XXII

2.1K 108 89
                                    

Hindi kami umimik ni Goyong pabalik at mukhang parehas kaming lunod sa mga iniisip namin. Nang makarating sa shop, tumila na ang ulan. Wala na rin si Dolly at naruon na lang si Pau na nag-y-yosi sa labas.

"Miho, sira ulo ka! Ba't ka umamin? Alam ko namang hindi mo yun magagawa eh! Medyo kailangan lang kasing intindihin ang ugali ni Dolly. Pagpasensyahan niyo na siya."

Nanahimik lang ako at tinignan ang damit ng Heneral na basang-basa.

"Goyong, ano balak mo?" Ang pag-aalalang tanong ni Pau.

"Marahil ay kausapin na lamang siya ukol sa bagay na ito." Ang seryoso at kalmadong sagot ng Heneral.

"Sorry sa gulong idinulot ko. Gumulo tuloy sa shop tas nagka-LQ pa."

"Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Siya'y kakausapin ko at sisiguraduhing aayusin."

"Ako na lang, Heneral. Mas ayos siguro kung ako, dahil ako naman ang may kinalaman duon sa singsing na yun."

"Huy, teka, basang-basa kayo! May damit ba kayong dala?"

Nagtinginan kami ni Goyong.

"Dali! Umuwi na kayo, Diyos ko! Lalamigin kayo niyan!"

---

Nang nakauwi at natapos ng maligo, nanatili kaming tahimik hanggang sa tinabihan niya ako sa kama at nagsimulang magsalita tungkol sa nangyari.

"Alam ko kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan-- na marahil ay isa talaga akong masamang nilalang upang gawin iyon. Kung iyong inaakalang ikaw ay pinaglalaruan ko lamang, ika'y nagkakamali."

"Walang magbabago satin kung yuon lang ang inaalala mo, Heneral. Hindi rin ako galit sayo. Wag ka magalala, hindi rin kita isusumbong kay Dolly."

"Ang lagi mong inuuna ay ang ibang tao at--"

"Ang importante ngayon ay yung tungkol kay Dolly. Aayusin ko na muna yun, ayusin mo rin yung sa inyo."

Natahimik ang Heneral na parang nag-isip ng malalim.

---

Lumipas ang ilan araw, naging normal padin ang pakikitungo namin sa isa't isa ng Heneral. Pinilit ko na hindi makaramdam ng awkwardness at mukhang ganuon din ang ginawa niya. Hindi namin iniwasan ang isa't isa kahit sa loob ko, minsan ay kinakabahan ako tuwing nakikita siya. Matapos ang isang linggo, bumalik ulit si Dolly sa coffee shop. Isang linggo din silang hindi nakapag-usap ni Goyong. Sinusubukan daw siyang tawagan ng Heneral pero hindi siya sinasagot. Ngayon na napadalaw siya, ano naman kaya ang gagawin niya? Ipapahuli na ba niya ako sa mga pulis dahil sa pagnanakaw? Sinilip ko sa bintana at mukhang wala naman siyang ibang kasama. Naka-floral dress si Dolly at ang kanyang mahabang buhok ngayon ay naka-ponytail. Dala-dala pa rin niya ang usual air of confidence at classiness sa kanyang paglalakad. Pagpasok niya sa shop, nilapitan niya agad si Pau at bineso-beso ito.

Habang tinatapos kong asikasuhin ang frappe ng isang customer, nilapitan at binulungan ako ni Pau.

"Girl, after mo niyan, pwede ba kayo makapag-usap raw ni Dolly? Si Goyong muna papa-asikasuhin ko diyan."

"Sige." Hindi ko na pala siya kailangang hagilapin pa at mag-first move.

"Binibini, ayos ka lamang ba?" Hinawakan ni Goyong ang braso ko.

"Oo, ayos lang ako, Goyong." Pinilit kong ngumiti at pumunta na ako sa office kung saan raw ako hinihintay ni Dolly.

---

"Take a seat, Miho."

"Pinatawag mo raw ako. Regarding ito sa singsing, di ba?"

"Yes, gusto kitang makausap."

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now