XXI

2K 112 128
                                    

Nagdaan pa ang maraming araw na nagkita kami ni Francis tuwing pumapasok sa school at ganun din naman ang madalas na pagkikita ni Goyong at Dolly. Kung hindi sila sa labas nagkikita, dinadayo niya ang shop para bisitahin ang Heneral (Kapag nanduon siya, feeling ko susugurin ng batalyon ng langgam ang buong shop. Minsan napapainom na lang ako ng tubig dahil medyo nauumay ako sa public display of affection ni Dolly). May mga araw na napapatulan ko na rin ang mga yaya ni Francis dahil kasabay nuon ang ibang mga pair works na dapat namin matapos. Tuwing kasama ko siya, madalas akong lutang at lumilipad ang isip kung saan ito di dapat mapadpad.

---

Isang normal na weekday ng dumalaw si Dolly sa coffee shop. The day before, dumaan din siya. Anong meron? Miss na ba niya agad si Goyong? Dumating siya na mukhang problemado ang itsura at niyaya siya ni Pau sa loob ng office para i-discuss siguro ang mga bagay-bagay o baka naman mag-h-heart-to-heart talk sila? Sa mga oras na iyon ay hindi naman peak hour sa shop at may 2 customer lang na tapos na naming asikasuhin. Maya-maya ay nakita kong lumabas si Pau at lumapit sa akin.

"May sasabihin ako."

Isinama niya ako sa labas ng shop.

"Ganito kasi, may nakita ba kayong gold ring sa coffee shop? Wala naman tayo lately na lost and found item na jewelry diba?"

"Oo, walang nasa lost and found na ganyan. Meron lang napkin, Starbucks tumbler, notebook sa Math, ganyan. Bakit? Anong nangyare?"

"Nawawala kasi yung kay Dolly. Sobrang precious daw yun sa kanya kaya di siya mapakali. Gusto niyang i-check sa shop baka naiwan or may kumuha."

---

Si Lawrence at Micha muna nag-take over sa pag-aasikaso ng dumating na customer habang kami ni Goyong ay naghahanap sa buong shop.

"Nasisigurado ka ba na dito lamang ang pwedeng lugar kung saan mo ito naiwala?" Narinig kong tinanong ng Heneral kay Dolly.

"Pwedeng dito or naiwan ko sa kotse o sa loob ng bag ko. Pero wala duon sa kotse, pati sa bag ko. Hinanap ko na duon. Wala talaga!" Bakit naman niya un iiwanan sa kotse o sa bag niya kung ganun kaimportante?

Mamaya nag-request siya ng bag inspection. Bag inspection? Wala ba siyang tiwala sa amin? Nakita kong nagtinginang may kahulugan (na may kasamang kunot na noo) sila Micha at Lawrence dahil nga naman ang pangit ng dating ng gusto niyang gawin.

"Dolores, ang kahulugan ba nito ay pinararatangan mo ang mga empleyado?" Ang tanong ni Goyong na mukhang nagulat sa sinabi ng kanyang girlfriend.

"No, gusto ko lang maka-sigurado. Please understand, kailangan ko lang talaga i-check lahat."

Para sa ikatatahimik ng loob ni Dolly, kahit nakakainsulto, ang mga bag namin ay isa-isang binuksan. Sa bag ko, nakita niya ang notebook, tissue paper, suklay at wallet. Putris, mas malupit pa siya mag-inspect kesa dun sa mga guard sa mall na tinutusok lang ng stick yung mga nakabukas na bag ng mga pumapasok na tao. Yung kanya todo inspect na tipong pati dumi sa ilalim ng bag mo ma-di-discover niya. Binuksan niya lahat at sinilip ang kasingit-singitan ng bag ko, pati ang isang maliit na compartment sa likod na hindi ko naman ginagamit.

Parang may nakapa siya sa loob at inilabas ang isang gintong singsing na kailanman ay never kong nakita sa buong buhay ko.

"Oh my God!" Napa-sigaw siya habang kinikilatis mabuti ang itsura nito.

"Ito yon!"

Si Pau at Lawrence na nasa loob rin ng office ay tinignan ako. Gulat na gulat ako at di ko alam paano ko sisimulan mag-react. Paano naman napunta ang singsing niya sa loob ng bag ko?

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now