VIII

2.9K 134 25
                                    

Hindi kami natuloy na uminom nuong gabi na iyon, kaya ngayong Pasko na lang namin ginawa sa isang simple at maliit na bar. Aaminin ko mahilig ako uminom ng beer at minsan hindi ko mapigilang humithit ng isang stick ng sigarilyo sa isang araw. Hindi naman ako nahilig sa bisyo para magmukhang cool, nangyari lang na nagustuhan ko ito ng hindi ko sinasadya.

Ngayon gabi ang unang beses na isinama namin si Goyong para uminom.

"Pau, nakapagisip-isip na ako ng mga pwede pa nating i-dagdag sa menu. Naisip kong dagdagan natin yung mga desserts."

Nakalimutan ko sabihin sa meeting yung bago kong ideas para sa menu ng coffee shop.

"Huy, ano ba nandito ka para magrelax dahil Pasko tapos trabaho yung iniisip mo!"

Inabutan ako ni Pau ng isang bote ng Pale Pilsen.

"Hinay-hinay lang, binibini. Tila ika'y uhaw na uhaw." Tiningnan ako ni Goyong habang busy akong tumungga. Siguro ang naisip niya ay:

(Note: in modern English/Tagalog/internet slang translation)

1. WTF, Nakaka-turn off.

2. This girl. I can't even-- ugh.

3. Shet, pano kung sila (insert old-school female name ng kakilala niya) ganyan uminom? Tangina.

4. Pano kung sila (insert old-school female name ng girlfriends niya) ganyan uminom? Nah. In the first place, I won't even court them kung ganyan sila. God. 

"Nako Goyong, pagpasensyahan mo na 'yan. Wala ng halos natira sa pagkababae niyan eh." Napa-iling si Pau habang sinasabi yon.

"Oo, eh lahat ng pagkababae ko napunta sayo!"

At natawa ang Heneral. Nasa-ikalawang bote na ako samantalang ang dalawa ay kalahati pa lang ng kanila ang nagagalaw. Bigla ako nakaramdam ng konting hiya.

"Alam mo Goyong, sa panahon pala ngayon hindi na mahinhin lahat ng kababaihan. Ang iba sa kanila ay hindi na nagpapasikut-sikot pa. Mas liberal na sila at mas palaban!"

"Pinariringgan mo ba ang binibini?" At tinitigan ako ni Goyong sa mata.

"Huy, wala akong sinasabi ah! Pero hindi ako nagbibiro, yung ibang mga babae ganun. At alam mo ba may mga babae na ding nanliligaw at nagyayaya magpakasal!"

Naisip ko bigla na kung uso ang first-move sa babae nuong kapanahunan ni Heneral, malamang dinumog na siya ng mga ito at mag-uunahan sila para yayain siyang magpakasal. Ang chaotic ng scene-- dadanak ang dugo kasabay ng malawakang pagsabog ng mga obaryo. Lord. Parang ayoko na imagine-in ng mas detailed pa.

"Mukang napakalayo na nga kung ikukumpara sa nakaraan. Hindi ko lubos maisip paano kung ganuon na rin nuong sa panahon namin. Kung mas agresibo sila, malamang ay mas maraming bayaning babae nuon kung sakali!"

"Ibig daw sabihin pwede kang maging bayani, Miho!" Sabay silang nagtawanan. "Utang na loob, Goyong, tulungan mo si Miho bumalik sa tamang landas! Please!"

"Bakit? Saan bang landas patungo ang binibini?"

"Road to celibacy. Ayaw na mag-asawa ni Miho! Sayang ang genes, Diyos ko! Baka mabulok ang obaryo mo niyan, girl!"

Bigla kong muntik madura ang iniinom ko.

"Teka, teka. Ba't ako ang usapan dito?" Pagdating sa akin malakas mangasar si Pau, porket alam niyang mahaba ang pasensya ko.

"Eh gusto ko sanang ipakwento ang makalumang panahon kay Goyong kaso allergic ako sa history. Bumagsak kasi ako do'n dati ng ilang beses eh. Goyong, love life na lang dali! Para ma-inspire naman si Miho!"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon