Chapter 37: The Guy Behind The Hood

354 15 2
                                    

Author's note:

Pretty curious on who is the guy behind the hood huh? Sino kaya siya? Malalaman ba ni Kiruna kung sino siya? Let's find out in this chapter.

-MysticBlackAsuna💕

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Izumi---

Hindi ko talaga nakakalimutan yung nangyari kanina habang papauwi na ako. Yung babae... Yung ngiti niya...

Hay! Pwede niyo bang sabihin kung anong nangyayari sa buhay niya? Kazuki naman eh natatakot na ako sa misteryosong nakaraan mo na hanggang ngayon pinaghahanap pa rin sa virtual world. At paano naman dito sa real world? Hay. Nalilito na ako. Sino ba kasi yung babaeng iyon? Hindi ko talaga makakalimutan yung huli niyang sinabi bago siya tumakbo.

<<<<mini voice recall>>>>

Pakikumusta mo na lang ako sa best friend mong may amnesia.

Sino kaya ang babaeng iyon? Hay! Kung pwede lang sana silang puntahan sa ALO ngayon. Eh sabi ni H silang dalawa lang. SILANG DALAWA?? Hhmmm... Pati kay Jiroshin a.k.a. Shiro namimisteryohan na rin ako sa kaniya. Ano rin kaya yung pinag uusapan nila? Baka sa nalalapit nilang kasal!

Joke lang. Hindi naman kayo mabiro hahaha.

Pero sa totoo lang, ano kaya yung pinag uusapan nila? Di kaya may kinalaman yun sa mga litratong nakita ko sa bahay niya? O baka naman...

Sa pangakong ikinuwento ni Jiroshin para sa batang Spriggan na nakilala niya noon.

---Kazuki---

1st Floor in the Floating City

Nakarating na nga kami sa Floating City. At ang ganda naman dito. Isa nga itong lumulutang na siyudad. Oo nga pala. Ang itsura ng floating city ay parang isang castle data base lang ang peg na parang... Basta ang hirap i-explain.

Nakatayo nga kami sa tabi ng teleporter.

At ...

"Kito-san. Nasaan ba tayo ngayon?"

"Nasa floor 1 tayo. Ang tawag sa lugar na ito ay Tower of Beginnings."

Tower of beginnings? Parang pamilyar yan sa'kin ah.

"Ang ganda naman dito. Pwede bang pasyalan?"

"Oo naman. Pero hindi lang dito makikita ang mga magagandang pasyalan. Nandoon rin sa ibang palapag. Gusto niyo bang puntahan?"

"Oo naman."

Pumunta agad kami sa teleporter at pumunta sa aming destinasyon. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na pupunta kami sa floor 21 na ayon sa kaniya may bahay siya doon. At pagkatapos pupunta na kami sa isang dungeon na ayon sa kaniya may nakita daw siyang kakaibang item na parang headband ang hugis. Baka isa na iyon sa mga memory fragments. Sabi ni H dalawa yung hahanapin naming fragments sa ALO.

Habang magteteleport, may nakita akong isang player na nakahood. Color black hood actually. Tapos may sinensyas siya sa'kin na ang ibig sabihin ay susundan kita. Hmmm... Hanggang dito pa naman sa ALO may stalker ako? Hoy ba't ayaw niyo akong tigilan sa kasusunod sa'kin?!

---

Nakarating na kami sa floor 21.

Wow ang ganda pala dito. Nature na nature. Ito yung gusto kong lugar para makapag isip kung sakaling gusto kong mapag-isa. At sa totoo lang sa tunay na mundo, pumupunta ako sa lugar na walang tao at iiyak lalo na pag sumapit na ang gabi. Nahihirapan na rin ako minsan sa sitwasyon kong ito. Isang magaling na sword player na may tinatagong kahinaan. Ayaw ko kasing makita nila na iiyak ang taong akala nila malakas sa pakikipaglaban. Sekreto lang natin ito. Wag niyong ipapaalam kina Sky at Shiro-kun. Hahaha. Normal lang namang umiyak. Strong person cries at night ika ng napag-alaman kong kasabihan.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now