XI

2.5K 123 47
                                    

Tumayo na ang Heneral. Sa wakas, ay nakatayo na rin ako mula sa pagkakasalpak sa kama at sinagot ang tumatawag sa cellphone.

Unknown number.

"Hello?"

"Miho, it's me Francis. I knew it, gising ka pa! Pakinggan mo lang ako, please. Pwede ba tayo mag-usap? Sa personal," pakiusap niya.

Badtrip.

Bago ko siyang muntik masigawan bigla kong naalala ang paalala ni Goyong dati. Sabi niya hindi raw titigil si Francis kung hindi ko siya kakausapin. Mukhang tama siya.

"Sige, kelan tayo mag-uusap?" napaka-kalmado kong sagot.

"Now. Nasa may gate ako."

"Ano?!"

Bigla niya akong binabaan.

"Yun ba yuong.. dati mong nobyo?" ang usisa ng Heneral.

"Oo! Nandito raw siya!" At nagpaikut-ikot ako sa kwarto na parang asong ulol.

"Nagpasya ka na palang siya ay kausapin."

"Sinunod ko lang 'yun mungkahi mo na kausapin siya. Kaya eto--"

"Naiintindihan ko, ngunit hindi ba't wala na sa oras ang pagdalaw ng Ginoo?"

Napakunot-noo si Goyong.

"Kaso nandyan na siya eh. Sige, sandali lang, dyan ka na lang muna. Sa labas ko na lang siya kakausapin."

Lumabas ako at binuksan ang pinto ng gate-- anduon siya. Siya pa rin ang lumang Francis na kilala ko. Ang kulay itim na sweater na suot niya ay naka-contrast sa napaka-puti niyang balat na namana niya sa Amerikano niyang ama. Naka-snapback na naman siya at may dalang backpack. Ang tindig niya ay punung-puno pa rin ng confidence na hindi na ata mawawala.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

"Dito na lang tayo sa labas mag-usap." Hindi dahil sa iniiwas ko sa kanya si Goyong, pero kasi hindi na komportable para sa'kin ang papasukin siya uli sa loob ng kwarto.

"So it's true? You're really living with that guy?" Lumakas bigla ang boses niya.

"Ano ba yung sasabihin mo? Dito mo na sabihin. Hinaan mo lang boses mo, mamaya magising yung may ari ng apartment. Yari ako dun!"

"Miho, I have broken up with Irish kasi na-realize ko ikaw lang talaga ang gusto ko. Sorry kung naging gago ako. Pero ito na, tapos na kami. Please, give me one more chance!"

Hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko.

"So feeling mo, napaka-dali lang no'n para sa'kin? Pagkatapos mo ako iniwan sa ere at pinagpalit para sa Irish na 'yan tapos nagsawa ka na din sa kanya kaya babalik ka? Anong kala mo sakin, joke? Oo nga ikaw na ang sikat at playboy, maraming nagkakagusto sayo kaya wala kang pake nung iniwan mo ako, kasi nga 'di ba isa lang naman ako do'n sa mga low-class na girls na naging girlfriend mo? Kasi nga 'di ako kasing sosyal ng mga humahabol sayo at--"

Ang hirap palang bumulong habang galit.

"It's not true, in fact, you're the best girl na nakilala ko. Hindi ka maarte kagaya nila. I mean--"

"Pag-iisipan ko. Pwede ka ng umalis," ang bigla na lang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung dahil ba nag-umapaw ang kagustuhan kong makaganti sa ibang paraan na hindi ko pa alam paano o dahil nagmamadali na ako at ito lang ang way para umalis na siya.

"Really? Oh God. Are you serious? I--"

"Sige na Francis, madaling araw na. Diyos ko." Sinara ko na ang gate at pumasok sa loob.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon