XV

2.3K 119 58
                                    

"Hindi ko masigurado kung ang pagpasok ko sa relasyon na ito ay ang pagtatapos ng pakikipagugnayang-pahapyaw o katuloy lamang nito."

Isang malamig na gabi habang kami ay naglalakad pauwi, iyan ang sinabi sa'kin ni Goyong matapos niyang aminin na sila na raw ni Dolly.

Totoo naman na ang heneral ang nauna talagang magpakita ng interes sa kanya simula ng makita niya siya sa shop pero ang tunay daw na nagmadali at nangulit ay si Dolores.

Nabigla ba ako? Medyo lang.

Sa panahon ngayon may mga babaeng hindi na paliguy-ligoy pa at malamang ay nagpasya na lang siya na 'wag nang patagalin pa dahil hindi naman siya konserbatibo kumpara kay Heneral.

Si Goyong naman, mukha naman siyang masaya pero sabi niya nabigla raw siya nang yayain siya ni Dolly para maging official ang kanilang relasyon. Kahit na may pagdududa, hindi na rin siya maka-hindi kahit wala raw kasiguraduhan ang mga sinabi ni Dolly.

"Masaya 'ko para sa'yo. Sana maging masaya ka sa kanya." Sa likod ng aking ngiti, hindi ko alam kung gaano ka-sincere ang sinabi ko. Totoo namang dinadasal ko lagi ang kaligayahan niya, pero parang sa kanyang pagdududa kay Dolly, ako na rin ay nagdududa kung talagang magiging masaya siya sa kanya.

"Salamat, Binibini. Nawa'y mahanap ko na rin ang kasagutan ko sa lahat ng hindi ko mawari sa kasalukuyan," aniya habang may maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

---

Isang araw ay nagyaya sa akin si Pau para samahan silang mag-Tagaytay ni Dolly. Binanggit na rin ito ng Heneral sa akin pero 'di ko lang pinansin kasi ang iniisip ko ay hindi naman ako kasama. Kung ang kasama ko ay si Pau at Goyong lang baka kaagad ako na pumayag, kaso aaminin ko na hindi talaga ako masyadong palagay na kasama si Dolly.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko-- insecurity ba ang tawag dito? O baka iba naman kasi hindi uso sa akin ang maging insecure kahit kelan.

"Hindi na rin lamang ako pupunta kung ika'y di pupunta," ang pagmamatigas na sabi ni Goyong.

"Ha? Gaya-gaya ka! 'Di pwede 'no, magtatampo sa'yo si Dolly!"

"Dali na, friend, ano ka ba! Minsan lang 'to! 'Di masaya 'pag wala ka!" ang hirit din ni Pau na 'di ko gets.

Bakit naman hindi masaya pag wala ako?

"Tama ang pahayag ng iyong kaibigan, Binibini," dagdag ni Goyong.

Tama raw? Para naman silang mga batang nag-aabang ng payaso.

Sa huli wala din ako nagawa kung hindi pumayag. Para lang din 'to yung "guilt-trip" ni Pau sa "soul-searching" niya sa Candon. Bakit ba lagi na lang akong nadadala sa peer pressure?

Badtrip.

---

Ang kotse ni Pau ang aming ginamit at siya rin ang masipag na nag-drive. Sa tabi niya na-upo si Lawrence at kaming tatlo ang nagsiksikan sa likod. Niyaya din ni Pau si Micha para sumama kaso may gagawin raw siya sa araw na iyon kaya ang crush niyang si Lawrence na lang ang dumagdag.

Sa magkabilang dulo kami ng upuan ni Goyong naka-pwesto at nakapagitna sa amin si Dolly kaya't kitang kita ng mga mata ko ang pagsandal niya na parang linta sa braso ng Heneral. Maya-maya ay nagpatugtog na lang si Pau para mawala ang pagkabagot namin sa mahabang byahe.

Nagpalitan din minsan ng kwento sila Pau at Lawrence at rinig ko din ang walang humpay na pagdaldal ni Dolly kay Goyong. Nanatili lang akong tahimik pero minsan nasasali ako sa usapan ng mga asa harapan.

Pagkatapos mag-duet si Pau at Lawrence sa magkakasunod na mga usong English songs, sumunod naman ang isang Tagalog na kanta sa listahan ng MP3 ni Pau.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now