Chapter 6:I Believe I Can Fly

2.3K 87 48
                                    

Author's Note

Hi minna-san! May ginawa lang po akong konting corrections and revisions sa mga chapters but still the flow of the story is the same at hindi po ito nakakaapekto sa takbo ng kwento. Happy reading and stay tuning in guys.

Pwede ba kayong mag-suggest any anime songs for the story? Aabangan ko ang mga comments niyo.😊

-MysticBlackAsuna 💙

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Kazuki---

7 minutes after the launch of my devastating flying skills...

Whaaaaaaaaa!!! Tasukete!!!

Hindi ako marunong lumipaaaaaaddddd!!! Tulong naman dyan oh!

Baka! Ayoko na! Gusto ko nang lumapag sa lupa! Nahihilo na ako sa kada ikot ko sa ere! Urong-sulong lang ang peg! Ayoko na!

"Whaaaaa! Riku! Tulungan mo ako ditoooo!! Pakiramdam ko mahihilo na ako sa kalokohang ito!" Sigaw ko habang nasa estado pa rin ako ng kalokohang ito. Tulong!

Riku began to gasp at agad na lumipad papunta sa aking direksyon.

"Naku! Parating na ako dyan ate Kira!" Sigaw ni Riku.

Naku naman oh! Ano na ang gagawin ko! Paano ako makakababa? Paano ako makakalipad nang maayos?

Oo na. Suko na ako. Hindi na ako naniniwala sa linyang "I Believe I Can Fly". Eh para akong naglolokong jet plane na umiikot kahit saan dito. Mas maniniwala na lang ako sa katagang " Crash landing".

Whaaa! Somebody help mee!!! Tasuketeee Riku!!!

Habang nagpapanic ako dito, bigla na lang may sinabi si Riku.

"Bumalanse ka sa paglipad mo ate Kira!"

"Ano?! Hindi kita masyadong marinig!" Sabi ko habang nagpapanic.

"Basta bumalanse ka sa ere! Bumwelo ka! Isipin mo na lang na isa kang ibon. Nagawa mo nga ito dati sa ALO eh." Sigaw ni Riku.

"Pero iba na'to Riku." Sabi ko sa kaniya.

Oo nga naman. Wala nga akong alam sa sinasabi niyang ALO eh!

"Basta magtiwala ka lang ate Kira." Sabi ni Riku. He still encouraging me to learn how to fly correctly. Sana. Sana magawa ko na iyon.

Trust yourself that you can do the impossible things. Kaya ko'to. Makakalipad ako nang maayos. Magiging professional ako sa paglipad. Gaya ng kung ano man ang sinabi ni Riku sa'kin tungkol sa ALO na iyon.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ko ang paligid. Napakabilis ng paglipad ko. Parang nalagpasan ko ang bilis ng isang agila.

"Ate Kira dahan-dahan lang! Baka mababangga mo na ako!" Sigaw ni Riku. Kung ganon, wag mong sabihin na...

Papunta ako sa direksyon ni Riku! Kailangan kong bumwelo! Ayokong bumangga sa isang inosenteng pixie!

Nang maramdaman kong babanggain ko na si Riku, sumagap sa isipan ko na kailangan kong bumwelo. At naramdaman ko na lang na ang message na galing sa utak ko na tila parang isang signal ay nag-send sa mga pakpak ko na nag-uutos na gawin ang nasa isipan ko.

Hanggang sa naramdamam ko na lang na tila tumigil ang paglipad ko.

"Ate Kira. Nagawa mo na!" Sigaw ng masayang Riku.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now