VII

2.8K 138 34
                                    

Habang busy si Goyong magtimpla ng coffee at ako naman ay nag-aabang ng customer at inaantok, bigla na lang may pumasok na isang babae sa shop.

Mahaba ang buhok, balingkinitan, tan-skinned at maganda- ito na siguro yung tinatawag na 'Filipina beauty'. Naupo siya at para siyang may hinihintay. Tinignan niya kasi ng paulit ulit yung relo niya o baka naman pinagmamasdan lang pala niya ang mga kumikinang na bato dito kasi bored siya.

Swarovski watch (ata) ang suot niya na bagay na bagay sa kanyang classy black dress. Ang sosyalerang customer na kagaya niya ay minsan napapadpad din sa maliit na coffee shop kagaya nito. Bakit 'di na lang kaya siya mag-Starbucks o mag-Figaro? Ano nga bang pakialam ko at karapatang isipin ang tungkol sa kanyang choice? Mukhang ako pala yung talagang bored kaya siya na lang pinagmasdan ko habang hinihintay ang oras na lumipas. Tss.

Pumasok na si Pau sa may pintuan at kinawayan kami. Maya-maya ay nilapitan na niya ang babae.

"Dolly!" Nag-beso beso sila. Siya pala ang Dolly na na-kwento sa akin ni Pau dati!

"Oo nga pala, papakilala ko sayo, yung dalawa kong friends, dito sila nagttrabaho. Kilala mo na yung isa 'di ba, si Micha?"

"Ah, yes, I remember her," sagot nito sa kanya.

Si Micha ang isa sa mga kasama namin na since college pa raw si Pau ay nagttrabaho na sa coffee shop.

"This is Miho and 'yun naman si Greg."

Official na ginamit pala ni Goyong ang palayaw na 'Greg' sa trabaho at nope, hindi ako nag-suggest nuon-- si Pau. Iyon din ang nakalagay sa kanyang nameplate. Kapag sa trabaho, minsan hindi ko pa din siya maiwasang tawagin na Goyong o Heneral (kahit di na daw kailangan ng formality) dahil hindi ako sanay sa 'Greg'.

Kinamayan ako ni Dolly at kinawayan naman niya si Heneral.

"Hi! I'm Dolores. Nice to meet you!"

Biglang nabitawan ni Goyong ang nililinis niyang baso na siya namang kinagulat ng lahat ng taong nasa loob ng coffee shop.

Nagulat ba siya sa pangalan ng babae o dahil maganda siya-- o pareho?

"Paumanhin." Halatang-halata na na-distract siya.

"Tutulungan na kita."

Kumuha na ako ng brush at dustpan. Nag-offer na ako ng tulong para maglinis baka mamaya sa sobrang gulat niya baka kung anong gawin niya duon sa mga bubog.

---

Nag-usap si Pau at si Dolly habang kami naman nila Micha ay busy sa pag-take ng orders ng mga bagong dating na mga customers. Si Goyong naman busy rin sa pagtimpla ng kape at pag-serve pero nahuhuli ko siyang maya't mayang tumitingin duon sa magandang babae.

"Miho, mukhang type ni Greg yung girl, oh. Nakabasag pa ng tasa, masyado atang natulaley. Mga lalake talaga." Siniko ako ni Micha.

"Hayaan mo lang siya." Wala na akong maisip sabihin, pero ang totoo busy yung utak ko na mag-isip ng kung anu-ano.

"'Di ba kayo nag-d-date? Balita ko kay Pau, magkatabi raw ang rooms ninyo sa apartment?"

"Ah..." Isinikreto pala ni Pau kay Micha na sa isang studio-type na room lang kami nakatira.

"'Di kami nag-d-date. Friends lang kami. Para ko siyang kuya-- ay mali, ako pala ang parang ate niya."

Kuya ko talaga siya at meron lang naman kaming 115 years na agwat.

"Ate? Ambaduy naman, bakit ikaw yung ate?"

"Sa edad lang. Pero kung tutuusin, mas matured siyang umasta kesa sakin." Pakiramdam ko 16 years old ang status ng utak at galaw ko.

"Edad lang 'yan! Sus! Atsaka ano ba, girl, pwedeng magsimula ang something sa pagiging friends! Maganda ka din naman 'no! Bagay kayo ni Greg. Ayieee!"

"Baliw, kung anu-anong iniisip mo."

Nag-iwas ako ng tingin kay Micha.

"Bakit, hindi ka pa ba nakaka-get over kay Tisoy?"

"Naka-get over na," mabilis kong sagot sa kanya.

"Eh ayun naman pala eh!"

Pagdating sa mga usapang love life, boyfriend at kilig -- paborito 'yan ni Micha.

Napansin ko na tumayo na si Dolly at inihatid ni Pau palabas. Maya-maya ay lumabas din si Goyong matapos i-serve ang Cappuccino ng isang customer. Anong binabalak niya? Kinabahan ako.

Dahil kailangan kong mag-concentrate sa trabaho pinigilan kong lumabas at mang-usisa. Matapos ang ilang minuto, pumasok na ang Heneral kasama si Pau.

---

"Miho, hindi ako maaaring magkamali. Ang kanyang mukha'y hindi ko malilimutan kaya't sigurado ako na siya si Dolores!" Ang higpit ng hawak niya sa braso ko, yung feeling na para kang nagpapakuha ng BP.

"E ang banggit sakin ni Pau galing Amerika si Dolly eh. Kinausap mo ba siya sa labas kanina?"

"Tinanong ko kung sakaling nakikilala ba niya ako at siya'y biglang natawa sa aking katanungan na tila ba ako'y nagbibiro!" Bakas ang frustration sa kanyang mukha.

"Alam mo, iniisip niya na ginagawa mo lang iyon bilang paraan para magkausap kayo." In short- iniisip niya damoves. "Eh anong balak mo?"

"Sa ngayo'y hindi ko pa alam. Kailangan ko siya muling makausap. Hindi mapapanatag ang aking loob."

"Ipakita mo na lang kaya yung panyo na dala-dala mo?" Bigla ako naging supportive na friend.

Tumango si Goyong at patuloy na nag-isip.

---

Habang break time, tinawag ako ni Pau sa labas para mag-yosi at kinwentuhan ako kung paano kinausap ni Goyong si Dolly. Ganito daw ang naging takbo ng usapan nila:

"Binibini, mawalang galang na, ngunit ako'y nakikilala mo ba?"

"Ha? I'm sorry. No. I just know na ikaw si Greg, sabi ni Paulo diba?" Sabay tawa daw ng babae. Naimagine ko 'to, yung sophisticated laugh na exact opposite ng halakhak kong kita ang ngalangala.

"Paumanhin. Mayroon ka kasing kamukha at kapangalan na aking kilala. Ako'y nagbabakasakali lamang. Nawa'y hindi mo masamain."

Umeksena na lang daw si Pau para maiba ang usapan at nagpaalam na sa babae. Saglit na kinausap niya si Goyong bago silang sabay bumalik sa coffee shop.

"Si Dolly kagagaling lang ng Amerika. Ngayon nandito siya para mag-bakasyon. Iniisip mo ba na siya talaga si Dolores? As in, yung may ari ng panyo?"

"Sila'y magkamukang magkamukha. Siguro nga mali na siya'y aking bigla na lamang lapitan at tanungin ngunit baka nasa kanya na ang kasagutan. Naisip ko din na marahil katulad ko siya na bigla na lamang napunta sa makabagong panahon. Paano ko iyon masisiguro kung siya'y hindi ko makakausap?"

"Hindi kita masisi, Goyong, kung iyan ang iniisip mo. Kaso matagal ko ng kakilala si Dolly, nuong nag-college siya dito, ilang years ago. Pakiramdam ko wala siyang kinalaman duon sa dati mong nobya eh."

At tumahimik nalang daw ang Heneral at nag-isip. Gusto niya bang makabalik kay Dolores kasabay ng pagbalik sa lumang panahon?

---

"Oo nga pala, friend. Kamusta na pala ang mama mo?" Biglang iniba ni Pau ang usapan.

"Ayun, busy sa trabaho sa Japan. Factory worker pa din siya. Nung nagkita kami, mukang wala naman siyang health problems kagaya ng nakwento ko sayo dati. Last week ko siyang huli nakausap, mukha naman siyang masaya. Sabi niya nag-kakaraoke sila duon pag tapos ng trabaho. Minsan umiinom. Pinagsabihan ko siya na wag magpaka-lasengga."

"Wow, nagsalita ang hindi lasengga!"

Napakunot-noo ako.

"Sinong lasengga?"

"Eh 'di ikaw!"

"Baliw, halika na. Tutulungan ko pa si Micha."

"At dahil nabanggit mo na, inom tayo later!" excited niyang sabi.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora