Chapter 58

1.9K 103 11
                                    

After our third day at the congress, nagpasya naman kami ngayon na mamasyal sa Wright park. Calyx wanted to see horses and if given the chance, he would like to ride one too.

"Ako na lang ang sasama sayo, okay." Akmang kukunin ko ang kamay niya pero kaagad niya itong tinago sa likod nito.

My brows automatically furrowed with his action. 

"No, Mama. Gusto ko po si Boss." Mahina nitong sambit.

Napantig ang pandinig ko sa sagot niya. I squatted in front of him as his shy eyes avoided my gaze.

"What is it again, baby?" I just wanted to confirm if I am hearing things right.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin. "Mama…" Ungot niya.

I can't help but smile. "I just didn't hear it well, baby."

He then looked at Gaston who is now helping Auntie with the plants. Then his eyes went back shyly at me.

"Gusto ko po si Boss kasama ko." He uttered smally again.

Tuluyan akong napangiti ng malawak sa sagot niya. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami sa pwesto nila.

Kaagad kaming napansin ni Gaston na palapit sa pwesto nila.

"Is there any problem?" Tumingin ito kay Calyx na mukhang nahihiya pa rin.

Kaagad akong umiling at ngumiti. "Calyx wanted to ride one of the horses, at ikaw ang gusto niyang kasama."

Kitang-kita ko ang pamimilog ng mga mata niya. "Ohhh...sure sure. Let's go buddy."

Gaston reached out his hands to him and Calyx quickly grabbed it. Calyx even pulled his hands.

"Faster, Boss. Baka mahuli tayo." I watched him drag Gaston. I heard him chuckle and I can't help but smile too.

Pinuntahan ko si Auntie na kasalukuyang pumipili pa rin ng mga halaman na bibilhin habang kausap ang nagbebenta nito.

"Auntie, pahawak po muna ng bag ko. Comfort room lang po ako." Singit ko sa usapan nila.

Kaagad naman niya itong kinuha sa akin. At muling nabalik ang tingin sa mga halaman.

I was looking for a comfort kanina pa at may nakita naman ako. Maraming turista kaya may pila rin, pero hindi naman ganun kahaba.

Malapit na ako sa huling pila ng bigla akong may nabunggo. Naramdaman ko ang pagtama ng pang upo ko sa semento. Napapikit ako ng maramdaman ang sakit nito.

"Ohhh...Sorry, Miss."  Kaagad kong naramdaman ang pag hawak niya sa dalawang kamay ko upang tuluyan akong mapatayo.

"Are you--- Carmella?!" Gulat nitong tanong habang tinutulungan akong tumayo.

Tuluyan kong namulat ang mga mata ko tumingin sa taong nakabunggo ko sa akin. My mouth was hung open as soon as I recognized him.

"Doc. Sanchez…" Mahinang sambit ko.

Kaagad siyang ngumiti ng malawak sa akin habang nanatiling awang ang mga labi ko sa kanya.

"How are you Carmella? It's been a long time." Masayang sambit nito.

He still looked the same. He still looked friendly, and with his light smile and aura. Hindi na ako nagtaka na isa nga siyang doktor.

"Anong ginagawa mo dito, Doc?" Gulat ko pa ring tanong.

"There is a convention happened yesterday...nag extend lang ako ng ilang araw para makapamasyal."

His bright smile brought me back to the times when I was still under his wing. Noong nagpapagaling pa ako. He was my counselling psychologist. 

Seeking Gaston Lynx EsquivelWhere stories live. Discover now