---Jiroshin---
40 minutes earlier...
"Grabe naman 'to! Ilang minuto pa ba tayong maghahanap sa bagay na iyon?" Aira.
"Hanggang sa mahanap na natin ang bagay na iyon." Grey.
"Tinatanong ba kita Grey?!"
"Sinagot ko lang naman ang tanong mo Aira. Bakit? Gusto mo bang multo ang sasagot sa tanong mo?"
"Tumahimik ka na nga dyan kung ayaw mong gamitin ko ang espada ko sayo."
Hay. Sana hindi ko na lang sinama ang mga 'to. Ang iingay nila. Pero... Hindi niyo ba napapansin na si Kiruna-chan lang ang lumalaban sa mga halimaw na nasa daanan natin? Wala bang tutulong sa kaniya?
"Pwede bang tulungan niyo na muna ako dito kesa sa magtalo kayo dyan?"
Agad na rin akong nag-assist sa kaniya. Ewan ko lang sa iba dyan. Si Sky, ako at si Krystal lang ang tumulong kay Kiruna-chan.
Hanggang sa naubos na nga ang mga halimaw sa daan. Teka. Parang may napapansin ako kay Kiruna-chan...
"Ayos ka lang ba ate Kiruna?" Riku.
"Ayos lang ako Riku--"
Bigla na lang siyang natumba at agad ko naman siyang sinalo. Baka heto na naman ang sumpong ng amnesia niya. Kasama kaya sa sintomas ng pag-alala ulit ang biglaang pagsakit ng ulo sabay himatay? Parang iba na'to. Wala kasi akong alam sa mga amnesia na yan. Yung definition oo.
"Kiruna-chan! Ayos ka lang?"
"Ayos lang ako. Baka sa natumba ako dahil sa pagod o baka naman sa..."
"Kayo talaga. Kailangan namin ng assistance kanina tapos nagtatalo pa kayo dyan. Ayan tuloy ang nangyari Kay Kira--- Este Kiruna." Krystal.
YOU ARE READING
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Science FictionHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...