Prologue

6.9K 212 38
                                    

I lost my memories...

I don't know who I am....

I'm lost....

But when I reached the virtual world.....

I discover my memories that was stored from that place.

*_______

Isang batang babae ang naglalakad sa dalampasigan. Nakasuot siya ng puting bestida at itim na knee socks. May kulay itim na buhok na hanggang balikat lang ang taas. May sugat siya sa ulo at iniinda niya ang hapdi at sakit nito. Umiiyak siya at ang mga luha niya'y dumaloy mula sa kaniyang mga matang may kulay itim na singkulay ng langit sa gabi, papunta sa kaniyang mala-kulay rosas na pisngi.

Nag-iisa. Punung-puno ng kalungkutan ang kaniyang puso. At higit sa lahat, ang sakit. Sakit ng pagiging mapag-isa. Wala man lang tumulong at humanap sa kawawang bata. Pakiramdam niya wala siyang kaalam-alam kung bakit siya napunta sa lugar na iyon at kung bakit siya nabuhay na walang kamuwang-muwang sa mundong ito. Panay ang pagsigaw ng bata para hanapin ang mga taong tutulong sa kaniya. Hanggang sa pahina na nang pahina ang kaniyang boses.

"Tulong..." Sabi ng batang babae na unti-unti nang nawawalan ng lakas sa kasisigaw.

Habang naglalakad, her vision suddenly blurs. Nakaramdam siya ng paghihilo at hindi na lang niya namalayan na bumagsak na pala siya sa buhangin.

Her footprints in the sand suddenly vanished by the waves of the sea that was carried to the shore.

Pero...

Hindi lang pala mga bakas ng kaniyang paa ang nawala sa dalampasigan. Pati na rin ang mahalagang bagay na matagal na niyang itinago sa buong buhay niya.

Mga alaalang bigla na lang naglaho na parang bula. Ang kaniyang pinanggalingan at pagkatao niya'y bigla na lang tinangay ng malupit na trahedya na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy.

Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, napasama rin pala ang kaniyang matinding pakikipagsapalaran sa isang mundo na kung saan siya ay tinawag din na isa sa pinakamagaling na sword player. Isang mandirigmang gumagamit ng dalawang espada at pambihirang sword skill na kailanma'y hindi pa nagagawa ng ibang sword players. Isa sa mga itinawag na maalamat at pinakabatang sword player ng VR. Siya ay pinaghihinalaan ding susunod sa yapak ng isa sa mga legendary VRMMORPG hero.

Ngunit, lahat ng iyon ay bigla na lang naglaho. At unti-unting dumarami ang misteryo tungkol sa kaniyang pagkatao sa kaniyang nakaraan.

Paano niya maibabalik ang kaniyang mga alaala kung sa mundo ng VR niya ito makukuha? Paano niya matutuklasan ang mga sagot sa likod ng kaniyang sitwasyon? Mahahanap rin ba kaya niya ang kaniyang mga alaala sa tunay na mundo?

And...

Will she able to regain all of her memories? Kahit ibuwis pa niya ang kaniyang buong lakas para sa kaniyang mga alaala?

So then...

This is where her mysterious story began.


*________________

Author's Note:

Hi minna-san. May ginawa lang po akong konting corrections and revisions sa mga chapter. But still the flow of the story is the same at hindi po ito nakakaapekto sa takbo ng kwento. Happy reading and stay tuning in.😊

-MysticBlackAsuna💙

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now