Chapter 43: The Mysterious Alias

245 10 0
                                    


---Kazuki---

Hindi ito maaari.

Isa na namang patibong ang kinahihinatnan namin!

Hindi na ako nakapagtimpi pa.

Sumigaw ako nang malakas para bigyan ng babala ni Kito. At hindi lang siya. Pati na rin silang dalawa ni Ania.

"Umalis kayo dyan! Isa na naman yang patibong! Mag-iingat kayo dyan!" Sigaw ko na pagkalakas-lakas.

Lumingon agad sila Ania at Hirou sa direksyon na kung saan ako nakatayo ngayon. At nagtataka sila kung bakit ko nasabing patibong.

"Anong sabi mo? Patibong?!" Sigaw naman ni Hirou.

"Oo. May nakatanim na patibong dyan. Mag-iingat kayo!", dagdag ko.

Matapos kong balaan sila Hirou, hinanap ko kaagad si Kito. Pilit niya kasing kunin ang bagay na nakasabit sa leeg ng Crystal Dragon. Na akala namin ay Sapphirine Flute, yun pala ay isang...

Teka sandali. Parang maliit na chamber yan na nakasabit sa leeg niya! Isang chamber na singlaki ng isang space capsule. Bale sa tanysa ko nasa 6 feet ang haba by height at nasa 30 inches naman ang lapad. In short napakasikip sa loob. Kaya pala napansin kong wala sa labas ang chamber. Kundi nakasabit mismo sa leeg niya na parang kwintas!

Kailangan ko ring balaan si Kito.

Sumigaw ulit ako ng sobrang lakas para magbigay ulit ng babala para sa kaniya.

" Kito!" Malakas kong tawag sa kaniya. Agad naman lumingon ang Spriggan with a spiky hairstyle. Grabe nagmention talaga sa hairstyle ah.

"Ano na naman ba iyon Spriggan?" Tanong niya sa'kin habang nasa ere siya at naghanap sa weak point ng kalaban.

"Wag mo nang tangkaing kunin ang Sapphirine Flute sa dibdib ng Crystal Dragon! Dahil isa yung chamber na kung saan nilalagay niya ang kaniyang mga biktima! Mag-iingat ka!", malakas kong pagpapaalala kay Kito. Sana maririnig niya ang babala kahit naglalakasan ang mga ingay ng pagbabangga ng espada at ang malakrystal na katawan ng Crystal Dragon.

"Anong sinabi mo?!", tanong ni Kito. Baka (stupid)! Akala ko pa naman narinig mo ang mga sinabi ko! Ikaw talagang tutubi ka!

Kaya mas nilakasan ko pa ang pagsigaw sa kaniya para magbigay ng babala.

" Kito! Wag mo nang tangkaing kunin ang Sapphirine Flute na nakasabit sa leeg ng Crystal Dragon! Dahil isang chamber yan na kung saan inilalagay niya ang kaniyang mga biktima!", malakas kong pagpapaalala ulit sa kaniya.

At sa wakas natauhan na rin siya. Mapapaos na yata ang boses ko sa kasisigaw ng babala sayo Kito. Kainis may training pa kami bukas sa banda. Biro lang. Sa isang school club lang pala.

Agad lumingon si Kito na medyo may gulat expression. Parang matatawa ba ako o maiinis sa reaksyon niya. Nakakainis rin minsan ang tutubing eto kahit gwapo.

"Hindi pala ito Sapphirine Flute? Kung ganon, ano bang bagay na'to?", sabi niya.

Bigla na lang rin siyang sinunggaban ng Crystal Dragon at pinasok sa chamber. Kainis! Ang tigas kasi ng ulo eh!

Kasabay rin ng pangyayaring iyon, kumanta ulit siya ng isang himig. Isang himig na nakapagpapaalala sa mga bangungot ng isang tao. Ang himig na narinig lang namin kamakailan lang.

" Ate Kiruna takpan mo ang mga tenga mo!" Sabi ni Riku.

Agad ko ring tinakpan ang mga tenga ko para hindi ko mapakikinggan ang himig. Nais ko rin sanang balaan sila Ania pero...

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now