I

8.2K 255 194
                                    

Minsan ko na nga lang i-challenge ang sarili ko, hinayaan ko pa na madamay ako sa isang "soul-searching" kuno.

"Soul-searching? Hindi ba mas okay 'yon pag ikaw lang mag-isa?"

"Eh wala akong kilala sa lugar na pupuntahan natin. Paano na lang 'pag may nangyari sa'kin? Sumama ka na, libre ko naman lahat. Dali na! Please, please!" ang pagpupumilit ni Pau.

"Bakit sa Ilocos?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi 'di yun kasing uso ng Sagada, Friend. Maiba lang."

Maliban pa sa forced tour guiding trip na nasalihan ko nuong college (kung saan na-realize ko ang palpak kong tour-guide, pero sa awa ng Diyos pumasa ako), hindi na ulit ako nakapag-travel sa kung saan-saang lugar sa Pilipinas.

Ngayon na lang ulit at napilitan na naman. Dahil wala akong gagawin at sa walang humpay na guilt-trip, sinamahan ko na lang si Pau sa kanyang adventure.

Sa Darapidap beach niya napiling mag "soul-searching". Sa totoo lang, hindi ko ma-gets ang concept ng "soul-searching" niya, para kasing more of "vacation" lang ang dating sa'kin. Pero dahil libre nga, nag go-with-the-flow na lang ako.

May time sa trip na iniwan muna ako ni Pau para sa goal niya ('Di ko alam kung ano yun. Mag-meditate?) at duon ko na-appreciate ang paglalakad sa white-yellow sand habang tinitingnan ang sunset ng mag-isa lang. Kasabay ng paglubog ng araw ang paglubog ng damdamin na matagal ko ng pinipilit ibaon sa limot.

Ang weird ng feeling na maglakad mag-isa sa isang lugar na wala akong kaalam-alam. Dinala ko lang ang sarili ko, damit at pera. Kapag iniwan ako ni Pau bigla, hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Pero yuon mismong idea ay thrilling.

Magiging taong grasa kaya ako sa Candon?

Sabi ni Pau ang Candon daw ay ang Tobacco Capital ng Pilipinas. Na-excite tuloy ako at pinilit siya na magpunta sa mga farmlands ng tabako.

"It's time to go home, friend. Next time na lang. Kailangan na natin umuwi. Promise, balik tayo."

Badtrip talaga.

Napakahusay ni Pau. Biglang kailangan ng umuwi kung kailan nakaisip ako ng masayang gagawin sa Candon!

---

Dala-dala ang mga Kalamay na ipapasalubong niya (Hindi ako bumili kasi hindi ako mahilig do'n) at ang mga backpack namin na halos walang laman kung hindi mga damit, sinimulan na namin ang adventure pabalik.

Balak naming abutan ang 11 PM na bus going to Manila. Naglakad-lakad lang kami sa may bandang San Nicolas. Yung petiks lang na lakad, maaga-aga pa eh. Pagdating sa safety ng paglalakad sa gabi, mukhang wala namang problema.

"Sama ka uli sa'kin sa next 'soul-searching' ko, Miho! Ang saya 'di ba?" ani Pau.

"Paano mo naman nasabing nakapag-'soul searching' ka?"

"Mawalang galang na." Isang boses ng lalake ang narinig namin mula sa likuran at sabay kaming nagulat ni Pau.

Paglingon namin, naroon, nakatayo ang isang lalakeng haggard na naka-suot ng pang-19th century 'heneral' na costume.

"Ah... Ano po 'yon?"

"Ang wikang Tagalog ay iyong naiintindihan?"

"Huy, napagkamalan ka na namang foreigner! Bongga!" Siniko ako ni Pau, sabay tawa.

"Ikaw naman, kuya! Ginulat mo kami! Uy, ganda ng cosplay costume mo ha! Tapos naka in character ka pa," sabi ko sa kanya.

Napa-kunot-noo siya.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن