X

2.7K 137 79
                                    

Natapos ang Disyembre ng ganun-ganon na lang. Nagkaroon kami ng tahimik na salu-salo nuong New Year sa bahay nila Pau kung saan bumisita rin saglit si Micha at pati na rin ang isang bagong empleyado sa coffee shop na si Lawrence.

Hindi ito ang unang beses na nakarating ako sa bahay nila at kilala na rin ako ng kanyang mga magulang. Nahiya kaming tanggihan ang offer ni Pau --na sumama sa kanya para naman hindi lang raw kaming dalawa ng Heneral ang mag-celebrate ng Bagong Taon sa loob ng aming maliit na kwarto.

Kumain kami sa kanila, nakipagkwentuhan kela Pau at nanuod ng fireworks sa balkonahe ng kanilang malaking bahay.

Nakwento sa amin ni Goyong na ang Philippine fireworks industry ay pinaniniwalaang nagumpisa sa may Sta. Maria, Bulacan kung saan ang isang lalaki raw ay natutunan ito mula sa parish priest ng nasabing lugar, nuong 1860s pa. Ang mga kwitis naman raw ay ginagamit panggising sa mga churchgoers para sa iba't ibang religious activities lalo na sa Misa de Gallo.

Napagkamalan ng magulang at kapatid ni Pau na isang Historian si Goyong dahil andami raw nitong kwento tungkol sa nakaraan at pinuna din ang napaka-ayos na itsura, pananalita at galaw niya.

"Mr. Sempio is such an interesting man! He sounds so mature and responsible. Quite a good catch, Hija!" sabi ni Tita sa akin. Nilinaw ko naman kaagad na kaibigan ko lang si Goyong.

---

Totoo ngang mabilis ang takbo ng panahon-- hindi ko na namalayan na andami ng lumipas na araw na kasama ko parin ang Heneral. Isang hapon, habang nasa trabaho ay bigla na lang niya kong tinanong:

"Ako ba'y isang abala kung mananatili pa rin ako ng mas matagal?" na siya namang sinagot ko ng pabiro na isa siyang malaking abala at napakasikip ng apartment dahil may epal akong kasama.

Sinabi niya sakin ang plano niyang rentahan ang kabilang kwarto kagaya ng matagal na niyang iniisip.

"Para kahit papaano, ako'y nakabantay pa rin at kung iyong kailangan ay maaari mo lamang akong tawagin sa kabila."

"Gusto mo na ba ng maspribadong buhay? Kung oo, ayos lang naman sakin. Pero kung komportable ka sa maliit na kwarto ko... pwede rin na wag ka ng umalis." Pahina ng pahina ang boses ko lalo na sa 'wag ka ng umalis'.

"Para hati tayo sa renta!" Idinagdag ko para hindi maging awkward.

"Alam kong hindi nararapat na ang hindi kasal na babae at lalake ay tumira sa iisang bubong ngunit ang naisip ko ay--"

"'Di na umalis? Ok lang no!" At pabiro ko siyang siniko sa kanyang tagiliran. Sabi na nga ba, ma-mi-miss niya ako 'pag lumipat siya!

"Ang naisip ko ay huwag mo sanang mamasamain-- na ako'y aalis na lamang."

Pahiya ako. Punyeta. Lesson in life: Wag kasing assuming.

Tinalikuran ko siya at bumalik sa paghuhugas ng tasa.

"Ahh... oo naman, bakit ko naman mamasamain?" Lamunin na sana ako ng lupa, putragis.

Mamaya maya, narinig kong tumatawa ang Heneral at paglingon, tinatakpan niya ang bibig niya na parang nagpipigil.

"Anong nakakatawa?" kunot-noong tanong ko.

"Binibini, tayo'y patuloy na lamang na maniharang magkasama na parang magkapatid, kung iyo paring nais!" 'Parang magkapatid' -- May emphasis sa pagiging wholesome.

Pinagloloko lang pala niya ko kanina para makita ang reaksyon ko. Maldito.

---

Simula ng nagkakilala kami sa Candon ni Goyong, parang hindi na kami halos nagkahiwalay pa (Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako worthy na maging kasama niya).

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now