Season 2 Sneak Peak

202 7 0
                                    


Here's a little sneak peak for the second season:



Little butterfly

With the silver white wings of might

How long will you find

The meadow where she waits for your light?


Little butterfly

Who wields the two swords of light,

How long will you unlock the secret

And unleash the memories from the depth?


Little butterfly

Both silver white and blue wings of might,

When will you cross your fates

if someone wants to destroy you because of too much hate?


========


"Nagawa na natin ang unang bahagi ng misyon Kazuki at iyon ay ang makuha ang mga alaalang taglay sa virtual world na nasa akin ngayon. Oras naman para sa mga alaala mo sa tunay na mundo ang hanapin natin."


Nagulat ako nang sabihin niya sa akin ang bagay na ito. Sa totoo lang napakahirap hanapin ng mga alaala sa tunay na mundo dahil nga napakaraming bagay na pasikot-sikot sa misyon. Kahit nga rin alamin pa kung saan nakatira ang tunay mong mga magulang at humarap sa kanila habang ipinakilala ang iyong sarili na ikaw ang nawawalang anak nila na may amnesia ay talagang napakahirap nang gawin at buwis-dignidad pa. There are so many culprits of the past here in the real world than in the virtual world.


"Ang sa akin?" pagtatakang tanong ko sa kanya.


Tumango sa akin si Kiruna at muling nagsalita, "Oo. Bago pa man mahuli ang lahat kailangan mong balikan ang isang bagay na pinagmulan ng pagkawala nito. Isa pa, maraming mga tao sa iyong paligid ang nakakaalam sa sikreto ng iyong nakaraan na hindi pa nila inilalahad sayo. It's either you'll cross your fates in every place and by circumstances or the memories will come after you."


"Anong ibig mong sabihin para rito Kiruna?" Naguguluhan ako at maraming agam-agam sa aking isipan. Napakalalaim pa naman ng mga sinabi niya at halos gumagamit na ng kasabihan.


"Ang sinasabi ko lang sayo Kazuki ay bago pa man mahuli ang lahat kailangan mong pagtagpi-tagpiin ang mga alaala sa tunay na mundo gaya ng ginawa mo sa Quest Memoria. Kahit man lang mga palatandaang gaya nito."


May inabot sa akin si Kiruna na isang maliit na jewelry box na may kulay navy blue na pabalat at korteng rosas sa ibabaw nito. Agad koi tong tinanggap at binuksan ang maliit na kahon at tumambad sa aking mga mata ang isang gintong kwintas na may pendant ng isang paruparong may pakpak ng kagaya ng anghel na kulay silver white at may espada pang nakalagay sa likod nito. May dyamante rin ito sa mga pakpak na ikinamangha at pinagtataka ko.


"Anong meron sa kwintas na ito?" tanong ko.


"Ang kwintas na 'yan ang tutulong sayo upang mahanap mo ang mga alaala at ang tunay mong pamilya sa mundong kinagagalawan mo. 'Yan din ang magsisilbing susi upang makilala mo kung sino ka talaga at ang hudyat sa pagbubukas ng pangalawang bahagi ng Quest Memoria," paliwanag niya sa akin.


"Pero paano ko gagawin ang bagay na ito? Hindi ko alam kung anong unang hakbang?"


Humakbang ng tatlong beses papalayo sa akin si Kiruna at nakaguhit pa rin sa kanyang mga labi ang isang napakagandang ngiti. Nararamdaman ko ring mas lumalakas pa ang hanging umiihip sa lugar na ito habang unti-unti nang lumulubog ang araw.


"Nasa mga kamay mo at ang kwintas na 'yan ang kasagutan Kazuki..."



========================================


Abangan ngayong September 21, 2020


~SymphoZenie

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon