XXVIII

1.9K 89 102
                                    


"Pag-uwi namin sa Pilipinas, pinakasalan niya ako. Hindi nga lang naging madali ang lahat dahil alam mo naman, hindi ako gusto ng kamag-anak ng tatay mo kasi nga hindi ako Chinese. Pero totoo na minahal ko talaga si Raymond kaya tiniis ko ang lahat. Anak, di ko lubos akalain na magkikita kaming muli ni Enrique sa Japan at magkakausap uli. Sa sandali niyang pag-stay duon dahil sa business trip, sinabi niya sa akin na sana pwede kaming magkabalikan muli at pinagisipan ko iyon. Hindi na raw siya nag-asawang muli dahil ako lang daw ang minahal niya. Kailangan raw ako ni Dolores at Tristan at tatanggapin ka raw niya kahit di ka raw niya tunay na anak. Pagbalik niya sa Pilipinas ay nag-simula uli kami mag-usap online at duon pinakitaan niya ako ng pictures ng mga anak ko na sobrang tagal ko ng di nakikita at nakakausap. Hija, sa tingin ko panahon na para mabuo ang pamilya natin. Hindi na rin kami bumabata ni Enrique. Naiintindihan mo ba ako, anak?"

"Naiintindihan ko po kayo pero kasi--"

"Pero ano anak?"

"Wala naman po akong problema kung bumalik kayo sa daddy ni Dolly pero kasi--"

"Pero?"

"Sige ma, pagpatuloy niyo na lang po muna yung sinasabi ninyo." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ng maayos ang nararamdaman ko sa loob.

"Isinikreto ko ang pagpunta ko sa Pilipinas kasi gusto ko munang makausap rin sina Dolly at Tristan. Balak kong ayusin muna ang lahat habang naka-bakasyon ako. Pag naayos ko na ang lahat tsaka ko sasabihin sayo dapat."

Bakit naman po wala kayong balak na kitain ako habang naririto kayo? Ganito ang gusto kong itanong dahil nasaktan ako, pero hindi na ako umimik.

"Anak, galit sakin si Dolores. Ang tingin niya sakin wala akong kwentang nanay kaya naman sabi ko sa kanila ni Tristan, pangako ay babawi ako sa kanila. Sabi ni Enrique, bigyan ko sila ng panahon para matanggap ang lahat. Seryoso siya na balikan ako at mabuo na ang pamilya natin. Balak ko sanang makuha na uli ang loob ng mga anak ko bago man lang bumalik sa Amerika si Dolly. Hindi ko naman alam na sa pakikipagbalikan ko sa tatay niya, magugulat nalang ako sa malalaman ko na magkakilala pala kayo ng kapatid mo! Hanggang ngayon di pa rin to malinaw sa akin at gulat na gulat ako sa mga sinabi sakin ni Dolores tungkol sayo."

"Ano pong tungkol sakin, Ma?"

"Hija, totoo ba ang lahat? Sabihin mo nga sakin. Inagaw mo ba talaga ang boyfriend ng kapatid mo?"

"Hindi ko po inagaw sa kanya si Greg! Komplikado lang po ang lahat sa amin ngayon pero kahit kelan di po ako gumawa ng paraan para agawin sa kanya ang boyfriend niya!"

"Nakatira raw kayo sa iisang bubong? Totoo ba?"

Natahimik ako at napatingin sa may bintana habang nag-iisip kung paano ako magpapaliwanag. Sabi na nga ba, uunahan ako ni Dolly.

"Anak, bakit mo naman yun nagawang isikreto sakin?" Kitang kita ko ang disappointment sa mukha niya.

"Ma, unang-una, hindi po ba isinikreto niyo rin naman sakin ang lahat?" Hindi ko siya gustong sagutin pero parang ansakit padin para sakin ang lahat tapos ngayon ibabalik niya sa akin ang pagtatanong kung bakit ako nag-sikreto.

Natahimik siya at na-guilty ako dahil ayoko siyang sinasagot ng pabalang. Sorry, ma.

"Mahirap i-explain ang lahat po ng nangyari, pero--"

"Palipatin mo na siya ng matitirahan, Miho. Hindi na yan pwede lalo pa ngayon!" Naging strikto bigla ang boses niya.

"Ma, pero si Greg at ako ay--"

"Hindi ko naman inakala na yung bago niyong kaibigan ni Pau na sinasabi kong parang aktibista based sa mga sinabi mo ay siya palang boyfriend ng kapatid mo! Paano yun nangyari? Basta anak, hindi na pwede! Kakausapin ko yang si Greg mamaya!"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now