XXXI

1.9K 88 60
                                    

"Miho!" Isang malakas at pamilyar na boses ang narinig ko sa likuran. Napatigil ako sa paglakad at lumingon. Naruon siya, hingal na hingal at naka-suot ng sky blue shirt, khaki shorts at top-siders.

"Pau!" Tumakbo ako papunta sa kanya na hatak-hatak ang maleta ko.

"Lintik na.. traffic! Teka, diba dapat.. paalis ka na?"

"Umm.. Oo, pero-- Ano na nga pala? ano yung sasabihin mo sakin, Pau?"

"Si Goyong!" Sa pagbanggit niya sa pangalan ng Heneral na may panic na kasama, parang nalaglag ang puso ko.

"Si Heneral? Ano nangyari sa kanya?" Kulang nalang mapunit ko yun damit ni Pau sa kakahatak dito.

"Hindi siya ang tatay!"

Natahimik ako saglit at napa-face palm.

"Dios Mio! Ba't di mo nalang din yan sinabi sa phone kanina?"

"Eh kasi.. ang totoo niyan, girl..kasi.."

Tinuro niya ang lalaking nasa malayo na naka-dungaw sa labas na parang nakatitig sa langit.

"Ayan, akala nga niya nakaalis ka na oh. Nagmamadali ako kaninang damputin yan at dalin rito kaya ako nagppanic kanina pa! Hindi ko kasi mahagilap nung una! Nung mahanap ko, aayaw-ayaw pang sumama kasi ayaw na raw niya makagulo muna sayo, e leche lang, sumama rin naman pala sa huli! Sus! Pakipot pa nung una!" Yung puso ko parang sasabog. Gusto kong tadyakan si Pau dahil sa kaba na binigay niya, pero gusto ko rin siyang yakapin bilang pasalamat.

"Teka, girl, naiwan ka na ata ng eroplano!"

"Sayo muna to!"

"Ha?"

Iniwan ko ang mga gamit ko kay Pau at tumakbo papunta kung nasaan si Goyong. Niyakap ko siya ng biglaan mula sa likuran ng hindi umiimik at napalingon siya agad. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita siya ng multo.

Napatingin siya saglit sa kanyang relo pero di nawala ang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha.

"Binibini! Bakit ka naririto? Hindi ba ang eroplano na kakalipad lamang ay--"

Napatigil siya magsalita at parang naunawaan ang lahat. Bigla niya ako niyakap ng mahigpit at nanatili kaming ganito ng ilang segundo. Ang mga kamay niya na nakahawak sa likod ko, ang faint smell ng musk perfume, ang boses niya na binigkas ng mahina ang ngalan ko, ang ngayong malamig-lamig na pisngi niya na idinikit niya sa akin- Ito ang malinaw na gusto at kailangan ko mismo ngayon.

Parang isang sampal sa mukha na pampagising ang mga sinabi ni Francis at sa biglang bumugsong damdamin, aminado na akong isang tanga pero hindi ko pala talaga kayang mawalay ng matagal sa Heneral. May mga taong ganito kagulo ang isip, yung tipong sa huli na lang gagawa ng biglaang desisyon at sasabihin sa sariling 'Bahala na!'- Isa na ako duon.

Bakit nga ba lagi ko nalang tinatakbuhan ang lahat? Bakit hindi ko kayang ipaglaban kung ano talaga ang gusto ko?  Bakit nga ba ako duwag? Pero hindi na, hindi na dapat.

---

"Ano nga ba ang nangyari? Paalis na kami dapat kanina dahil hindi na kita ma-contact pero itong si Goyong, hihintayin nalang raw niya yun eroplano na sinakyan mo na lumipad!"

"Ah-- naiwan ko kasi yung passport ko." Nagsinungaling ako.

"Seryoso ka ba? Girl, anong tawag sayo?"

"Oo na, tanga na. Okay lang, Pau. Buti nga naabutan ko kayo. So, ano uli yun tungkol sa sinasabi mo sakin kanina?"

"Lumabas ang resulta ng DNA test na hindi kay Heneral ang bata kundi kay Xander! Nakakaloka talaga ang mga pasabog!"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now