Chapter 52: Keeping the Secrets

215 8 0
                                    


===Jiroshin===

"Dahil gusto ko siyang protektahan!"

Mga salitang biglang naging palaisipan sa aking utak nang marinig ko ito sa kanyang bibig. Hindi ko maisip kung bakit niya ginagawa ito sa sarili niyang kapatid. Nalaman ko ang katotohanang si Hiroto ay kilala rin sa pangalang Hirou ng Virtual World na mismong tunay na kapatid ni Kazuki Kirugawa.

Ako, si Jiroshin Nazura, ay nalilito na sa sitwasyong ito na kung saan nalaman ko ang isang katotohanang hindi ko inaasahan.

Sa ngayon, kinukwelyuhan ko pa rin si Hiroto nang marinig ko ang bagay na iyon. Pero yung sinasabi niyang protektahan, ano namang koneksyon n'on sa mga narinig ko?

"Teka ano? Protektahan? Kanino naman?", tanong ko.

"Bago ko sasabihin sayo, pwede mo ba akong bitawan? Hindi na kasi ako medyo makahinga," sabi niya.

Agad ko namang sinunod ang ginawa niya. Inayos niya muna ang kanyang uniporme at nagsalita.

"Gusto mong malaman ang totoo kung bakit?", tanong niya sa' kin.

Tumango naman ako ng dalawang beses at sumagot sa kanyang katanungan.

"Oo. Ano bang dahilan?", tanong ko sa kanya.

Magsasalita na sana siya nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Sino naman ang tumawag sa mga oras na ito? Hay baka si Anami na naman.

Kinuha ko ang cellphone at nakita ko mismo sa screen na tumatawag na si Kazuki-chan. Naku! Nakalimutan ko palang naghihintay na siya sa school garden. Hay! Patay ako neto. Kaya naman sinagot ko na tawag.

"Kazuki-chan?", sabi ko.

"Jiroshin-kun nasaan ka na? Di 'ba sabi ko huwag mong paghihintayin ang pagkain?", sabi niya sa telepono.

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Napahaba tuloy ang usapan nang dahil sa pangyayaring ito. Damn curiousity.

"Papunta pa lang ako dyan Kazuki-chan. Malapit na ako," sabi ko.

"Basta magmadali ka na! Baka babawasan ko na ang pagkain mo."

"Grabe ka naman. O sige parating na ako," sagot ko sa kanya.

"Ok Jiroshin-kun," sabi niya sabay patay ng tawag.

Bad timing isn't it?

Binalik ko agad ang aking atensyon kay Hiroto at seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya. Kung pwede lang na ngayon ko malaman ang buong detalye. Pero sayang nasa maling timing ako.

"Mamaya na lang tayo mag-usap tungkol dyan baka magalit pa sa' kin si Kazuki-chan," sabi ko sa kanya.

Sumang-ayon naman siya.

"O sige. Pag-uusapan na lang natin 'yan kapag nasa FGO tayo. At siguraduhin mong hindi nakasunod si Ate Kazuki sayo," sabi niya.

"O sige."

Nagmadali akong bumalik sa school garden na kung saan nakaupo si Kazuki-chan sa lilim ng puno. Nakita ko sa kanyang mukha na medyo naiinis at naka-cross arms pa siya.

"Ang tagal mo namang makabalik," sabi niya.

Umupo agad ako sa kanyang tabi sabay kuha ko sa aking pananghalian na hawak niya. Hay! Napaghintay ko siya tuloy nang dahil sa nadiskubre ko kanina. Sa totoo lang, mahirap magtago ng isang sekretong nalaman mo mula sa taong mahalaga sayo.

"Pasensya na Kazuki-chan ang dami kasing pumipila roon kaya natagalan ako," sabi ko.

It's my first time to make this kind of freaking alibi.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now