XXVI

2.4K 105 137
                                    

<Warning: NSFW>

Hindi kami nakapagusap habang nasa loob ng taxi. Masyado akong lutang at mukhang marami din iniisip si Goyong. Ansakit ng dibdib ko na parang gusto kong magwala at mag-drama pero sinusubukan kong pigilan ang sarili ko. Idinugtong ko ang mga bagay-bagay para magkaroon ng sense- Kaya ba naging busy ang nanay ko dahil may inaasikaso siyang iba? Yun ba yun 'pakikipagbalikan'? Si Dolly bakit siya nandito sa Pilipinas? Nung kinwento niya sakin ang tungkol sa nanay at half-sister niya, sadya niya ba yun at alam na niya dati pa? Ibig sabihin, wala akong kaalam-alam na may ibang pamilya ang nanay ko. Baka ako lang talaga ang walang alam! Oo, ganun nga, pinagmukha akong tanga.

Pagkarating ng apartment, hindi ko na napigilan at napaiyak ako habang naglalakad papasok. Sinubukan kong umiyak ng walang  tunog at pinunasan agad ang mga lumalabas na luha. Naisip ko agad na pumuntang banyo para duon magtago pero paghakbang ko sa may pintuan, bigla akong niyakap ng Heneral mula sa  likod. Hindi siya nagsalita at naramdaman ko lalong sumakit ang puso ko  at napaiyak na ako ng mas malakas. Hinigpitan lang niya ang pagyakap at  bigla niya akong iniharap sa kanya. Hinawakan niya ang aking pisngi kung saan patuloy lang na dumadaloy ang luha at hinalikan ang noo ko. Parang nasasakal ako pag sinusubukan kong buksan  ang bibig ko para magsalita. Parang may pumipigil para ilabas lahat ng gusto kong sabihin o baka dahil ang totoo, hindi ko lang talaga alam kung  saan ako maguumpisa.

Dinala ako ni Goyong sa harap ng kama habang umiikot sa  isip ko lahat ng mga nangyari. Bakit ang komplikado isipin kahit kasing dali lang ito ng 1+1=2?

"Baka ikaw ay magkasakit." Ang sabi niya pagkatapos niyang hawakan ang damit ko na basa pa rin.

Hindi ako sumagot, hindi rin ako gumalaw. Dahan-dahan niyang tinanggal ang butones ng damit ko. Nakaramdam ako ng konting lamig- ang klase na hindi  mapapantayan ang nararamdaman ko sa loob.  Kinuha niya sa cabinet ang isang button down cami dress na naalala kong regalo sa akin ng nanay ko na galing Japan at isinuot niya sa akin -nagmistulan siyang isang ina na dinadamitan ang anak na papasok sa eskwelahan. Ang patuyo kong  buhok ay hinawakan rin niya at siya ring inayos. Tinignan ko ang mukha niya na nasa harap ko pero kasing labo ng may suot na salaming mali ang grado ang paningin ko. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa pisngi ko, kelan  ba ako matatapos umiyak?

Hindi pa rin ako gumalaw sa pwesto ko at naglakbay ang isip ko sa nakaraan kung saan kasama ko pa ang nanay ko. Nagpatuloy lang kami na mabuhay kahit namatay na ang tatay ko. Nagkaroon ng isang Chinese-style funeral para sa kanya (kahit pa may halong dugong Espanyol siya, mas nanaig pa rin ang kulturang Tsino sa kanilang pamilya) at naruon kami at umiiyak kasama ng iba pang kamag-anak ng tatay ko. Hindi kami masyadong tanggap ng mga kapatid ng tatay ko, dahil hindi Chinese ang nanay ko at maypagka-traditional ang pamilya nila. Sinubukan kong idugtong ang sinabi ni Dolly na babalikan raw ng nanay ko ang dad niya. Ibig sabihin, si Dolores ang mas naunang anak at yung isa sa mga lasing, kapatid ko rin siya. Bakit hindi ko man lang to nalaman ng mas maaga? Alam kaya to ng tatay ko? Diyos ko! Paano kung hindi niya rin nalaman bago man lang siya mamatay?

Nagising ang diwa ko-- luminaw ang paningin at nakita ang nakatitig na kulay-kapeng mga mata sa akin. Na-realize ko na nakahiga na pala ako sa kama dahil napansin ko ang nakakasilaw na ilaw galing sa nakasinding bombilya sa kisame. Ilang minuto na akong nasa higaan? Hindi ko pala napansin sa lalim ng iniisip ko! Tinabihan ako ng Heneral at niyakap mula sa gilid. Naramdaman kong ang ilong niya na tumatama sa aking balikat at ang kamay niya ay hinahawakan ang baywang ko. Maingat at dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya na parang isang babasaging blue-and-white porcelain ang hawak niya.

Matapos ang napakahabang katahimikan, bigla siyang nagsalita kaya sinubukan kong inintindihin ang bawat salita at iniwasan itong ihalo kasama ng magulo kong mga iniisip.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)On viuen les histories. Descobreix ara