XIX

2.2K 115 56
                                    

Ilang araw ko rin pinag-isipan ang mga sinabi sakin ni Goyong patungkol sa buwan at araw. Kung sasagutin ko ang tanong niya, mas gusto ko rin ang buwan kaysa araw. Sa mga araw na hindi ko magawang maiwasan ang anxiety at loneliness habang hinihintay ko na makatulog ako, tinitignan ko lang ang buwan na nakasilip sa may bintana at ang kanyang hindi nakakasilaw na ilaw na tumatagos paloob ng kwarto. Sa pagsapit ng dilim, kahit pa sanay ako mag-isa, mas gusto ko na mayroong dadamay sakin sa mga oras na yung isip ko ay nagiging malikot at ang mundo ng negativity ang siyang nilalakbayan niya. Mukhang iisa lang ang opinyon namin ng Heneral, pero hindi ko pa din magawang intindihin ang kalahati ng sinabi niya. Kung ganuon, ano ba ang role ni Dolly sa buhay niya at ano rin ang akin? Katulad ba ng buwan at araw, parehas kami na kailangan niya sa kanyang buhay?

Nagpasya rin akong tumigil sa pag-o-overthink at ipapaubaya nalang sa panahon ang kasagutan ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko.

---

Isang maaraw na hapon, maaga ang tapos ng trabaho ko at sakto rin na hindi ko kailangang pumasok sa eskwelahan dahil may event raw ang department. Naupo akong saglit at nag-isip kung paano ko gagamitin ang libreng oras na minsan lang mabigay sakin.

1. Hintayin sila Goyong tapos yayain silang kumain. (As in, tumambay lang sa coffee shop)

2. Magliwaliw mag-isa hanggang gabi.

3. Magliwaliw muna mag-isa tapos balikan sila at yayain.

Nag-decide akong gawin ang number 3.

Dali-dali akong nag-bihis ng dala kong short sleeved-shirt, cropped shorts at sinuot ang snapback. Paglabas ko matapos magbihis, nakita kong inaayos ni Goyong ang mga karton ng gatas. Si Lawrence naman ay abala sa pag-aayos ng mga posters sa labas ng shop.

"Oy, oy, saan ang lakad mo, tomboy?" Lumapit bigla si Pau at nang-usisa.

"Diyan-diyan lang!" Naisip kong mamaya ko na sila yayayain pag balik ko.

"Huy, Heneral Del Pilar!" Nilapitan ko siya at hinipan ang tenga. Effective na pangiliti!

"Pilyang binibini, Ika'y saan pupunta?" At tinanggal niya ang suot kong cap.

"Ito naman, nakaayos na nga eh! Ginulo pa."

"Patawad na, ito na, akin ng aayusin." Inayos niya ang buhok ko at sinuot niya ito sa akin.

"Miho! Hey!" Bigla na lang may tumawag sakin at napalingon ako.

"Francis? Anong ginagawa mo dito? Wala namang pasok ha?" Putris, ano to?

"Yayayain sana kitang lumabas. Even just for a short time. Naalala ko kasing walang pasok kaya naisip kong daanan kita dito."

Napansin kong nakatitig si Goyong kay Francis, at ganuon din yung isa. Maya-maya may nagsabi ng "Waiter!" at hindi ito napansin ng Heneral kaya siniko ko siya.

"Uy, tawag ka, Greg." Finally, natawag ko na rin siyang 'Greg'. First time! Naglakad na siya papunta sa customer, pero lumingon pa rin siya sa amin.

"Miho, let's go. Promise, hindi matagal. Kung may lakad ka, ihahatid nalang kita pagkatapos." Ang pangako ni Francis habang naka-taas ang kanyang right hand.

Naisip kong itaboy siya pero nasa loob ako ng shop at kahit sa labas naman ay ayaw ko rin gumawa ng eksena. Dahil dito, naisip ko nalang: Kalma, pagbigyan.

---

Pagbaba ng gray Vios ni Francis, nakita ko sa harap ko ang isang eleganteng restaurant.

"Teka! Diyan tayo pupunta?" Kamusta naman yung itsura ko? Hindi akma.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now