Chapter 8:Let's Celebrate

1.8K 71 43
                                    

---Kazuki---

Nakarating na rin kami sa lugar kung saan kami mag-cecelebrate. Ang Fairie's Café na matatagpuan sa Windia's City.

At whoa. Ang ganda rito. Para akong nasa café na pinupuntahan ko sa real world kapag gagawa ako ng mga research. O magchichill lang. May pagka-sophisticated and modern/ tech style ang lugar na ito. Ang ganda ng ambiance.

Ilang minuto ang lumipas at nagsisimula na ang maliit naming salo-salo.

"Kampai para sa pagligtas ni Kira sa atin at ang pagkatuto niya sa paglanding ng tama!" Masiglang sabi ni Aira.

"Kampai!!!" Sabay naming sabi.

Actually, juice yung iniinom namin. At isa pa ayaw naming uminom na may alcohol noh. Nakakasira kaya yun sa kalusugan. Fresh orange juice na lang. Hahaha para healthy.

Samahan mo pa ng mga pagkaing gaya ng mga paborito ko. Choco blueberry cake, cheesecake at iba pa.

Pagkatapos naming magtoast, sinimulan na nga naming mag-usap tungkol sa mga pangyayari kanina na agad binuksan ni Shiro ang usapan.

"So. Paano mo pala sila iniligtas Kira?" Tanong niya.

Sinubo ko muna ang isang tinidor ng kinakain kong cake at pagkatapos ay nagsalita ako.

"Uh... Mahabang kwento kasi yun. Sobrang haba." Sabi ko.

"Ikuwento mo na lang kaya Kira. Kahit brief explanation lang o summarise." Wika ng masiglang Aira habang kumakain ng cheesecake.

Kung yan ang gusto niyo, sige na nga. Sasabihin ko na lang in a summarized version.

"O sige na nga sasabihin ko na. Aksidente yung pagpunta ko sa lugar nila kasi sa mga oras na iyon ay hindi ako marunong maglanding. Nakita ko na lang sa ibaba na pinalibutan na sila ng mga players na humahabol sa kanila. Kaya ayun. Tinulungan ko silang magkaroon ng world peace. At ayun nagkaroon ng katahimikan sa alitan nila." Sabi ko sa kaniya.

At pinagpatuloy din ni Sky ang mga sinabi ko. Sinabi niya ang dahilan kung bakit sila hinahabol ng mga bakang iyon.

"Tama. Kung hindi dahil sa kaniya, malamang magiging orb na kami. Hinabol lang nila kami nang dahil sa hindi namin sinadyang sirain ang kanilang tambayan. Hay." Sabi ni Sky.

"Oo nga. At buti na lang, hulog ng langit si Kira. Eh kasi naman bumagsak siya galing sa himpapawid. At isa pa, nang dahil sa taglay niyang kagandahan, napahinto niya ang alitan. Hahaha!" Sabi naman ni Aira na sobrang hyper pa rin hanggang ngayon.

Hay naku Aira. Kung pwede lang, dahan-dahan ka na sa pagkain ng mga matatamis. Nakakahyper yun eh.

"Hay. Kailangan mo pa talagang sabihin yan Aira." I replied in a cold tone habang umiinom ng juice.

Napatawa na lang din si Shiro sa mga sinabi niya. Yan talaga ang epekto kapag wala ka sa oras na nanganganib sila at ako yung tumulong.

"Ok na sana iyon eh. Naging peaceful na sana pero nagbigay pa ng nonsense condition." Dugtong ko.

"At ano naman yun?" Tanong naman ni Shiro.

At si Sky na nga ang sumagot sa tanong na yan. Eh kasi naman, ayoko nang maalala ang pangyayaring iyon. Maliban lang sa laban na napasukan ko.

"Edi makipag-date siya sa leader ng mga lokong iyon. At isa pa, hindi sila bagay noh. Nababagay lang si Kira sa isang player na kasing-badass niya pagdating sa labanan." Sagot ni Sky.

Wow. Badass talaga? Hindi ba pwedeng nagtataka pa lang nang dahil sa nagawa kong hindi pangkaraniwang moves sa laban?

At agad naman ipinagpatuloy ni Sky ang mga susunod na pangyayari.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon