Chapter 49: The Meeting

166 5 0
                                    

---Kazuki---

Sa mga oras na ito ay nagtipon-tipon ulit kaming mga magkakaibigan sa Fairies' Café. Sinorpresa na rin namin sila kanina na nakarating na kami sa FGO. At sa ngayon ay pinag-uusapan namdin ang mga nangyari sa amin ni Shiro-kun sa ALO. Kasali na rin doon ang pagpapakita ni Hirou na mas kilala sa tawag na H sa kasagsagan ng laban.

"So Kiruna, habang nandoon kayo sa ALO, nahirapan ba kayo sa paghahanap ng mga memory fragments? Eh kasi nga diba 7 years kayong hindi nakapag-online doon.", tanong ni Sky habang isinubo ang cheesecake.

At sinagot ko ang katanungan ni Sky.

"Nung una medyo nahirapan kami dahil nga hindi na masyadong pamilyar ang lugar na iyon. Lalo na ako. Halos wala nang maalala sa lugar o game na iyon. Hanggang sa may tumulong sa amin.", sabi ko sa kaniya.

Pagkatapos naman ay sumunod si Aira sa pagtatanong kung sino yung tumulong sa amin. Huhulaan ko si H ang sagot niya.

"Talaga Kiruna? Baka si H yung tumulong sa inyo.", sabi niya.

"Sa totoo lang hindi. May isang player na nagngangalang Kito ang tumulong sa amin doon para mapuntahan namin ang kinaroroonan ng Moonlight Headband, ang isa sa memory fragment na nakuha namin.", sabi ko sa kaniya.

Agad namang nagulat si Krystal sa aking mga sinabi. Inakala niya kasing si H yung unang tumulong sa amin pero hindi pala. Sa sobrang gulat ay agad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan habang nagsasalita.

"Teka Kiruna, seryoso?! Kung yung Kito ang tumulong sa inyo eh paano na si H?!", sa ginagawa niya parang hindi na ako magsasalita ulit ah.

I took a sip first on my cup before I reply on what she's asking for. Para kasing napapaos na ako sa pagsasalita.

"Patapusin mo muna ako sa pagsasalita Krystal hindi mo pa nga alam ang buong kwento eh.", nakangiti kong sabi sa kaniya.

Pagkatapos ay humingi siya ng paumanhin at bumalik sa pagkakaupo. Tumawa ng konti si Violet sa nangyari sa kaniyang pinsan at tila may sinabi pa ito.

"Kawawa ka naman Krystal napahiya ka tuloy.", mapang-asar na sabi ni Violet sa kaniyang pinsan.

Umirap si Krystal at saka niya dinedma si Violet na parang walang nangyari. Kahit saan, kahit kelan, ang kanilang pagtatalo sa mga walang kwentang bagay ay walang katapusan. Ang sarap pag-untogin ng mga ito.

Pinagpatuloy ko pa rin ang aking pagpapaliwanag sa grupo tungkol sa mga pinagdaanan namin sa ALO. Oras na para ipakilala ko si Hirou na mas kilala sa tawag na H sa aking mga kasamahan.

"Tungkol naman kay H, dumating siya sa kasagsagan ng pakikipaglaban namin sa isang boss na nagbabantay sa Moonlight Headband. Iniligtas niya ako bago pa man ako mahati ng halimaw. Hindi talaga ako makapaniwalang nagpakita na siya.", sabi ko sa kanila.

Sa aking mga sinabi ay biglang nagulat ang aking mga kasamahan. Yun na kasi ang isa sa mga gusto nilang marinig kanina pa lang.

Agad namang nagsalita si Violet.

"Talaga Kiruna? Kung gan'on nakita mo na ang tunay niyang mukha sa Virtual World?", tanong ni Violet.

I nod my head twice at sinagot ang kaniyang katanungan. Mukhang oras na rin para ipakilala ko siya sa barkada.

"Oo. At isa pa nandito si H ngayon kasama natin siya.", sabi ko sa kaniya.

At sa mga sinabi ko mas lalo pa silang na-curious. Baka inaakala na naman nilang gumagawa na naman ako ng code ms o logics na nandito si H.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now