Chapter 58: Got yah!

116 3 0
                                    

Author's Note:

The epic battle is about to start. Who will overcome? And who will fall into devastation?

Makukuha na kaya ang Twin Promised Swords?

O ang Black Light Warrior mismo ang makukuha ng kadiliman?

===================================================================


===Kazuki===


Nagsisimula na nga ang laban. Mandirigma laban sa sariling bangunot. Sino bang mananaig sa muling pagkikita ng dalawa sa iisang lugar? Hindi ko rin inakalang sa isang iglap lang ay nagpakita na pala ang bangungot sa aking harapan. Ngunit, matagal na rin pala siyang nagbabalat-kayo bilang isang maamo at makulit na tupa at lumabas na rin ang kanyang tunay na anyo bilang isang halimaw. 


Kahit kailan talaga sa mundo ng virtual napakaraming sorpresang nakaabang sa amin bago pa man makuha ang mga alaala. 


Sumugod na nga kaming dalawa at kaagad na nagbanggaan ang mga talim ng aming mga espada at nagpalitan ng mga atake. Magkapantay lang din ang aming bilis sa bawat kilos na aming ginagawa. Tanging maririnig lamang sa lugar na ito ay mga ingay ng nagbabanggaang espada na nakikipag-unahang mahanap ang weakpoint. Napapaindak na rin ang aming mga paa habang nagpalitan kami ng kanya-kanyang sword skill.


We stop for a moment when our swords cross each other and have a little conversation.


"Hindi ko rin talaga akalaing magkikita pa tayo sa loob ng pitong taon Kiruna. Sa ngayon, pipilitin kong manalo sa labanang ito at ako na ang magiging pinakamalakas na swordplayer ng Virtual World." Pagmamalaki ni Illiad habang pinipilit niya akong itulak. Pero hindi na kayang tumbasan ang aking lakas.


"Says who Illiad? Hindi man kita naaalala pero sa mga salita mong 'yan, napakababaw naman ng dahilan para talunin mo ako. A childish ambition of a pathetic warrior who eagers to get my head as her trophy." Saad ko sa kanya habang humahanap ng paraan para kumalas ako sa kanya.


"Tignan lang natin munting paruparo," sabi naman niya ulit na may kasamang malahalimaw na ngiti.


Kumalas ang aming mga espada at bumalik sa pag-atake sa isa't isa. She closely swing her sword to my neck but luckily I dodge and cross my sword to hers again. Ngunit nang nakailag ako ay bigla niya akong sinipa kaya ako tumilapon ng sobrang lakas sa pader malapit sa kinatatayuan ni Shiro-kun. Aba't ginagalit talaga ako ng babaeng ito!


Konti lang naman ng lebel sa aking HP ang nabawas kaya hindi ko ito ipag-aalala. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung ano ba talaga ang nakain ng babaeng ito kung bakit pa ako ang pinupunterya niya. O kung anong dahilan kung bakit nagagalit siya sa akin. Pero para sa akin ay napakababaw naman talaga ng dahilan para makuha niya ang buhay at alaala ko sa mundong ito. 


Pathetic.


Pero minsan kung anong gawin ko para maitago ang takot na nararamdaman ko nang makita ko siya ay talagang lumalabas nang hindi ko namamalayan. 



"Kaasar! Talagang ginagalit mo talaga akong impakta ka!" bulalas ko habang tumatayo at inayos ang sarili ko.


Sinugod ko uli siya sa kanyang kinatatayuan at nagpalitan na naman kami ng mga kanya-kanyang mga atake. She never stop on swinging her Dark Lily Sword and pointing my weakpoint while I keep blocking her attacks using my both swords <<< Light Crystallix and Silverblack Mist Sword>>> and release my power attacks. But it missed. 


When I find myself that her weak point is open I immediately struck her chest, but then she block my attack and clash out swords again. Ngunit sa lakas ng kapangyarihan ay tumilapon kaming dalawa at nagkaroon ito ng napakalaking usok sa paligid ng aming kinatatayuan. Pati ang mga kasamahan ko'y nag-aalala na.


"Kiruna!"  Sigaw ni Shiro-kun.


"Tulungan natin si Kiruna! Baka kung ano na ang mangyari pa sa kanya at ayokong makuha siya ng traydor na ito!" nanggigigil na saad ni Violet at napahigpit sa paghawak ng kanyang palaso.


"Huwag Violet! Hayaan natin siyang lumaban. Ayaw ni Kiruna na madamay pa ang sino man sa atin dito ngayon. Pinili niyang harapin ang traydor niya nang mag-isa. Saka na natin siya tulungan kapag nagbigay na siya ng hudyat," pagpigil naman ni Brock sa kanya.

Mabuti naman at naiintindihan niya ang desisyon ko. Para na rin ito sa kapakanan niyo at ayaw kong madamay pa kayo sa kalokohan ng Illiad na ito. 

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now