Chapter 51: Jiroshin's Discovery

181 7 0
                                    

===Jiroshin===

Naglalakad lang ako sa isang hardin na kung saan maraming mga rosas na nakatanim sa paligid. Maaliwalas ang araw iyon at mag-isa lang ako. At randam ko pa ang preskong hangin na umiihip at tumama sa aking balat. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng white gown na nakatalikod. May kulay black siyang buhok na naka-doorknob style at matangkad. Mukhang alam ko kung sino 'to.

"Shiro-kun, buti na lang at dumating ka na," sabi niya.

Laking gulat ko nang humarap na siya. Yung attire niya talaga parang kakaiba. At isa pa kahit sa ibang angulo ko siya tignan ang ganda pa rin niya. Sandali lang, saang kasal naman siya pupunta?

Lumapit siya akin na may kasamang ngiti. Hindi ko alam kung anong kaweirduhan na naman ang masasaksihan ko sa kanya sa araw na ito.

"Anong meron kaya ka nakasuot ng gown?", tanong ko sa kanya.

"Basta. Sumama ka muna sa 'kin sa loob ng gusaling iyon," nagagalak niyang sabi.

Sumunod naman ako sa sinabi niya. Pinuntahan namin ang sinasabi niyang gusali na may distansyang 70 meters. Medyo malayo lang pala mula sa kinatatayuan namin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa gusaling itinuro niya. Ang itsura ng gusali ay talagang napakalaki at ang disenyo sa harap ay may mga fiber glasses sa magkabilang bahagi. At may malaking pinto pa ito sa harapan. Mukha itong simbahan ayon sa mga nababasa ko.

Pero teka, ano naman ang gagawin namin sa lugar na ito? Nakakapagtataka naman.

"Tara pumasok na tayo sa loob," sabi niya.

Kahit medyo naweweirduhan ay pumayag ako sa sinabi niya. Pumasok kami sa sinasabing gusali at bigla akong nagulat sa mga disenyo sa loob. Mga fiber glass sa may kisame na may mga nakaukit na mga pangyayari at altar at krus sa harap . May mga upuan rin sa magkabilang bahagi na parang dasalan. At sa mga kagaya nitong lugar ay ayon sa pagkakaalala ko ay sa simbahan ko lang makikita. T-Teka sandali lang, hindi kaya simbahan ang pinasok namin?!

Hindi na rin ako nag-atubili pang magtanong kay Kiruna-chan kung bakit kami nandito sa simbahan.

"Uh Kiruna-chan ano bang ginagawa natin dito?", tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa' kin na parang walang emosyon lang ang peg. At kinalauna'y ngumiti.

"Hindi mo ba alam kung bakit tayo nandito?", sabi niya.

Bigla na lang siyang may kinuha sa may gilid ng upuan. At isa itong boquet ng blue roses. Pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa altar at nakatayo lang na magkaharap. I'm still curious at this moment. Ano bang ginagawa namin dito?

"Teka nga Kiruna-chan, ano bang meron kaya ka nakasuot ng trahe de boda at may dala ka pang boquet na pangkasal?", tanong ko sa kanya.

Kiruna-chan began to sigh and look at me in a serious manner. Sa tuwing ginagawa niya ito parang makakaramdam na ako ng takot. Ayaw kong makita siyang nagagalit.

"Shiro-kun alam mo bang kasal natin ngayon?! Bakit nakalimutan mo na agad?!", sabi niya na may halong inis.

Teka sandali lang. Anong sinabi niya? Kasal? KASAL?! ANONG KALOKOHAN ITO?!

"Teka sandali lang Kiruna-chan. Tayong dalawa ikakasal?! Paano nangyari 'to?!", tanong ko sa kanya na may halong pagdududa. Grabe na 'to.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon