XVII

2.1K 108 50
                                    

Bumilis ang tibok ng puso ko na parang tumakbo ako ng tatlong beses paikot ng QC circle ng walang pahinga. Mamamatay na ata ako sa kaba at hiya! Hindi ako makalingon sa lalaking halos isang ruler lang ang layo sa akin. Hinukay ko na ang utak ko para sa tamang sagot pero hindi ako makapagdecide. Yes or no question lang naman iyon at ang tagal kong sumagot-- delikado naman kasing umamin kung bakit ako affected.

Nilapitan niya pa ako lalo at tinitigan na parang hinahanap ang sagot sa mga mata ko.

"Hindi pa ba sapat ang oras na ibinigay ko upang iyong sagutin ang aking katanungan?"

"Ah, ano, ang sagot? Wala, syempre! A-ano ka ba! Naisip ko lang 'yon, kasi... ano, si D-Dolly madaldal! tapos... ano, dumadaan sa isip ko na ano, tapos..."

"Tapos?"

"Tapos, uhh, w-wala kasi akong alam sa ganun! Ah! hihingi ako ng tips! Ay hindi! I mean... ano..."

Tangina, anong pinagsasabi ko?

"Wala kang alam at nais mong matutunan ang alin?"

"Ah, h-hindi! Nagbibiro lang ako! Ikaw naman!" At tumawa ako na may halong kaba at pinalo ko ang braso niya ng pabiro.

"Teka lang, Heneral." Kumaripas ako ng takbo sa banyo para tumakas. Ni-lock ko ang pintuan at tinitigan ang toilet bowl. Ngayon ko lang naisip na gusto ko maging jebs, mag-dive sa tubig at i-flush ang sarili ko. Binatukan ko ang sarili ko ng tatlong beses. Baka i-judge ako ni Goyong na manyakis! Maling-mali ang lahat-- pwede bang i-undo ang sinabi ko? Hindi na pwede, narinig na niya!

Sumilip ako at nakitang tumatawa siya habang nakaupo pa rin sa kama.

"Ika'y lumabas na riyan, Binibini!"

Hiyang-hiya ako na lumabas sa banyo.

"A-Anong nakakatawa, Heneral?"

"Tunay na nakakaaliw kapag ika'y nababalutan ng kaba sa mga sitwasyon na gaya na lamang nito."

Naaaliw siya 'pag kinakabahan ako? SADISTA LANG?

Nilapitan niya ako sa bungad ng banyo at biglang binuhat.

"Huy! bakit?" 

Inilagay niya ako sa kama at kinumutan.

"Sapagkat nararapat nang matulog ang musmos. Ipikit mo na ang iyong mga mata."

Napasimangot ako sa aking narinig.

"Sinong musmos? Hindi na ako bata!"

"Nawa'y dalawin ka na ng antok at huwag ng dumihan ang iyong dalisay na isipan."

Nginitian ako ng Heneral. Tinignan ko siya na naglakad palayo at ipinikit na ang aking mga mata. Binuga ko sa aking isip ang imahe ni Goyong na nakikipagtalik at sinubukang matulog. Kasalanan ito ni Dolores!

---

"Girl, ganito kasi 'yan. Gusto mo ng revenge 'di ba? Ang best revenge ay maging maganda." Binuhos ni Pau ang beer sa baso na nasa kanyang harap.

"Oo nga, Miho. Tama yang sabi ni Pau, kaming mga lalake, may times na 'di kami napapakali 'pag nakita namin yung Ex namin na biglang blooming after ng break-up!" Ang pag-sang-ayon naman ni Lawrence.

"Sus. Ok lang ako, kung ganyan lang ang revenge, wag na 'no! Baduy naman! May make-over pang nalalaman!" sabi ko bago damahin ang hagod sa lalamunan ng soju na iniinom ko.

"Baduy? Ouch, friend! Excuse me, papatunayan ko sa'yo na tama ako!" At nang narinig ko ang mga salitang iyon galing kay Pau, kinabahan ako. Bilang isang fashion critique na hindi nagpapatalo, parang may idea na ako kung ano ang ibig niyang sabihin.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now