XXIII

1.9K 96 54
                                    

Nangako ako kay Goyong na sa susunod ay dadalhin ko siya sa Bulacan pag may libre kaming oras. Hindi naman raw siya nagmamadali pero nitong mga araw, sinusubukan ko mag-research kung paano pumunta sa mga lugar kung saang gusto ko siyang dalhin. Nakapunta na ako sa Bulacan ng isang beses nuong bata pa ako at dahil matagal na, hindi ko na maalala pa ang itsura nito. Isang hapon, habang busy ako mag-plot sa google map ng mga pwede naming puntahan, bigla akong nakatanggap ng isang unexpected call.

"Hello?"

"Hi Miho, it's me- Dolly."

"Napatawag ka, ano yun?"

"Pwede ba tayong mag-meet? Let's have coffee. My treat."

"Anong gusto mong pag-usapan?" Tapos na namin pag-usapan ang tungkol sa sing-sing, so ano naman kaya ang gusto niyang pag-usapan?

"After ng tungkol sa ring, naisip ko, ayoko masira yung magandang start natin just because of it. Can we talk?" Ayaw masira ang magandang start? Ano na naman to? Hindi ko siya maintindihan. Tinotopak ba talaga siya? Mukha akong haggard na tuliro at may magulong buhok, samantalang siya, ang ayos at ang bango niya laging tignan-- feeling ko mas bagay na ako yung may saltik.

"Sige."

---

Kinabukasan ng umaga, hindi kami nagkita ni Dolly sa coffee shop ni Pau. Nagsawa na kaya siya duon? Baka naman may top secret siyang sasabihin kaya gusto niya sa ibang lugar.

"Thanks Miho, for coming."

Nag-order siya ng cappuccino at ako na wala sa mood na mag-kape, pinili na lang mag rooibos iced tea. Medyo kinabahan ako na kape ang inorder niya- paano kung mamaya ibuhos niya sakin ng pagalit? E di lugi ako dahil malamig yung ipantatapat ko. Nagdasal nalang ako na sana hindi siya beast mode ngayon.

"Ano yung gusto mong pag-usapan?"

"About Greg. Ikaw kasi ang pinaka-close sa kanya. So I assume, ikaw may pinakamadaming alam about him." Nandito ba siya para mag-investigate?

"Bakit, may gusto ka bang malaman? I'm sure, parati naman kayo nag-uusap at ma-kwento naman siya. Open din siya sayo kaya sa tingin ko wala ka ng dapat pang malaman tungkol sa kanya."

"Well, nagulat nga ako nung sinabi niya sakin nuong una palang na galing siya sa past at kung anu-ano pa. He really sounds ridiculous sometimes, right?"

"Siguro hindi lang kapanipaniwala nuong una. Pero no doubt, totoo yun story niya. Teka, di ka ba naniniwala sa kanya?"

"Hindi naman sa ganun. It's just funny. Pero Greg is such a nice guy, alam ko naman yun. Hirap nga lang niyang intindihin minsan. Sometimes, he's too conservative, minsan may pagka-liberated naman. Alam mo na.."

Liberated? Muntik ko ng madura ang iniinom ko sa mukha niya dahil naalala ko na naman yung 'kama' na yan. Punyemas.

"Ikaw ano masasabi mo sa kanya, Miho?"

Kung sasagutin ko siya ng totoo: Almost perfect ang sasabihin ko.

"Parang normal na tao rin, may times na tama, may times na mali ang ginagawa."

"Maiba ako-- what if iniwan ko siya sa ere. Do you think mahihirapan siya makagetover?"

"Siguro. Mahal ka niya e, ikaw si Dolores-- so malamang oo. Teka, bakit mo ba tinatanong yan?"

"Wala lang, just curious kung ano masasabi ng wonderful sister niya. Paano kung hindi naman pala talaga ako si Dolores at kamukha ko lang talaga ang babaeng yun?" Parang ang sarcastic ng pagkakasabi niya ng wonderful sister.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now