XXXII

2K 89 53
                                    

"You're lying. Kilala kita."

"Naiwan ko nga yung passport ko, di yun joke!"

"Ewan ko sayo. Bakit ko pa nga ba kasi kinwento sayo yun pagkikita namin? I can't believe na pinagpalit mo yung pag-aaral mo sa Japan dahil kay Greg! Well, I should admit.. I'm quite disappointed but-- okay, sige, maybe if I were you, I would do the same. Pero minus the katangahan ha! Hindi ko na siguro paaabutin pa sa pag-aaksaya ng pera."

"Hindi paaabutin sa pag-aaksaya ng pera? Hello? E sino kaya tong nag-renta ng buong restaurant para lang i-surprise ako?"

Natawa ang kausap ko sa kabilang linya.

"Oo na, sige na, tanga rin ako. Lahat nga naman ng in love tanga! Nagsisisi ako baka ako pa nag-push sayo para gawin yung kahibangan na yun. Anyway, I'll just pray for your niece. Sana Dolly isn't crazy enough para magpalaglag ng sarili niyang anak."

"Oo nga e, nakaka-stress."

"Ano bang nagustuhan mo kay Greg? I'm more handsome than he is. Just saying!" Natawa siya sa sinabi niya at napaisip naman ako ng husto. Hindi nagbibiro o nagyayabang si Francis- totoo ang sinabi niya. Depende sa kung ano ang type ng isang babae, pero kung nagpa-survey ako ngayon, malamang- 7:3. Mas mahilig kasi ang mga tao sa ngayon sa mga Tisoy na may mga matatangos na ilong o kaya naman sa mga chinito - yun ang karaniwan (pero hindi applicable sa lahat) na pamantayan ng kagwapuhan.

"Wow, confident mo ha. Gwapo din naman si Greg!" At hindi rin ako nagbibiro. Opinyon ko yun eh. Baka ngayon mismo, lumabas lahat ng espirito ng mga babae niya nuong 1890s at tatango silang lahat ng sabay-sabay bilang pagsang-ayon sakin.

"So dahil gwapo?"

"Di naman sa ganun.."

"Ano nga? Why do you like him?"

"Hindi ko alam. Maraming dahilan siguro, lista ko muna ha? Ngayon, di ko alam e."

Napa-reflect ako maigi, seryosong hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"What? Are you serious? E ba't ako, ano nagustuhan mo sakin dati?"

"Gwapo ka, ayon, basta--"

"See, ang gwapo ko talaga! Tapos di mo ko binigyan ng chance."

"Oo na, laki na ng ulo mo. Kailangan ng putukin ng karayom, tulungan kita?"

"Well- kidding aside, Miho, I guess, sasabihin mo sakin di mo alam kasi it's true love? Hindi hinahanapan ng dahilan ang true love? Yun ba? Damn. Ang sakit naman. Pero teka, you need to thank me!"

"Saan?"

"E di, ayan, di ka na natuloy. Pasabi kay Greg, may utang na loob siya sakin."

"Naiwan ko nga passport ko, ba't naman siya may utang na loob sayo?"

"My dear Miho, kung ayaw mong umamin sige na nga, di na kita pipilitin. Babalik ako sa Philippines this December, hintayin mo ako. I love you, you pretty little liar. Ano bang ginagawa mo ngayon?"

"Inaayos ko yung gamit ko sa cabinet habang kausap ka."

Nakita ko ang box na hanggang ngayon ay di ko pa nabubuksan sa tabi ng iba kong mga damit.

"Oo nga pala Francis, anong magandang gawin sa isang box na hindi mabuksan? Wala yung susi, ganon. Tinry ko na yun magnanakaw skills ko, ayaw eh. Baka alam mo pano? I-bolt cutter ko nalang kaya un lock? Ayoko kasing masira yun box eh, di tuloy ako makapag-decide."

"Hmm, pwede. Ano ba yan?"

"Padala ni Tita Marylin, walang susi."

"Nandito ako sa Japan, tas pinapaproblema mo sakin yung box mo na walang susi? Pabukas mo yan kay Greg!" Ang bitter na pa-joke ng tono ng boses ni Francis. Oo nga naman, may point siya. Sorry naman sa pang-aabala ko.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now