now