III

4.2K 201 259
                                    

Ang pinaka-importante sa ngayon ay:

1. Makakain siya (Hindi sapat ang Kalamay na inarbor ko)

2. Makaligo siya at makapagpalit ng damit (Dugyot siya)

3. Makatulog siya ng maayos (Para siyang anim na buwan na naging busy sa thesis)

4. At higit sa lahat, may matutuluyan siya (Hindi pa naman ako walang puso para pabayaan siya ngayon at baka mamaya ano pa ang maisipan niyang ibenta para lang mabuhay. Andami pa namang 'di mapagkakatiwalaan at mga gago sa labas. Matalinong tao si Goyong, sure na sure 'yan, pero hindi pa din natin masasabi ang posibleng kapahamakan sa labas.)

Kinailangan ko siyang turuan paano gamitin ang shower sa banyo tapos pinroblema ko na yung susuotin niya. Buti na lang meron akong maluluwag na jogging pants at mga panlalaking hoodie!

Tignan mo nga naman ang magagawa ng pagkahilig ko sa boyish fashion, may naitulong sa ganitong panahon. Minsan kapag ayoko maging babae, sinusuot ko lang 'yon. 'Yun na lang pansamantala ang pasusuotin ko kay Goyong.

May isa akong naisip na problema-- Tangina, paano yung underwear? Bigla na lang ako may naalala. A few months ago, may unisex (Thank God!) disposable underwear pa akong naiwan from my Japan trip. Sobrang useful nito pag nag-t-travel, lalo na 'pag may emergency. (Kasi ang totoo, may pantog ako na pang-lola) Hindi ko siya nadala sa soul-searching trip namin, sakto!

"Eto, gamitin mo. Pagtapos mo gamitin, umm, itapon mo nalang."

Medyo gusto ko kumuha ng pamaypay at itakip sa mukha ko. Sa totoo lang, hindi ako mahiyain sa ganitong sitwasyon, pero feeling ko ang awkward mag-abot ng disposable underwear sa isa sa nirerespetong tao sa Pilipinas.

Tumango si Goyong. "Maraming Salamat, Binibini."

Natawa ako. Seryosong nakakatawa talaga yun 'Binibini'!

"Pasensya na, 'yan lang yung mga damit na meron ako eh."

Matapos siyang maligo, kinuha ko ang maruming uniform niya at itinabi sa labahan.

Sa awa ng Diyos, nagkasya naman ang damit na ipinahiram ko. Medyo nagmukang skinny pants lang yung suot niya at medyo hapit sa katawan yung hoodie. Pwede na rin. Tinignan niya ang sarili niya sa salamin. Na-GGSS kaya siya o naninibago siya sa itsura niya?

Yung heneral naka-suot ng hoodie at jogging pants. Ang cool, seryoso.

"Bae-yani," pabulong kong sinabi sa sarili. Naisip ko kung nandito si Pau, ito ang sasabihin niya.

"Ano ang iyong sinabi?" bigla niyang tanong.

"Ah, wala!" Umiling-iling lang ako.

---

Matapos kumain ng ininit kong SPAM (Pagod na ako para magluto ng komplikadong pagkain), niyaya ko na siyang magpahinga. Sabi ko duon nalang muna siya sa sofa pansamantala.

"Magandang gabi," bati niya bago lumakad papunta sa pintuan at lumabas. Hinabol ko naman siya.

"Huy! San ka pupunta?"

"Iisa lamang ang kama."

"May sofa naman, do'n ka na lang! Ba't ka lumabas?"

"Dito na lamang ako sa labas matutulog. Hindi maganda para sa isang dalaga na matulog kasama ang isang lalaki sa loob ng kanyang bahay ng hindi sila kasal."

Wow. Sumobra sa respeto sa babae. Ganun ba talaga sila ka-conservative nuong unang panahon?

"Ano ka ba, mamaya makita ka ng mga kapitbahay at ano pa isipin nila! Dali, duon ka na sa loob," ang sabi ko habang hinahatak ko siya papasok ng bahay. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora