II

4K 192 43
                                    

Parang sobra naman talagang naka in character itong si Kuya, so baka naman nagsasabi siya ng totoo?

Nagpasya na lang kami na isama siyang pauwi ng Manila. Hindi ko alam kung iyon ang tamang gawin pero wala na kaming choice, iniligtas niya kami, eh.

Muntik na kaming ma-gripuhan kanina gamit ang ice pick ni Manong. Muntik na manakaw ang pera naming pang-uwi at yung Kalamay ni Pau. Muntik na rin magkatotoo ang sinasabi kong magiging taong-grasa sa Candon, pero dumating ang isang lalake na nag-c-claim na siya si Del Pilar at niligtas kami.

Sabi nga nila "Pag oras mo na, oras mo na.". May legit na baril pa siyang dala. Isa pa ang dungis niya-- ilang ilog at bundok kaya ang tinawid niya para makarating ng Candon?

Sa awa ng Diyos, umabot kami sa bus. Ako na ang nagbayad ng pamasahe ng lalaki. Tinitigan siya ng konduktor, parang natatawa na nagtataka.

"Ah, galing kasi kaming photoshoot, nawala po yung damit niya! Naiwan namin kasi nagmamadali na ho kami," ang awtomatikong lumabas sa bibig ko. Na-conscious ako para sa kanya.

Pagpasok sa bus, lahat ng tao pinagtinginan kami. Ganito ba ang pakiramdam ng PA ng artista? Yuong tipong hindi ikaw ang tinitingnan pero damay ka na din?

Pagkaupo, kinuha ko ang Kalamay ni Pau at ibinigay sa lalaki para makakain siya, sigurado akong gutom na siya. Sa itsura niya, mukang anlayo ng narating niya papunta sa lugar kung saan niya kami nakita. Anlamig ng aircon at napapikit ako saglit; hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako sa pagod.

---

Finally, nakarating na kami ng Manila at umaga na. Ilang oras din ang nakakapagod na byahe. 7 o 8 hours?

Hindi ako makagalaw dahil tulug na tulog yuong lalaki sa tabi ko, at ang ulo niya, nakapatong na sa balikat ko.

"Pau, paano na?" pabulong kong itinanong.

"Sorry. Di ko siya pwedeng iuwi. Baka mamaya isipin na naman ni madir kung sino ang callboy na dinala ko sa bahay. Yari ako du'n!"

"Diyos ko..."

Biglang sumakit yung ulo ko sa sinabi ni Pau. Ginising ko na lang din ang patay sa tulog na lalaki para maghandang bumaba sa bus.

---

"Ikaw na bahala dyan, Miho. Uy, kuya, pasensya na ah. 'Di ko kasi gets eh, kung sino ka ba talaga at ba't ganyan pinagsasabi mo. Sana maintindihan mo. Pero salamat pala kanina." Tinapik niya ang balikat ng lalaki at ngumiti. "Sige, bye. Ingat kayo!"

Pakiramdam ko tinatakasan lang niya ang obligasyon kaya iniwan na niya sakin yung lalaki.

Nice one, Pau.

Pagkatapos ko siyang samahan sa "soul-searching" niya, eh ibang "soul-searching" naman ang nangyari. Nabuhay ba ang kaluluwa ng patay at nahanap kami?

Nauna na si Pau at sumakay na din kami ng bus na pa-south bound. Marami na din ang mga tao kahit sa ganitong oras palang ng umaga. Siksikan pa din, kaya wala kaming nagawa kung hindi ang tumayo.

Na-realize ko na lang uli na pinagtitinginan nila ang kasama kong mukhang naka-costume. Hawak hawak ng lalake yuong sumbrero niya. Buti nalang bitbit ko ang revolver niya sa loob ng bag ko kasi kung sakaling mapansin, baka mag-panic ang mga tao (o pwede rin isipin nilang cosplayer siya at props lang ang baril).

Yuong isang bata, tinuro siya at sinabing "Ma! Tignan mo!" at the rest, either tulog, busy mag-text o nagsusumigaw ang mga tingin nila na "Bakit ka naka-ganyan?".

Tiningnan niya ako na para bang gulung-gulo siya. Nararamdaman ko na marami siyang gustong itanong kaso masyadong maraming tao.
Ngayon lang medyo naging malinaw ang itsura ng lalakeng kasama ako. Nasinagan kasi siya ng araw na pumasok mula sa bintana ng bus, kaya mas kita ko na ang mukha niya kung ikukumpara sa kanina.

Sa sobrang antok at pagod ko, 'di ko na rin siya natingnang mabuti nuong asa bus kami na galing Ilocos.

