Chapter 47

1.9K 93 18
                                    

I looked at Mrs. Ramirez weirdly.

Maybe she forgot about it because of her workload. Nagkibit balikat na lamang ako at sumakay ng elevator.

I need to call Auntie for this. Ilang araw na lang at malapit nang mag biyernes.

Pagkalabas ko ng elevator ay kaagad kong dinial ang numero ni Auntie. Ilang ring ay sumagot rin ito kaagad.

"Hello, Auntie." Gumilid muna ako at huminto sa paglalakad.

"Mella, Anak, napatawag ka?"

"Uhmmm, gusto niyo po bang pumunta ng Baguio?" Alanganin kong tanong.

"Ha? Bakit?" May pagtatakang tanong niya.

Napahinga ako ng malalim. "May research congress po kasi na magaganap simula Sabado hanggang Miyerkules sa Baguio...isasama ko na lang po sana kayo kung sakali, at kung gusto niyo po sabay-sabay na po tayong bumalik ng Maynila pagkatapos." Alanganin ko ulit na paliwanag.

"Aba eh, pwede naman...nabanggit rin kasi ni Calyx na gusto niyang pumasyal ulit ng Baguio kasama ka." Nahimigan ko ang pagkatuwa sa kanyang tono.

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Ako po kasi ang nireccomend ni Mrs. Ramirez...at kasama po si Sir Gaston..." I explained everything to her as she listened diligently.

"Pwede naman anak, baka mas gusto pa ni Calyx dyaan sa Baguio." Magiliw nitong saad.

"Sige po, kung ganun po kakausapin ko po si Calyx mamayang gabi."

"Sige, Mella. Mag ingat ka dyan, okay? At tumawag ka lang kung may kailangan ka."

We ended the call and I felt relieved after that. Isang beses pa lang kaming nakapamaslyal ni Calyx at nina Auntie sa Baguio. Calyx likes it very much pero ang mahal kasi ng gastusin doon.

Pero ngayong libre naman na ang accomodation namin at medyo magtatagal kami doon ay makakapamasyal kami ng mas marami.

I was humming as I went home. The congress really changed my mood a lot. Nag overtime ulit kami ni Ina pareho at sabay ulit kaming umuwi.

Nang medyo nasa malapit na ako ay saka ko lang naaninag ang dalawang taong nag uusap sa may harap ng pintuan ko.

There were two people sitting on my terrace at anino lang nila ang nakikita ko pa. Bumagal ang paglalakad ko at mas naging alerto ako. I looked at the other apartments at tatlo doon ay bukas ang mga ilaw sa loob.

Pero ng medyo nakalapit na ako ay saka ko lang napagtanto na si Kuya Nito at Gaston ang kasalukuyang nag uusap sa may harap ng apartment ko.

Nakahinga ako ng maluwag pero kaagad ring kumunot ang noo ko ng napagtanto kung bakit nandito na naman siya.

And no, they are not just talking, mayroon silang pulutan at beer na hawak-hawak na nakapatong lamang sa teresa ko rin.

Kuya Nito quickly recognized me as he waved his hands at me. Gaston looked back and he quickly stopped drinking his beer.

"Naku, andyan na si Ada. Mauna na ako." Kuya Nito bid his goodbye to Gaston as he grabbed the plate of his pulutan.

"Ada, kanina pa naghihintay bisita mo." He smiled playfully at me at napilitan naman lang akong ngumiti pabalik.

I watched him enter his apartment bago ko hinarap si Gaston. He is still wearing his office attire minus his coat in his arms. He is in his white dress shirt and it is still neatly tucked in in his black slacks.

Kaagad na tumaas ang kilay ko. What is he doing here again?

"Hi!" He coolly said as if it is formal for him to visit me at night.

Seeking Gaston Lynx EsquivelWhere stories live. Discover now