Chapter 50.3: The Legend's Lost Sword (Final)

150 3 0
                                    

Author's Note:

Ito na talaga. Ito na talaga ang last part ng The Legend's Lost Sword chapter. Mlalaman na kaya ang tunay na pangalan ni Hirou sa tunay na mundo? Magpapakita na rin ba kung sino ang player na nagpakita sa kanyang panaginip? Abangan sa huling parte ng kabanatang The Legend's Lost Sword.

~MysticBlackAsuna💙

=============================

Continuation....

===Kazuki===

Paano na Kiruna... Paano na 'to?

Kung nagawa ko sana ang healing art para sa kanila malamang makakalaban pa sila.

Ngunit ilang saglit lang ay bumalik ulit silang dalawa para labanan ang Harpy General. Habang ako naman ay gumagawa ng paraan para magkamalay na siya. Kakainis naman bakit ngayon pa?!

"Mama kailangan mo siyang halikan para magising na siya," biglaang sambit ni Lia.

Sandali... Ano?! Anong kalokohan na naman ba ang naisip ni Lia? Kahit kailan ay hindi ko gagawin iyon kahit sa ikabubuti pa niya.

Nanlaki bigla ang aking mga mata at napailing sa inis. Grabe ka naman Lia pinapahirpan mo ba akong ng ganito para lang magising siya. Pwede namang gamitan ng healing art para marestore ang HP at MP na. Bakit 'yon pa?

"Nagbibiro ka ba Lia?", tanong ko sa kanya. "Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon? At isa pa wala na bang ibang options?".

Lia began to move her head in sideways that tells me that there is no other options. The heck Lia. Kung 'yan man lang ang solusyon saan ko naman siya hahalikan aber?!

"Wala mama. Dapat niyo itong ibase sa kwento ng quest na ito. Ayon sa kwento, nang naghihingalo na ang nilalang na nagtataglay ng asul na apoy ay binigyan siya ng Lost Swordsgirl ng buhay sa pamamagitan ng isang halik. And since papa is the Blue Phoenix that uses the blue fire and you are the Black Light Warrior who was being called by Sapphirine and Moonlight as The Lost Swordsgirl, kailangan mong gawin ito upang makuha ang Legend's Lost Sword Light Crystallix," sabi niya.

"Wala na ba talaga? At saan ko naman siya hahalikan?", tanong ko sa kanya.

Lia formed a smirk on her lips.

"Sa parteng kung saan inagaw ni papa ang first kiss mo mama," nakangising sabi ni Lia.

Iba rin talaga ang iniisip ng batang ito.

Ano bang nilagay sa quest na ito kaya ako napupunta sa gulong ito? At isa pa di 'ba espada lang ang pinag-uusapan dito? Bakit ba napunta sa mga ganyang bagay? Kainis naman ang bagay na ito nakakastress na.

I take a deep sigh and face the smirking Lia. Buti na lang wala si Riku sa kabilang balikat ko. Baka kapag nandito siya sigurado akong sasapakin niya si Lia.

"Hay! Oo na gagawin ko na ang bagay na ito," sabi ko.

Ngumiti naman si Lia sa akin kahit nag-aalala siya sa papa niya. Hay naku. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na iyon kanina na naging resulta sa inis ko kay Shiro-kun. But I need to do this to save him and to get the Legend's Lost Sword Light Crystallix para mapaslang ko na ang Harpy General.

Baka. I need to do this.

Habang akay-akay ko si Shiro-kun, tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya. Parang natutulog lang siya pero sa totoo lang naghihingalo na siya. Kahit isa itong game, nanganganib pa rin kami.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now