XXXIII

2K 85 52
                                    

Umuwi na kami ng hindi pa naman masyadong late pero hinatid na rin lang nila ako pauwi dahil 'babae' raw ako. Humingi ng permiso sakin ang Heneral para manatili raw muna sa kwarto ko para makapag-usap kami kaya nauna na rin sila Pau.

"Maraming salamat uli sa kanina. Tunay akong nagalak at iyong tinugtog ang awiting iyon."

"Hindi ko ba nababoy yung kanta?"

"Hindi, Binibini. Napukaw mo ang aking damdamin habang ika'y umaawit. Tila lumipas ang ilang taon na ikaw ay hindi ko nakasama at kay tagal na ring hindi ko narinig ang iyong mga tugtugin."

Ilang buwan lang pero parang taon na nga- parehas lang pala kami ng naramdaman.

"Medyo matagal na nga rin. Salamat, buti nagustuhan mo!"

"Kasing ganda mo ang kundimang iyong tinugtog."

"Bolero ka pa din, Heneral!" Ok sana kung naka-Dolly outift ako eh, kaso wala talagang special sa itsura ko- naka-black jeans, gray hoodie, Chucks lang ako tapos wala ring make-up. It's either binobola niya ako o nag-iba lang talaga ang taste niya.

"Hindi biro yuon."

"Ahh.." Napatingin ako sa sahig para makaiwas sa titig niya.

"Maliban pa sa awiting iyong inihandog- higit na nagpapasalamat rin ako sa iyong 'Oo'. Kung panaginip man ito, hindi ko na hihilinging magising pa."

Kinurot ko siya sa pisngi ng malakas pero No Reaction siya.

"Masakit ba?"

"Hindi naman gaano." Malakas ang pain threshold niya- malamang. Kung sugat nga sa labanan kinakaya, paano pa kaya yung kurot lang?

"Paalala yan na hindi ka nananaginip!  E pano kung 'hindi' pala yung sagot ko kanina? Bangungot na ba yun?"

"Akin ngang inaasahan na ang iyong sagot ay pag-iisipan mo pa, sapagkat marahil ay mabilis na hakbang ang aking nagawa. Kung sinagot mo man ako ng hindi, akin lamang sasabihin na ako ay maghihintay kahit gaano pa katagal."

"Kung tutuusin, tama ka nga, Heneral. Hindi ako naging nobya mo pero kasal agad ang alok mo sakin. Nabigla nga rin ako kanina." Pleasant surprise - ika nga nila.

"Ang iyong sagot ba ay nais bawiin?"

"Hmm, pwede pa ba?"

"Hindi maaari."

"Ay grabe siya! Nagtanong ka pa kung gusto kong bawiin tapos bawal pala! Heneral na Heneral lang ang dating ah, bawal ako sumuway sa gusto mo, ganon?"

"Biro lamang. Kung gusto mo na ako'y pakawalan, malaya kang gawin."

Naglakad ako malapit sa bintana at dumungaw sa labas. Yung crescent moon ay nakahiga, parang nakangiti sa amin.

"Aba, aba. Oo na, alam ko na, ikaw na ang gwapo! Marami nga naman may gustong asawahin ka, Heneral Gregorio."

Natawa siya at niyakap ako mula sa likuran.

"Ngunit may batas na rin na nagsasaad na ang Heneral ay iyo lamang."

"Kung ganon.. papatawan ng nararapat na kaparusahan ang mga sinungaling at mga nambababae."

"Ako na naman ay pinaparatangan mo, Binibini!" Binigyan niya ako ng isang halik sa leeg bago niya ako hinarap sa kanya.

"Kailan na nga ba ang araw na ika'y maniniwala sa aking mga salita?"

"Tinutukso lang kita no! Ito na rin ang panahon na dapat kong ibigay yun buong tiwala ko sayo."

"Aking hindi sasayangin ang tiwalang iyan, pangako. Alam mo ba na habang wala ka sa aking tabi, araw-araw kapag gabi na bago matulog ikaw lamang ang naiisip? Tinatanong ko sa sa langit kung ikaw ba ay natutulog na kaya ng mahimbing, ngunit ni isang tinig ng pagsagot ay hindi nakarating sa akin. Hinayaan ko na lamang maglakbay ang isip ko kung nasaan ka at kung tumutugtog ka na naman ng gitara sa mga araw na bumubuhos ang ulan. Madali lang sana maabot ang kasagutan ngunit ika'y naging mailap at wala akong magawa hinggil sa bagay na iyon."

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz