XVI

2.2K 122 85
                                    

Lumingon ako sa harap at napatingin din sa likod-- katulad ng inaasahan, ang nasa pila ay puros mga bata na kasama ang mga magulang. Na-guilty ako bigla at sinabi sa Heneral na sa iba nalang kami pumunta. Ang kilalang matapang at maluwalhating prinsipe ng rebolusyon ay sasakay ng tsubibo-- Eh para naman kasing winalanghiya ko ang image niya at ginawang katatawanan.

"Tama na ang pag-konsensya sa iyong sarili. Ito ay isa rin namang uri ng pangangabayo kaya huwag nang sa akin ay mahiya pa," sabi ni Goyong.

Panalo ang justification niya sa gagawin namin at desedido siyang mag-mukhang tanga kasama ko.

Magkatabi ang aming sinakyan ni Goyong at tadhana na naman ata ang nagpasakay sa kanya sa isang kulay puting kabayo. Kapag tumataas yung akin, bumababa yung sa kanya. Tuwang-tuwa ako at pakiramdam ko isa akong bata na first-time lang nakasakay nito. Nakakapit ako ng mahigpit sa hawakan habang pabilis ng pabilis ang takbo at pinanuod ang paligid ko na umiikot. Paglingon ko, nahuli kong nakatingin sa akin si Goyong.

"Bakit ka nakatingin?"

"Wala naman, Binibini." At nakahalata ako ng kakaibang ngiti sa kanyang labi.

"Natatawa ka ba?"

"Kapag ika'y nakangiting gaya ng kanina at lumalabas ng natural ang ligaya sa iyong mga mata--ika'y tunay na marilag."

"Sus! Nambobola ka na naman. Ayan ka na naman, eh!"

"Ako ba ay mukhang nagbibiro?"

"Kilala na kita 'no! Ilang beses mo na ba sinabi yang linya na yan?
Isang daan?"

Natawa si Goyong at napailing.

"Ako ay pinararatangan mo na naman, Binibini."

"Bolero ka talaga!" Kung marinig lang ni Dolly yang mga sinasabi niya, Diyos ko! Baka magka-gyera!

"Nawa'y parati kang masaya, Miho."

Dumaan sa isip ko na kung pwede lang na huminto ang oras at panahon, sana rin ay hindi na tumigil ang pag-ikot ng tsubibo habang katabi ko ang Heneral. Ngunit dahil lahat ng bagay ay may katapusan, bumalik na ako sa realidad at oras na rin para bumalik sa Manila.

Tahimik ang lahat pauwi at tulog si Lawrence at si Dolly. Nakita ko na nakapatong ang ulo ng babae sa balikat ni Goyong. Ang Heneral, si Pau at ako lang ang gising. Sa background ay umulit na naman ang playlist ni Pau nuong umaga. Hindi na kumakanta si Pau, dahil siguro pagod na rin siya o baka dahil tulog yung ka-duet niya. Nakinig lang din ako habang nakadungaw sa bintana ng kotse. Sinilip ko si Goyong na nakadungaw rin sa bintana na parang napakalalim ng iniisip.

---

Totoo nga kaya ang kasabihan na "Keep your friends close and your enemies closer"? Kung oo, hindi ko maiiwasang isipin na ito ang style ni Dolly ngayon sa akin. Isang hapon, matapos ang shift ko sa shop, bigla siyang dumating. Magkaiba kami ng shift ni Goyong sa araw na iyon at alam ko mamaya pa ang end of shift niya. Ba't naman ang aga naman ng ka-date niya dumating?

Iyon pala, hindi si Heneral ang sadya ni Dolly, kung hindi ako.

"Miho, favor naman samahan mo ako. Tapos na ang shift mo, 'di ba?"

Gagawa na sana ako ng kung anong alibi pero sa huli napa-oo nalang ako. Partly curious din ako kung anong kailangan niya sa'kin.

"Sorry kung biglaan. Samahan mo naman akong mag-shopping. Nagtataka ka siguro? Well, isipin mo na lang na niyaya kita for a girls' date."

Sa dating palang ng salitang girls' date kinabahan na ako.

Isinakay ako ni Dolly sa kanyang black Subaru na kotse para pumunta sa pinakamalapit na mall. Sa totoo lang nagdadasal na ako na sana matapos na ito, ang awkward kasi pero kailangan kong tiisin para malaman kung ano ang meron sa pagyaya niya.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon