Chapter 57: Facing the Nightmare

325 10 0
                                    


===Kazuki===



"RAVEN!!! DAILLI!!!"


Sigaw ni Hirou at Brock at agad silang tumakbo sa pinanggalingan ng tunog.



Sumunod na rin kami sa kanilang dalawa na patungo sa isang yungib na gawa sa tanzanite. Hindi na rin kami nagdalawang-isip pang pumasok sa loob. Nakapalibot ang kulay lilang apoy sa magkabilang bahagi ng yungib at nagniningning pa ang mga krystal sa loob. At habang patakbo kami, may namataan kaming dalawang daan sa dulo. Natigilan kaming lahat sa aming nakita at purong kalituhan at pag-aalala na ang aming nararamdaman sa sitwasyong ito.


Malaking palaisipan kung paano napunta ang dalawang iyon sa isa sa mga daang ito kahit abala pa naman kami sa labanan kanina. Nakakapagtataka na ito.


Hindi na ito maganda.


"Paano na ngayon? Saan dito ang tamang daan para mapuntahan natin sila?" Nangangambang tanong ni Hirou habang nakatingin sa akin.


Alam kong nagagalit pa rin ako sa ginawa niya sa akin dahil sa mga ginawa niya sa buong talambuhay ko sa Virtual World. Pero sa sitwasyong ito parang mas nag-aalala pa ako sa kanya. Nawawala si Raven at Dailli at isa pa mahalaga si Raven kay Hirou kaya hindi rin maiwasang mag-aalala ang isang tao.


Pero si Dailli, ewan ko pero parang may napapansin na akong kakaiba sa kanya.



"Huwag tayong padalos-dalos sa sitwasyong ito. Kailangan na muna nating magplano kung saan sa dalawang daanang ito tayo dadaan. Alam kong nag-aalala tayo ngayon sa sitwasyon nila. Pero pag-isipan na muna natin kung ligtas ba at tama ang ating tatahaking daan." Sabi ko kasabay ng pagtingin ko sa dalawang daan. Pinag-iisipan ko pa rin kung kung anong tamang gawin. Kailangan kasing pag-isipan ang lahat ng bagay bago gawan ng aksyon. Marami nang nadali sa mga bagay na hindi pa pinag-isipan.



Kaya bago pa man mapunta sa kapahamakan ang mga kasamahan ko, hindi dapat kami maging padalos-dalos sa aksyong gagawin namin.


Make one wrong move and danger will chase after you.


"Hahatiin natin ang grupo sa dalawa. Baka sa sitwasyong ito, isa-isa silang dinala ng mga kalaban sa magkaibang daanang ito." Sabi ko sa kanila.


"Seryoso ka ba d'yan Kiruna? Paano kung pati rin kami mapupunta sa panganib?" Saad naman ni Gray na nalilito na may halong inis.



Lumapit ako sa kanya kasabay ng pagbatok ko sa kanya upang magising na rin ng konti. Ewan ko kung nadedeliryo ba ang lalaking ito o natatakot lang sa tatahakin naming plano.


"Anong silbi ng mga sandata mo at sa pagiging swordsman kung matatakot ka sa panganib at hindi mo ito malalabanan? Ang sandatang dala mo ay hindi pang-display sa laban." I said as I give him a deadly glare. Ngayon lang ako ulit naging seryoso simula noong mga napagdaanang labanan. Sa panahong ito ng iyong paglalakbay kasi, hindi lamang alaala mo ang nakasalalay rito, pati na rin ang buhay at kapakanan ng iyong kasamahan.



"Ayan tuloy nagalit pa siya sa 'yo Gray puro ka kasi segway nang segway. Baka kulang na lang ikaw pa ang pugutan niya." Sabi naman ni Aira sa kanya.



"Oo na hindi na ako eextra. Pakikinggan ko na lang ang mga sasabihin ng commander natin." Sagot niya kasabay ng pagkamot ng kanyang ulo.



I take a deep breath to calm myself down behind this situation. Hindi dapat ang galit ang mangingibabaw sa mga oras na ito. Ayokong pati kasamahan ko madamay pa sa emosyon ko dahil lamang sa mga pangyayaring ito.


"Pasensya ka na Gray nadala lang ako sa tensyon ko. Oras na para magdesisyon ako sa tatahakin nating mga daanan," kasabay ang pagturo ko sa kaliwang daanan ay gumawa na rin ako ng pangkat kung sino sa kanila ang papasok sa magkaibang daan. "Krystal, Gray, Aira, Hirou at Sky, kayo ang tatahak sa kaliwaang daanan. Habang ako, si Shiro, Lia, Riku, Violet at Brock naman dito sa kanan. Kung may makikita man kayong kalaban o kakaiba sa paligid, magbigay kayo ng senyas o mensahe at pupuntahan namin kayo kaagad."


Lahat naman sa amin ay umayon sa plano maliban lamang kay Hirou.


"Pero ate---" He said in protest.


"Ang utos ay utos. Oras na upang puntahan natin ang mga tao at bagay na mahalaga sa atin sa misyong ito. Hindi lamang alaala ko ang nakasalalay rito, pati na rin ang buhay ng ating mga kasamahan." Sabi ko sa kanila sa seryosong tono.


Hirou nodded as a face of disappointment was drawn in it. Alam kong nadidismaya siya sa desisyon ko ngunit gusto ko munang dumistansya sa mga oras na ito. Baka kulang na lang mas maglalagablab pa ang nararamdaman kong galit sa loob ko dahil sa pangyayari.



"Magkita na lamang tayo sa sentrong bahagi ng yungib na ito na kung saan makikita ang Twin Promise Swords." Sabi ko sa kanila.


"Sige Kiruna,"
matipid na sagot ni Sky kasabay ng paglakad nila sa daanang tatahakin nila.


Habang kami naman ay tinahak na rin ang kanang daan para sa aming dalawang misyon: ang hanapin sila Dailli at Raven, at ang paghahanap sa Twin Promise Swords upang makumpleto na rin ang pitong memory fragments ng Quest Memoria. At para na rin magawa ko na ang sinasabing Memoria Regeneration Command, o kung ano man ang tawag sa processong iyon.



Una na akong naglakad sa grupo habang iniiwasan si Shiro-kun dahil ayaw kong uminit pa ulit ang dugo ko kagaya kanina nang nakipag-laban kami sa mga halimaw sa labas ng yungib. Ngunit tinamaan nga naman ng purong kakulitang gaya ng isang kindergarten ay pilit pa rin niya akong kinukulit upang makipag-usap.



"Kiruna-chan, kahit konting minuto o segundo man lang hayaan mo na muna akong magpaliwanag oh! Hanggang kailan ko pa ba gagawin ang bagay na ito para lamang mapatawad mo ako sa mga nangyari?" Pakiusap ni Shiro-kun habang mabilis na naglakad papunta sa aking tabi.


I sigh so hard as I roll my eyes from him in annoyance. Kapag ako hindi pa nakapagtimpi siguradong mabubunot ko na ang espadang dala-dala ko.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now