XXIX

1.8K 84 60
                                    

Tinulungan kong mag-ayos ng gamit si Goyong. Hindi naman marami ang mga gamit niya- karamihan lang duon ay mga damit at yung black na notebook na top secret yung laman (dahil lagi niyang inalalayo sakin at tinatago kung saan na hindi ko alam). Pinipilit kong isipin na dapat akong magalit pero habang lalo kong iniisip, mas nauuwi sa wala akong maramdamang galit sa kanya. Kahit may doubts ako sa mga pinaggagawa niya sakin at sa mga sinabi niya, hindi ko magawang mainis ng todo sa kanya. Nasaktan lang ako at pakiramdam ko naloko ako, pero parang tumigil lang sa ganun. Ito ba yung true love na sinasabi nila? O baka naman katangahan lang ang tawag dito- Ewan ko lang. Pagkarating ni Pau, yuon na ang hudyat na tapos na ang mga araw na parati naming ginagawa halos lahat ng sabay. Masakit at malungkot- hindi ko inasahan na deep inside, clingy na rin pala ako sa kanya. Kahit may choice akong ipaglaban ang feelings ko, wala naman ako magawa dahil parang natanggalan ako ng karapatan magmahal dahil biglang may 'batang' involved.

"Tayo'y magkikita parin, Binibini, hindi ba? Tatawagan kita o padadalhan ng mensahe. Aking balak na bisitahin ka kaya huwag sana na ako'y pagbawalan."

Tumango ako.

"Magkikita naman kayo sa coffee shop, no! Jusme! Ang clingy minaj ninyo ha! Itong Heneral, kung di ka lang talaga si Del Pilar, nako! Kukurutin ko talaga yang singit mo!"

"Miho, maaari bang dalhin ko ito?" Kinuha niya ang hikaw na nakalagay sa may mesa- yung manipis at approximately 12 mm na silver hoop earring na kapares ng suot ko.

"Ah, ayos lang. Kunin mo na rin itong isa." At sinubukan kong tanggalin ang nakalagay sa kaliwa kong tenga hanggang sa pinigilan niya ako.

"Kahit ito lamang na isa. Suotin mo ang kapares na katulad ng iyong ginagawang madalas."

"Heneral, magpapabutas ka ba ng tenga?" Takang-taka si Pau na pati ang hikaw ko ay gusto hingin ni Goyong.

"Nais ko lamang itago ito."

"Susmaryosep! Souvenir? Souvenir ba kamo? Miho, handugan mo ng pan--"

Tinakpan ko ang bibig niya bago pa kung ano ang masabi niya.

"Salamat, Miho. Aking iingatan ang alaala mong ito." Saan naman kaya niya yun ilalagay?

"Pau, ikaw na muna bahala kay Goyong."

"Oo naman, paliligayahin ko siya, chos!"

"Sige na, mauna na kayo."

"Di ka ba sasama?"

"Hindi na."

Tinignan ako ni Goyong na para bang may pag-aalala sa kanyang itsura. Pagpasok ko ng kwarto, napansin kong hindi naman masyadong lumuwag ng dahil sa mga natanggal na gamit at sa lalakeng umalis. Pagbukas ko ng kabilang cabinet para kunin ang mga lumang damit na balak kong labhan sa araw na iyon, nakita ko sa sulok ang isang paper bag na naglalaman ng Heneral uniform niya. Bakit nga ba namin yon nakalimutan? Pero kanina lang, naalala kong nilabas ko to at nilapag sa kama. Sinadya ba niyang iwanan? Kinuha ko ito at tinignan, nilagay malapit sa dibdib at niyakap. Pakiramdam ko para akong namatayan ng anak at ang naiwan niyang damit ang siyang magsisilbing alaala ko sa kanya. Pero teka, hindi ko to dapat pagnasaang itago at kailangan kong ibalik sa may-ari! Sige sa susunod, pero ngayon binalik ko sa cabinet at nahiga na lang ako sa kama.

Bukas na lang ako maglalaba, tinatamad ako. Ano kaya magiging itsura ng anak ni Dolly at Goyong? Masakit siguro manganak, di ko maimagine yun feeling. Pag manganganak minsan di ba kailangan may swero?  Nakakatakot. Baog kaya ako? 

Sa kalagitnaan ng pag-iisip, di ko na namalayang nakatulog na ako.

---

Kinabukasan, tinawagan ako ni Pau.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now