Chapter 42: The Crystal Dragon's Den

243 9 0
                                    


---Izumi---

Dark Dungeon

"Hiyaa!!"

Sigaw ko habang nakikipaglaban sa mga halimaw sa dungeon. I jumped so high and slash my sword at the center of the monster's body. Hanggang sa naging basag na baso na lang sila at nagliparan na lang sa hangin.

Kasama ko sila Aira, Grey, Brock, ang magpinsang Krystal at Violet, at si Raven. Ilang minuto na kaming nakikipaglaban sa front lines na wala ang love birds. Ay este, ang magsword partners na sila Kiruna at Shiro.

Iba nga talaga pag wala yung dalawa. Wala kaming aasarin. Asarin kung ano ba ang meron sa dalawang ito.

Pakiramdam ko kasi may gusto sila sa isa't isa eh. Lalo na ang Shirong ito. Nahahalata ko sa kaniya na sa tuwing magkakasama sila, lagi na lang silang nakangiti. Hindi lang basta-bastang ngiti. Mga ngiti yun ng hidden feelings. Hahaha! Biro lang.

Nga pala balik tayo sa front line na kung saan kami sumasabak ngayon.

"Ang hirap naman nito! Napakarami nila!", sabi ni Grey habang iwinas-iwas niya ang kaniyang espada sa kaniyang kalaban. Ginamit niya ang kaniyang triple slash sword skill habang kinakalaban niya ang mga halimaw.

" Sinabi mo pa Grey! Kung nandito lang sana sila Kiruna at Shiro. Mapapadali na sana nating ubusin ang mga halimaw sa dungeong ito. At isa pa, isa sila sa mga malalakas na sword players o swordsmen ng VR. Yung sword skills at switch techniques na ginagawa nila, bihira lang yun sa mga players na naglalaro dito," wika ni Aira na busy rin sa pakikipaglaban. Gaya ni Grey, ginamit rin niya ang triple slash sword skill.

Isa sa mga halimaw ang papalapit sa paa ko pero agad ko itong sinipa nang malakas at ginamit ko ang x-slash.

Ilang minuto ang lumipas ay natalo na namin ang mga halimaw. Nag iba na talaga simula noong nagconvert sila ng account sa ALO. Mga dalawa o tatlong araw na yata ang lumipas. Pag nandito sila, halos 30 seconds lang tapos na kaming lumaban sa mga halimaw na iyon sa dungeon.

Nga pala... Kumusta na kaya sila sa ALO? Nahanap na kaya nila ang Sapphirine Flute?

Kiruna... Shiro... Kelan pa kaya kayo makakabalik sa FGO?

---Kazuki---

A-Anong nangyari?

Nagising na lang ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan ako napunta. Ang sakit ng ulo ko. Siguro sa himig na narinig ko kanina sa misteryosong nilalang. Huli kong nakita na tinangay niya si Shiro-kun.

Sandali? Nasaan si Shiro-kun? At ang iba pang mga kasamahan ko?

Napatingin ako sa paligid ko. Parang ganon pa rin ang lugar na pinuntahan namin. Nasa loob pa rin kami ng silid. Yun nga lang kulay asul pa rin ang mga kristal. At puro sapphire lang ang nakikita ko sa dingding. Di tulad kanina na maraming klaseng precious stones sa paligid ng dingding. Sa tingin ko nasa gitna na ako ng silid.

"Hirou! Ania! Kito! Shiro-kun! Nasaan na kayo?!"

Sigaw dito, sigaw doon. Pinipilit kong lakasan ang boses ko para marinig nila ang tawag ko.

Agad rin akong tumayo. Kailangan ko na silang mahanap kaagad.

Naglakad-lakad ako sa paligid ng silid. Pero kahit isang bakas ng mga kasama ko ay wala akong nakita o narinig.

Saan ba dinala ng misteryosong halimaw ang mga kasama ko? Lalo na si... Si Shiro-kun.

Pero... Kanina...

Yung nakasabit sa leeg ng halimaw... Baka yun na nga ang Sapphirine Flute. Pero bakit suot niya ito? Hay! Pahirap nang pahirap na ang kinakaharap kong front lines.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now