XXVII

2.1K 87 22
                                    

Kinailangan ko pa ng konting oras para i-ayos ang sarili ko bago ko kausapin ang nanay ko. Ito na siguro ang tamang panahon para kausapin siya pero kailangan ko munang kumalma. Masasabi kong close ang relationship namin pero ngayon lang nangyari na parang biglang nagkaroon ng malaking harang at hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang mga nararamdaman ko. Malaki pa rin ang respeto ko sa kanya bilang aking ina, pero kahit sino naman na asa sitwasyon ko ay kahit papaano magkakaron ng trust issues. Sa loob ng 25 years ng aking existence, wala akong kaalam-alam na meron pala akong mga kapatid sa ibang ama. Wala naman sanang problema sakin at marunong ako makaintindi sa ganitong mga bagay dahil open-minded naman ako- pero ang malaking pag-aalala ko lang ay bakit ito sinikreto sakin ng ganun katagal at hindi ko matanggap na si Dolores pa sa dami dami ng tao sa mundo. Napaka-mapaglaro naman ng tadhana.

---

"Hello? Hija?"

"Ma, pwede po ba tayo mag-usap?"

"Anak, I'm so sorry, hindi ko alam na--" Punung-puno ng pag-aalala ang boses niya.

"Sa personal po ba, pwede po ba tayo mag-usap?"

"Sige, anak."

"Sige po, bukas, sa coffee shop sana ni Pau. Kahit duon na lang po, after ng trabaho ko at 4PM kung libre po kayo."

"Pupunta ako bukas."

Kahit gusto ko ng malaman lahat sa telepono, pinigilan ko ang sarili ko dahil mas ok kung sa personal ko maririnig ang lahat. Narinig ni Goyong ang pakikipag-usap ko sa nanay ko kaya nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko.

"Nagpasiya ka na pala na siya ay iyong kausapin. Sigurado ka bang mas-ayos na ang pakiramdam mo kaysa sa nuong isang araw?"

Tumango ako.

"Hindi ko na rin pwede patagalin pa, gusto ko marinig lahat."

Niyakap niya akong bigla at sinabing "Katulad ng aking pinapangako sa iyo, magiging maayos rin ang lahat."

"Salamat, Heneral. Paano na si Dolores?"

"Aking susubukan na siya'y kausapin kapag ako'y mahinahon na. Kinakailangan kong ipaintindi sa kanya ang mga bagay-bagay upang kanyang maunawaan ang aking nararamdaman."

"Paano kung siya ang Dolores galing Dagupan na minamahal mo? Paano na? Balak mo ba siyang iwan na?"

Natahimik siya. Alam kong hindi rin yuon madali para sa kanya lalo na ang napakagandang babae na iyon ang siyang huling kinahumalingan niya bago siya tuluyang namatay sa digmaan. Mukhang naging epal pa ako sa isang magandang love story na nanggaling sa nakaraan.

"Totoong siya'y minahal ko, Miho. Hindi ko lamang maibalik ang isang daang porsyento na iyon sa ngayon." At napa-buntong hininga siya habang napatingin sa kawalan.

Sa loob ko, may sakit akong naramdaman sa sagot niya. Kung mahal niya si Dolores kahit 10% or 50% pa yan, bakit niya to ginagawa sakin? Pinaglalaruan lang ba talaga niya ako? Hindi pwede ang magmahal ng dalawang tao dahil for sure, may isa na mas lalamang. Pero ano nga ba talaga ang pag-ibig para sa isang Gregorio Del Pilar? Nagawa na rin niyang manakit ng damdamin ng umaasang babae. Ngayon, uulitin na naman ba niya ang mga pagkakamali niya?

"Sa ngayon, ang ating relasyon ang mas importante."

"Sa ngayon? Ano ang ibig mong sabihin, Heneral? Sa ngayon lang? Alam ko naman na mas matimbang ang huli mong minahal nuong unang panahon, pero bakit kailangan mo pa kasi akong idawit dito? Bakit mo pa ko hinahalikan, niyayakap at lahat? Sa simula, sabi mo parang kapatid mo lang ako di ba? At eto naman ako, nagpapakatanga at hinahayaan kang gawin ang lahat ng gusto mo kahit pa hindi pa tapos ang ugnayan mo kay Dolly! Hindi ba nagpapakatanga lang ako? Heneral, bakit? Hindi ko maintindihan. Sabihin mo sakin, hindi ba mali ang lahat?"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon