Chapter 12:The Mysterious Guy

1.5K 51 43
                                    

Author's note:

Sinong otaku dito? Kaway-kaway naman dyan. 👋

Hi minna-san! May ginawa lang po akong konting corrections and revisions but the flow of the story is still the same at hindi po ito nakakaapekto sa takbo ng kwento. Stay tuning in guys.❤


=CTTO  of the Photo Used=

-MysticBlackAsuna💙

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~There's no differences between a real and a virtual world. It's pointless to ask anyone who they really are. All you have to do is to accept and believe in them. Because whoever they are in your mind is their true identity. ~ Kirigaya Kazuto "Kirito" (Sword Art Online)

---Kazuki---

Whaaaaaa!!!! Tulong!!! May mga taong bayan ang humahabol sa'kin! Ay mali. Apat lang pala sila. Eh kahit ganon hindi ko sila malalabanan dahil mag-isa lang ako! Ano na ang gagawin ko ngayon? Grabe na talaga ito! Parang napapagod na ako sa katatakbo. Ilang kanto na ang tinatakbuhan ko para matakasan sila! At mabuti na lang mabilis akong tumakbo. Ano ba kasi ang atraso ko sa kanila?

Ilang kanto na ang natakbuhan ko para matakasan sila pero nandyan pa rin sila sa likod ko nakasunod. Baka! Ano ba talaga ang ginawa ko sa inyo ha?! Paki-explain niyo nga sa'kin?!

3 minutes na ang lumipas nang tinakbuhan ko sila. At ngayon bumalik na naman kami sa bookstore. Baka! Hindi ko ito namalayan! Napakamot na lang ako tuloy sa ulo nang dahil naiinis na talaga ako sa mga lokong iyon. Another batch na naman sa mga hindi nakainom ng maintenance nilang gamot. Kagaya noong may babaeng aso ang biglang humarang sa'kin sa hallway. Alam niyo na kung ano ang pinahihiwatig kong babaeng aso.

Dahil nga sa aking adrenaline rush, bigla kong naalala ang eskinitang nakita ko kanina lang. Pumunta agad ako doon na baka may labasan pa at matakasan ko na sila. Please! Sana makatakas na ako!

But, ika nga nila, nangyari na naman ang expectation versus reality scenario. Kung iniexpect mo na may labasan, ang totoo lang ay wala na. Isang malaking pader ang biglang tumambad sa harapan ko. Which means...

Patay! Isa na nga itong dead end! Wala na akong takas sa mga loko! Kainis naman oh! Bakit pa kasi ako pumasok sa madilim na eskinitang ito?! Baka(stupid)! I'm such a dumb! Kung ganito man lang ang sitwasyon ko, parang mapapalaban ako. Buti na lang dala ko ang aking kendo stick---

Kinakapa ko yung likod ko na baka dinala ko ang aking kendo stick. At sa kasamaang palad, naalala ko pala na wala pala akong dala na kendo stick! Damn! Iniwan ko nga pala iyon sa classroom! At ang tanging dala ko lang ay ang mga librong binili ko kanina sa bookstore. Baka(stupid)! Anong gagawin ko? Gagamiting panghampas ang mga libro sa mga mukha nila? Eh ano naman ang silbi ng fighting skills ko kung hindi ko iyon gagamitin?

Maliban lang pala sa kendo, marunong din ako sa contact fighting skills. In short marunong akong magjudo kahit isa akong kendo artist. Pero sa nakikita ko, may dala silang kutsilyo at mga bokken, isang wooden sword. Bakit pa kasi naiwan yung kendo stick ko sa classroom? Baka!

Sa ngayon, na-trap na ako sa eskinita at patuloy pa rin silang lumalapit. Kainis! Apat laban sa isang babae? That's unfair!

Ang mga lalaking humahabol sa akin ay tila isang grupo ng gang. In short, mga hindi nakainom ng maintenance na gamot gang. Ang leader nila ay may kulay blonde na buhok na pang- two by three haircut ang style. May kulay brown siyang mga mata at medyo may katabaan siya. O sabihin na lang nating, mataba talaga siya! At may benda pa siya sa kanang pisngi at bitbit niya ang isang bokken na sa tingin ko marupok na. Nakasuot siya ng uniporme ng Kudo University at yun nga lang nakasuot siya ng T-shirt na nagsisilbing undershirt niya. May kulay lila(violet) siyang panyo na nakatali sa kaniyang ulo na nagpapahiwatig sa kaniya na siya ang leader ng grupo. Eh para siyang nasa 60's na tao. In short ang baduy niyang tignan.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now