Oo nga, kamuka niya si Gregorio Del Pilar! Pero hindi ko naman na-imagine na ganito pala siya sa personal. Kung sa unang panahon, pakiramdam ko pang-artista na ang itsura niya.

Pinagmasdan ko siya habang nakatitig siya sa kawalan. Ano kayang tumatakbo sa isip nya? Mukang nagsasabi siya ng totoo. Pero kelan pa bumalik sa pagkabuhay ang mga matagal ng patay? Paano ko paniniwalaan ang lahat ng mga sinasabi niya? Ang alam ko lang ay ang tungkol sa Zombie Apocalypse na sinasabi nila. Pati ako naguguluhan na... baka naman kasi nananaginip lang ako?

---

Bumaba na kami at naglakad. Nagpasalamat ako sa Diyos kasi walking distance na lang ang tinitirahan ko kaya konting tiis na lang. Lahat ng tao nakatingin sa amin mula kanina pa at hindi ako sanay sa atensyon. Yung iba sabay turo pa sa kasama ko maski hindi mga bata. Na-amaze din siguro sila kagaya ko.

Si kuya naman nanatiling tahimik habang lumilingon sa kung saan-saan.

"Huy! Ayos ka lang?" Tinapik ko ang balikat niya.

"Mukhang napakarami ng nagbago." Dahan-dahan siyang napangiti. Hindi ko alam kung yung ngiti niya ay may halong disappointment o natutuwa siya sa pagbabagong nakita niya.

So, talagang galing siya mula sa nakaraan?

Pagkarating sa apartment, nanatiling nakatayo ang lalaki sa may pintuan.

"Huy, maupo ka. Ba't nakatayo ka lang diyan?" Ang creepy niya tuloy lalo tingnan, muka siyang statwa sa wax museum!

"Ikaw lamang ang nakatira dito?" Gumala ang mga mata niya sa kwarto ko.

"Oo, ang liit ng kwarto na 'to no? Pero ok lang, ako lang naman mag-isa kaya sakto lang," sagot ko sa kanya.

Studio-type lang ang ni-rentahan ko. Mas mura eh! At isa pa aanhin ko naman ang malaking lugar kung mag-isa nga lang ako.

"Ako nga pala si Miho." Naalala ko bigla ang magpakilala.

"Tawagin mo na lamang akong Goyong," sabi niya.

"Gregorio Del Pilar talaga?" Gusto kong alugin ang balikat niya at mag-huramentado pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Oo," sagot niya.

Punyeta, he's so consistent.

"Aah... so hindi mo talaga ako niloloko 'no?"

Napakunot-noo siya. "Bakit naman kita lolokohin?"

"Eh kasi naman 'no! Sino ba maniniwala na ang isang patay na ay biglang nabuhay? Wag mong sabihin kasama mo sila Aguinaldo tapos nagkahiwahiwalay lang kayo? Oh Lord, no, please."

Napa-iling na lang ako.

I give up. Sige na, ikaw na si Del Pilar!

"Sa totoo lang, hindi ko din maintindihan kung anong ginagawa ko dito. Nagising na lang ako at iba na ang lahat. Nanggaling pa ako sa Tirad, ngunit wala na akong nakitang mga kasamahan. Kumausap ako ng mga tao sa paligid ngunit ang iba, iniiwasan ako o kung hindi naman, tinatawanan ako. May mga iilan na tinulungan ako upang makarating sa kung saan. Tumawid ako ng ilang ilog at naglakad-lakad hanggang sa marating ko ang Salcedo. Hindi ko alam kung saan ako nararapat tumungo, hanggang sa makarating ako kung nasaan ko kayo natagpuan."

Na-guilty ako bigla nang naalala ko na naman yung nangyari kagabi.

"Sorry ha, eh kasi kanina din akala ko naka-costume ka lang eh. Hindi ko naman kasi alam na... ayun. Oo nga pala, salamat kanina. Akala ko magkakasabwat kayo ng mga 'yon, hindi pala! Buti nalang nanduon ka, kun'di patay na kami ngayon."

"Walang anuman. Mukhang napakarami na ngang nagbago. Masyado akong nabigla."

"Kung dito ka mananatili sa modern world, kailangan mo makisabay sa kasalukuyan."

Mukhang 'di masyadong magiging madali para sa kanya ito, pero no choice. Sanayan lang naman siguro. Isa pa, matalino naman siya, siguradong kaya niya 'to. Walang-wala ito sa gyera ng nakaraan.

"Nagugutom ka na 'no? Wala na pala 'kong dalang Kalamay. Kay Pau kasi 'yon. Teka, magluluto na lang ako."

"Pasensya na binibini, biglaan ka nagkaroon ng isang bisitang hindi inaasahan," aniya na may malungkot na ngiti sa kanyang mga labi.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now