IX

2.8K 133 63
                                    

Nagka-oras din kami ni Pau para i-discuss ang proposal ko para sa dagdag na desserts sa menu.

"Dahil medyo maraming foreigners din na pumupunta sa shop, sa tingin ko okay din ang pinpropose mo na maglagay ng ilang desserts na kinakain nila sa bansa nila. Okay 'tong Patbingsu. Teka parang Kakigori 'to, ah?"

Pinagmasdan ni Pau ang pictures sa kanyang iPad. Actually, hindi sobrang nalalayo ang mga ito sa Halo-halo.

"Yup! Naisip ko na ang focus pa din ay ma-incorporate sa ibang desserts ang Pinoy flavor sa paggamit ng seasonal fruits at mga local na pagkain kahit foreign desserts sila."

"Thanks sa idea mo, friend. Pag-usapan uli natin next time, isip tayo ng flavors! Mukang okay 'to eh. Oo nga pala may bisita ako mamaya, yung pamangkin ko."

Bibisita na naman pala si Jon-jon, handa na akong ma-nose bleed.

---

"Jon-jon, this is kuya Goyong." Si Goyong nalang ang tanging hindi nakikilala ng bata sa shop ng kanyang tito.

"Goyong? As in umbrella, tito?"

"No, umbrella is payong! Anak ng. Uhh, just call him kuya Greg!" Napakamot ng ulo si Pau.

"Sorry, ano kasi eh, sanay talaga mag-English itong batang ito. Minsan tinuturuan namin siya mag-Tagalog. Konting salita palang ang alam niya."

"Kuya Greg! You look familiar!" Tinitigan ng bata ang Heneral mula ulo hanggang paa.

Nanatiling tahimik si Goyong ng nakangiti at pinisil ang matabang pisngi ng bata. Nakita kaya ni Jon-Jon sa HEKASI textbook niya si Goyong?

"O sige Jon-Jon, I'll get you something to eat, what do you like?" tanong ni Pau sa bata habang dinadala niya ito sa may reserved table.

---

Habang inaasikaso ko ang Caramel Macchiato para sa isang Korean customer, na-overheard ko ang usapan nila Micha at Goyong.

"Yuon batang iyon ay pamangkin ni Paulo?" Narinig kong tinanong niya kay Micha.

"Ah, oo. Ilang beses na 'yan iniiwan minsan ng mama niya dito eh."

Pag wala pa si Pau, minsan kasi si Micha ang nagbabantay sa kanya.

Mukhang napaisip si Goyong at tinanong "Sa Amerika o sa ibang bansa ba siya ay nanirahan na?"

"Lumaki siya sa Manila, nag-aaral din dito. Ang kwento ni Pau, simula bata pa si Jon-Jon ay pinapapanuod na siya ng mga pambatang palabas na English ang language, pinaparinig din ng mga kantang English, at higit sa lahat, kinakausap araw-araw ng English. Inuuna nila 'yon kadalasan kesa Tagalog kasi nga naniniwala sila na 'yon ang pinakaimportanteng matutunan. Kahit ako, minsan ginagawa ko rin iyon kay Mimi. Pinpractice ko siya ng English para masanay. Ayoko kasing mapagiwanan siya lalo pagdating sa klase. Yung mga classmates niya, parang si Jon-Jon din," sagot ni Micha kay Goyong.

---

Nuong gabing iyon habang kami ay nakaupo sa sofa at nagpapahinga, nabanggit sakin ni Goyong ang tungkol sa kwento ni Micha. Sure ako na gulat na gulat siya dahil wala sa itsura ng bata ang magka-accent na parang galing mismo ng Amerika.

Si Jon-jon ay isang matabang bata na may kayumangging balat, sarat na ilong at mabibilog na mata ngunit pag-nagsasalita ay parang hindi nabahiran ng pagka-Pilipino.

"Sorry, 'di naman sa usyoso. Narinig ko nga yang usapan ninyo kanina."

"Totoo ba na ang karamihan ng mga pamilya ngayon ay sinisiguradong Ingles ang unang wikang natututunan ng kanilang mga anak?"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now