XIV

2.5K 132 21
                                    

"Uy, kayo na munang bahala dyan ah. Alis na ako." Tinapik ko si Lawrence habang kausap si Goyong.

"Oo ba, Miho. Asahan mo ako lagi, 'wag si Greg!" sabay isang flying kiss mula sa kanya.

Humarang si Goyong at umarteng nahuli niya ang halik, kinrumple ito na parang papel at itinapon sa invisible na basurahan.

"Tangina, pare. Kala ko ididikit mo sa bibig mo!" Pinalo niya ang Heneral at natawa.

"Hindi pa ako nahihibang, Ginoo," ngising sagot ni Goyong.

Sanay na sanay na ako sa iba't ibang mga klase ng linya ni Lawrence. Napaka-childish din niya pero hindi ko din siya masisisi- mas bata siya ng limang taon sa'kin, pwede na rin siguro 'yun na excuse para sa kanyang asal. Minsan niloko niya na rin ako ng "Ms. Huang, sana ako na lang boyfriend mo! Ang swerte ko na siguro!". Dahil biruan lang, wala namang ibang nagsseryoso except kay Paulo na sinasabihan naman siya ng "Tigilan mo nga si Miho!".
Type kasi ng kaibigan ko si Lawrence-- matangkad, lean ang pangangatawan at gwapong chinito ang dating.

Nasanay na rin si Goyong sa mga birong pagpapa-cute niya dahil sa una palang ay nabanggit na ni Lawrence na ang type niyang mga babae ay yung mga long-haired sexy girls--at dahil dyan, hindi ako papasa sa taste niya. Nagkakasundo naman silang dalawa at minsan feeling ko nag-b-boy talk sila.

May pagka-playboy itong si Lawrence at 'di ko naiwasang balaan siya dati na 'wag idamay ang Heneral sa mga kalokohan niya. Parang delikado yung kombinasyon ng playboy ng kasalukuyan at playboy ng nakaraan, pero besides duon-- mukhang harmonious ang kanilang relationship sa loob at labas ng trabaho at masasabing maganda ang tandem nila.

"Goyong, kita na lang tayo uli mamaya."

"Mag-iingat ka, Binibini," sabi nito bago ngumiti.

'Pag nakikita kong ngumiti ng ganun si Goyong, hindi ko rin maiwasan mapangiti.

"Sila mag-ingat sakin. Bye!"

At tuluyan na akong lumabas ng coffee shop at dumiretso na sa dapat kong puntahan.

---

Tuwing hapon ng ganitong araw, busy ako mag-aral sa school. Hindi naman problema pagsabayin ang aral at trabaho dahil paiba-iba naman ang shifting sa coffee shop ni Pau.

After class, kailangan ko pang gumawa ng group homeworks kasama ng iba kong mga kaklase--minalas nga lang din talaga ako na sa dami-dami, ang isa pa sa mga kasama ko ay ang ex-boyfriend ko. Kahit na ganun, hindi ko parin hinahayaan na mag-interfere ang past sa kailangan naming tapusing mga skit at kung anu-ano pang dapat na ipasa sa teacher para pumasa.

Nang pauwi na, sinabayan akong maglakad ni Francis.

"Miho, if you can't accept me again as your boyfriend, pwede ba tayo maging friends na lang as for now? I'll wait for you. Liligawan kita uli."

"Bakit naman kasi dapat ibalik ang dati? Eh tapos na 'yon."

Tumigil siya sa harapan ko.

"Kasi I realized, ikaw lang talaga ang gusto ko. Hindi talaga si Irish," seryosong sagot niya.

"Wow, sorry. Late mo ng na-realize. Paano naman ako maniniwala? Diba nga iniwan mo 'ko sa ere?"

"I will prove it, kung ayaw mong maniwala."

Gusto ko ng itaas ang puting bandera at sumuko. Habang nagmamatigas ako lalo siyang mangungulit din. Sabi nga ni Goyong: "Habang nagmamatigas ang kalaban, lalo lamang nag-aalab ang damdamin ng mga Pilipino upang makamtan ang minimithing kalayaan. Kahit subukang pigilin, gagawa at gagawa sila ng paraan kahit pa hanggang sa kanilang kamatayan."

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now