Chapter 4:Special Gift

2.6K 100 77
                                    

----Kazuki---

It's almost 2 weeks na ang lumipas nang magsimula ang first day of school. Hay. Ano nga pala ang petsa ngayon? Tumingin agad ako sa smartphone at sinuri kung anong petsa na.

June 16, 2042

Bigla kong naalala na birthday ko na pala. Ang bilis talaga ng panahon. Paggising mo lang dumating na agad ang special day mo.

Teka sandali. Ba't walang bumabati sa'kin? Kahit mga kaibigan ko hindi ako binati. Hoy! Nakalimutan niyo ata na birthday ko ngayon. Hay. Di ko tuloy namalayan na sobrang bilis pala ng oras. Sa isang iglap lang 16 ka na. At oo. I'm 16 na.

Maiba nga tayo sa usapan.

Last 2 weeks, yung panaginip ko sobrang weird na naman. Hay. Sino naman kaya yung nakita kong bata sa dalampasigan na nagpalit anyo mula sa isang kawawa hanggang sa naging mandirigma? At yung batang iyon, parang ako. Kamukha ko talaga eh. At isa pa sinuot pa niya ang paborito kong kulay. At may mga salita pa siyang binitawan na hindi ko naman naiintindihan. Hay! Pati ako nawewerduhan na rin sa sarili ko.

Ano nga ulit ang mga pinagsasabi nun? Espada, VRMMORPG, at swordsgirl.

Teka. Ano? Swordsgirl?

Seryoso? Nabanggit sa panaginip ko ang salitang swordsgirl? Eh diba dapat swordsman? Oo nga pala. Babae pala ako. Hahahaha. Ang weirdo talaga ng buhay kong may amnesia. Lagi na lang nananaginip ng mga weirdong bagay.

*_____

Sumapit na rin ang isa sa mga paborito kong subject. Maliban lang sa math, arts at science, may isa pa na mas epic. Ang recess.

Nasa school cafeteria ako sa mga oras na ito na kasama si Jiroshin at pinag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa VRMMORPG. It is almost 2 weeks na rin nang mapag-usapan namin ang tungkol dito. At isa pa lagi kasing nasa panaginip ko yan eh. At hanggang ngayon hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang panaginip ko.

At una nagtanong si Jiroshin tungkol dito.

"Naglalaro ka pala ng VRMMORPG?"

"Hindi pa. Diba curious nga ako sa VRMMORPG?" Pacold kong sabi. Hay. Mukhang si Jiroshin na naman yata ang nakalimot.

"Parang nakalimutan mo na yata na sinabi ko yan sayo last last week." Dugtong ko. Napatawa na lang si Jiroshin sa mga nasabi ko at napa-face palm pa sa mga sinabi niya.

"Oo nga pala. 2 weeks na tayong nag-uusap tungkol doon. " Sabi naman ni Jiroshin sabay tanggal ng kaniyang kamay sa mukha. Baka ikaw yata ang may amnesia sa sitwasyong ito eh.

At isa pa, pati ako napatawa na rin sa awkward moment niya. Ok balik na tayo sa usapan.

"Ok balik tayo sa pinag-uusapan natin. Ang VRMMORPG ay isang uri ng laro na kung saan nakaprogram ito sa mundong virtual reality. Kumbaga, sa isang game program na iyon ay makakapasok ka sa loob ng isang laro. At isa pa, kapag naka-log-in ka doon para ka talagang nasa kabilang mundo. Lahat ng nasa paligid mo ay parang totoo. Parang nakatakas ka sa realidad." Sabi ni Jiroshin. Hmmm... Virtual reality huh?

"Ganon ba? Sa pagkakaalala ko, ang ibig sabihin ng VRMMORPG ay Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game." Sabi ko naman sa kaniya. Medyo nacucurious pa rin ako sa mga sinasabi niya. Kahit 2 weeks na ang lumipas nang ikinuwento niya ito sa'kin. At isa pa 2 weeks ko na siya naging kaibigan.

"Tama ka doon Kazuki. Bale, galing sa salitang virtual reality, lahat ng makikita mo sa paligid ng laro ay parang totoo. Virtually. At isa pa, lahat ng bagay na nangyayari lang sa imahinasyon mo ay magkakatotoo sa mundong iyon." Dagdag pa niya.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now