Chapter 39: The Weird Dream On The Sketch

359 12 0
                                    


---Kazuki---

[A.N: Yung naka-italic form na description ng POV sa ibaba ay nagrerepresent na nasa panaginip siya.]

Naglalakad lang ako sa paligid ng isang hardin. Hinahanap ko sila Riku. Hindi pa dumating sila Shiro-kun. Hay. Nasaan na kayo? Naghihintay na ako dito! Akala ko ba sabay tayong pumunta sa front line.

Habang naglalakad, bigla na lang akong may narinig na isang... Isang magandang himig. Teka. Pamilyar yung tunog na narinig ko. Isang kanta yun na pinatugtog sa isang plauta.

Sinundan ko kaagad ang tunog na iyon. Hanggang sa may nakita akong isang batang babae. Nakaupo siya sa may malaking bahagi ng sanga ng puno. Payapa lang siya habang tumutugtog.

Hanggang sa...

" Gusto mo ba akong samahan sa pagtugtog ng plauta?"

Nagulat na lang ako sa mga sinabi niya. Sandali. Kanina pa ba niya nalaman na nandito ako?

Napansin ko na lang din na may hawak akong plauta sa kanang kamay ko. Kulay asul ito at para siyang sapphire na talagang hinulma sa pagiging plauta. Pamilyar sa'kin ang plautang ito.

Oo nga pala.

"O sige ba. Sasamahan kita dyan."

Ngumiti ang bata. Isa nga pala siyang Spriggan.

Umupo ako sa tabi niya at sabay naming tinugtog ang kantang iyon. Hindi ko matandaan kung ano ang pangalan ng kantang iyon. Paano ko iyon nagawang tugtugin eh wala naman talaga akong naaalala?

Habang tumugtog ako ng plauta, bigla na lang akong napaluha.

At agad naman itong napansin ng batang katabi ko na nakasuot ng hood. Black hood.

"Ayos ka lang ba?", tanong niya.

" Oo naman ayos lang ako. Sadyang bigla lang tumulo ang luha ko bang basta-basta."

Pinunas ko kaagad ang mga luha ko. Parang hinipan ko yata ng sobra kaya tumulo ang luha ko.

"Alam mo ba, ang himig na iyon sa plauta, tinuro yun ni papa bago tayo nawala sa mundong ito. Pinangalanan pa niya yun ng Song Of Swordland. Hindi lang yan, pati na rin yung lullaby na kinakanta ni mama. At ang hawak mong plauta, isa yan sa mga memory fragments."

Ang plautang ito? Kasama sa mga memory fragments? At anong kanta na tinuro ni papa? Anong lullaby na sinasabi niya?

At...

Anong sinasabi niyang "bago tayo nawala"? Sino ba siya? Anong Song of Swordland na sinasabi niya?

" Sandali lang. Sino ka ba? Paano mo nasabing isa ito sa mga memory fragments?

Agad niyang tinanggal ang kaniyang hood. Nagulat na lang ako sa nakita ko.

Ang mukha ng bata...

Siya ba ay... Ako noong bata pa ako?

"Ako ay ikaw Kiruna. Ang batang Spriggan ng ALO. Masaya akong makita kita ulit."

Ngumiti siya sa'kin. At...

"Ikaw ay ako?"

"Tama ka."

Napatingin na lang ako bigla sa hawak kong plauta. At bigla na lang itong nagliwanag.

"Kailangan mong hanapin ang Sapphirine Flute sa madaling panahon. Bago pa man ito makuha ni Illiad."

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon