Chapter 60.3: Unleash Memoria Recollection!

80 5 0
                                    


Author's Note:

"Maghihintay ako sa pagbabalik mo Kiruna, aking Lost Swordsgirl... Aking anak..." ~Unknown

Guess who?

~SymphoZenie

=======================

===Kazuki===

Kaasar!

Tumilapon ako sa isang haligi ng throne hall nang ginamitan ako ni Illiad ng kanyang Dragon Head Burst at talagang sumakit ang likod ko nang dumikit pa ako sa matigas na parte ng haligi. Agad naman akong tumayo at gumamit ng healing art para bumailk sa dati ang level ng aking HP at MP. Muntikan na rin kasing mapunta sa kulay kahel ang aking health parameter kaya minabuti ko nang gamitin ito.

Agad akong bumangon at saka kinuha ang nahulog na espada sa sahig. I work on my stance position and pause for a moment. My heart is beating so fast as I'm chasing my breath but I didn't show her that I'm starting to get tired. Hindi ko akalaing may ibubuga talaga ang babaeng ito pero dumedepende pa rin siya sa kanyang hawak na systems ID.

Tumawa pa siya nang malakas na parang dinaig na ang isang bruha sa mga kuwentong pambata. Pinagpag niya rin ang kanyang kaliwang balikat na kung saan ko rin siya nataman gamit ang isang water ability. At bago pa man magsimula ang laban ay minabuti ko na ring gamitin lang ang isang espada dahil gusto ko ng patas na laban. Saka ko na lang gamitin ang Light Crystallix kapag dumating na sa sukdulan ang lahat.

"Mukhang muntik ka nang kalawangin sa pakikipaglaban Kiruna, pero nagawa mo pa rin akong sugatan sa kaliwang balikat nang ganoon lang. I'm impressed and surprised but not quite. Dahil sa ngayon ay hindi mo pa rin maalala kung anong klaseng sword skill ang ginamit mo para matalo mo ako dati sa ALO 7 taong nakakaraan. Isa na rin 'yong magandang pagkakataong may amnesia ka at nagpapasalamat talaga ako dahil napasama ka sa trahedyang iyon," naiinis niyang saad.

Sinusubukan ba niyag kontrolin ang isipan ko at galitin sa sitwasyong 'to? Kahit kailan talaga nakakainis pa rin ang entradang ito. May amnesia man ako o wala, sa tuwing makikita ko ang pagmumukha niya ay talagang mabubwisit na ako. Marami siyang paandar na talumpati.

"Whether I'm having an amnesia or not, your face is still irritable to my eyes. Ewan ko lang sayo dahil sa ginamit mong dahilan ay parang pambatang away lang ito pero mas pinalaki mo pa. Ano bang dahilan para gawin mo sa akin ang lahat ng ito at sa mga kaibigan ko Illiad?"

"Gusto mong malaman?"

Walang anu-ano'y bigla na lang sumugod si illiad at muli ay nagkapalitan na naman kami ng atake. Our swords crosses wherever steps we may take as we exchange attacks. Mas binilisan ko pa ang pagsangga ng aking espada sa kanya at ganoon din siya.

"Sabihin na lang nating nasa iyo na ang lahat ng kalidad para sa isang perpektong babae: Mabait, matalino, matapang, minamahal ng lahat, hinahangaan, magaling, at higit sa lahat, ikaw lang lagi ang nananalo!" mariing saad ni Illiad at nasusuklam pa.

Kumalas agad kami sa pagkakadikit at lumayo saglit sa distansyang tatlong metro.

"Iyon lang? Parang dinaig mo pa talaga ang isang batang inaway sa reaksyon mo," sarkastiko kong saad.

"Para sayo mababaw lang, pero sa akin hindi! Ikaw ang umagaw ng lahat ng iyon sa 'kin at dapat sa akin ang karangalang iyon at hindi sayo! Ikaw? Ikaw na pinakamagaling na sword player? Hindi ako papayag!"

Her anger rises in a vengeful rage as I can see through her eyes. She enhance the power of her sword immediately glowing in yellow light and swings it horizontally as she casted one of her ability.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now