V

3.3K 170 130
                                    

Nang gabing iyon pag-uwi namin sa bahay, bigla akong nagkaroon ng unexpected call mula sa taong ayokong kausapin.

"Hello?"

"Miho. It's me, Francis."

"Anong kailangan mo?"

Gusto ko ng ibaba. Ano na naman kailangan ng ungas na 'to?

"Can we talk?"

"Ano pa ba ginagawa natin, di ba to 'talk'?"

Minsan umiiral din ang pagiging pilosopo ko.

"I mean, mag-usap. Labas tayo. We need to talk."

Talk mo mukha mo.

"Busy ako."

"Since when?"

"Lately lang. Sige, bye."

Binabaan ko. Bwisit.

"Miho, may problema ba? Tila ikaw ay balisa. Sino ba ang iyong kaaway?" sabi ni Heneral na sa kasalukuyan ay nag-u-unat.

Pakiramdam ko nangangalay na siyang matulog sa sofa.

Narinig pala ako ni Goyong. Oo nga naman, maliit lang ang kwarto at ang lakas ng boses ko.

"Ahh, sorry. Ang ingay ko pala. Wala 'yon. Sorry, nagising yata kita. Matulog ka na uli. Magandang gabi."

Tinakpan ko ang sarili ko ng kumot at sinubukan ng matulog.

Ano na naman ba kasi ang kailangan ng Francis na 'yan?

---

Sa sumunod na mga araw, pinlano ko dalhin si Goyong sa labas at maglakad kung saan-saan. Maaraw at mahangin, para sa akin ito ang best weather at mukhang gusto rin ito ng Heneral.

Disyembre pa din at ramdam ang kalamigan sa umaga lalo na sa madaling araw tapos kapag dating ng tanghali ay minsan para ka pa ding nasa impyerno.

Tumatagtak ang pawis mo kahit buwan na ng ka-Paskuhan at na-i-inggit ka sa winter season ng ibang bansa kung saan pwede silang pumorma ng tinatawag na 'layering' at magtampisaw sa snow.

Hindi natin kasalanan na walang snow sa Pilipinas, pero sa ibang bagay tayo tiyak ay nagkasala at ito na ata ang resbak ni Mother Nature.

Pinagmasdan namin ang mga iba't ibang Christmas decorations ng bawat establishments na aming nadadaanan na siya namang nagtulak kay Goyong para mag-kwento tungkol sa mga experiences niya ng Pasko kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot at pananabik sa kanyang boses. Dapat sana ilang Pasko pa na kasama niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid o di kaya kasama din ng girlfriend niya kaso ang aga naman niyang naging busy sa pagtatanggol sa bansa na siya rin namang ikinamatay niya ng napaka-aga.

Ngayon, nakaramdam ako ng matinding guilt dahil mukhang ako ang makakasama niya sa mga special occasions at hindi ako worthy para maging kasama niya.

Naputol ang pagkkwento ng Heneral nang napansin namin na sa isang gilid ay may isang batang umiiyak sa harap ng kanyang nanay at tinuturo si Jollibee. Maya-maya ay bigla ng lumevel up ang tantrums niya at nagwawala na siya sa sahig. Sa harap naman namin mayroong batang sumisigaw ng "Jabi!" habang tinuturo din ang kainan na para bang gusto niyang pumasok sa loob.

"Tila mahal na mahal ng mga bata ang bubuyog na iyon."

"Ah si Jollibee, sikat na kainan 'yan dito. Ang may-ari ay isang lalaking Tsino na mamamayan ng Pilipinas- sa mabilis na salita, pag-aari ng isang Pilipino. Di lang sila yung dalawang bata na nakita ko na parang namamatay na sa harap ng magulang para makapasok lang sa loob."

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now