Author's Note

57 5 0
                                    

What's up minna-san! Kumusta naman kayo? Today is really a tough time to all of us lalong-lalo na't may kinakaharap tayong pandemya. Keep praying lang talaga guys at darating ang panahong matatapos din ito.


At pagdating naman sa last chapter, ihahati ko ito sa dalawang bahagi since mataas ang kabanatang ito. Chapter 60.1 is entitled Prison Break at Obsidian Castle and 60.2 (Final) will be Unleashe Memoria Recollection. Alam kong inaabangan niyo na kung anong susunod na mangyayari sa paglalakbay ni Kazuki at ng barkada. Kaya heto ang ipapatikim ko sa inyong sneak peak sa susunod na kabanata.


"Anak ng... Ano namang nakain mo Shiro at ito pa ang naisip mo?!" nagtataka at naiinis kong tanong sa aming magaling na Vice Commander na si Asul na Sisiw Shiro. Ewan ko lang kung ano ang nakain niya at bigla na lang niya kaming pinosasan ng baging sa kamay ni Aira. Mukhang hindi maganda ang kutob ko sa susunod na mangyayari.


"Marunong naman siguro kayong umarte na parang mga presong naliligaw sa kanilang mga selda 'di ba?" mapang-asar na tanong ni Shiro. "Huwag din kayong mag-aalala dahil hindi naman mahigpit ang pagkakaposas ko sa inyo at gawa lang 'yan sa karaniwang baging kaya madali niyo 'yang maputol at hugutin ang mga espada niyo."


"Nang-aasar ka ba sa 'kin Shiro?! Baka ikaw pa ang igapos ko kapag natapos ang misyong 'to eh."


"Pumili ka: Gagawin kitang pain sa dark satyr at harpy nang mag-isa o aagawan mo ng atensyon ang mga mababang uri ng halimaw sa ibaba at tambangan sila kasama si Aira?"


Talagang isang kabaliwan ang naisip ng lalakeng 'to. Sino ba naman ang nag-iisip na gawing pain ang isang gwapong gaya ko sa mga halimaw at kasama ang isang babaeng mahilig sa pink at medyo childish ang hairstyle? Kung pwede lang sana si Kiruna na lang ang kasama ko. Ay! Mali pala, nakakulong pala siya ngayon at kailangan namin siyang iligtas.


"Shiro nama---"


Natigilan ako sa aking pagsasalita nang bigla akong siniko nang malakas ni Aira sa gilid at talagang masakit 'yon kung sa tunay na mundo pa niya gagawin 'yon. Pambihira naman oh!


"Huwag ka na ngang maarte d'yan Gray! Kahit pa iligtas mo si Kiruna nang mag-isa wala ka pa ring pag-asa sa kanya noh! Kaya sundin mo na an gang inutos sa atin ni Shiro para mas mapadali ang pagpasok natin sa piitan ni Kiruna," nanggigigil na saad ni Aira na mariin.


Bakit ba ang sakit magsalita ni Aira sa 'kin? Pinapatama na naman niya siguro ako at pinupuntong si Shiro na ang nakakuha sa puso niya. Hindi porke't natalo ako dati sa dwelo namin sa Fairies' Arena noon ibig sabihin ay sumusuko na ako. Palibhasa lagi niyang sinasabi na Sword Partner niya si Kiruna. Nakakaasar din talaga kapag ang Vice Commander ng grupong ito ay mismong karibal mo.


Narinig ko pang tumawa sina Brock, Hirou at Sky dahil sa mga sinabi ng babaeng ito. Humahighik naman nang mahina ang magpinsang pusa na sila Krystal at Violet at ganoon na rin ang mga kasama naming pixies at si Raven. Hinihintay ko rin ang pagtawa ni Shiro pero nginingitian lang ako na parang nang-aasar pa. Grabe naman ang mga 'to sa kawawang nilalang na gaya ko. Kung ako ang makakaligtas kay Kiruna talagang iiyak si Shiro na parang munting sisiw.



Heto lang muna at abangan ang huling kabanata at epilogo ng kwentong ito. Happy reading and keep praying everyone! God bless! :)


~SymphoZenie


The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now